029

298 11 17
                                    

"Seryoso ka ba talaga na crush mo si Yael?" Tanong ko kay Cess. Magkasama kami ngayon, nakababad ang paa namin sa swimming pool habang nag-uusap. Pinag-uusapan namin 'yung ginawa nya kanina, crush nya talaga si Yael pero 'di pa din ako makapaniwala.

"Selos ka?" Tanong nya at sinamaan ako ng tingin. Inirapan ko sya at inilingan. Napaka malisyosa ng babaeng 'to!

"Tinatanong ko lang! Nakakagulat kaya. Tapos para ka pang tanga kanina, nagtanong ka pa kung sino maga-adjust!" Saad ko sa kanya atsaka sya tinawanan. Namula sya at ngumuso.

"Crush ko talaga sya. Pero hindi ibig sabihin na crush ko sya, hindi na 'ko makikipag-asaran sa kanya. Aba, kaninang magkasama kami puro asaran kami! Mas komportable ako sa ganon kesa sa masyadong sweet. Nakakaumay." Aniya at sumipa. Natawa ako at napailing.

Kahit pala expected mo na ang isang bagay na mangyayari, nakaka-gulat pa din. 'Yung prepared ka naman pero kapag nandyan na mismo or nangyari na, nandon pa din 'yung gulat. Expected ko nanaman 'to eh, na isa sa kay Yael o sa pinsan ko ang magka-kagusto. At nakakagulat na pinsan ko ang nauna. Phew. Buhay nga naman!

"Si Yael at Josh!" Napatunghay ako ng biglang sumigaw si Cess. Sinundan ko ng tingin ang tinuturo nya. Sa bench, nakaupo si Josh at Yael habang nag-uusap. Sumigaw si Cess kaya naman napatingin sa amin 'yung dalawa. Nag-iwas agad ako ng tingin kay Josh ng magtagpo ang mata namin.

"Kakausapin ko muna si Yael, dito ka muna ha? Bye!" Hindi na 'ko naka-angal ng bigla syang tumayo at kumaripas ng takbo kung nasaan si Yael. Tinamaan nga ang gaga. Hays.

Napabuntong hininga ako atsaka napatingala sa langit. Napangiti ako ng makita ang mga nag-gagandahang pagningning ng mga bituin. I want someone who likes to look at the stars as much as I do. Because I love stars. So much.

"You smiled at the stars like they knew all your secrets." Nawala ang ngiti ko sa labi ng marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Naramdaman ko ang pag-upo nya sa tabi ko kaya naman nilingon ko sya.

"Josh.." Sambit ko. Ngumiti sya sakin bago nya ibinaba ang paa nya sa tubig.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin. Tanging pag galaw lang ng paa namin sa tubig at pag hampas ng hangin sa puno ang naririnig namin.  Sabay kaming napabuntong hininga. Nagkatinginan kami atsaka natawa.

"Sorry." Aniya na ikinalingon ko.

"About what?

"Sa kanina. Sorry kung nabigla kita, na-misinterpreted mo tuloy 'yung pag-amin ko." Sambit nya atsaka kumamot sa batok. Kahit madilim na ay hindi nakatakas sa mata ko ang pamumula ng leeg at tenga nya.

"Josh--" Naputol ang dapat na sasabihin ko ng bigla nyang takpan ang bibig ko gamit ang kamay nya. Nilapit nya ang mukha nya sakin at nakipagtitigan sa akin.

"Makinig ka na muna, please? Let me explain first." Sambit nya kaya naman tumango na lamang ako. Tinanggal nya ang kamay nya sa bibig ko atsaka sya nagsalita.

"I loved Mitch. At sa tingin ko, kahit anong mangyare, hindi na magbabago 'yon. Naging parte na sya ng buhay ko, ginawa ko syang mundo ko noon at halos sa kanya ko na paikutin ang buhay ko."

Hindi ko alam kung nanadya ba si Josh o ano, eh. Okay fine, mahal nya na, ginawa nya ng mundo, pero kailangan nya pa ba sabihin 'yon sa tapat ng taong may gusto sa kanya? Ang sakit ha. Masyado nya saking ipinapamukha na hinding-hindi ako magiging kagaya ni Mitch. Psh

My god, Amanie! Nagkagusto ka lang sa hambog, kung ano-ano ng pinagsa-sabi mo!

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at ngumiti ng pilit.

"So, bakit mo sakin sinasabi?" Tanong ko habang nakatingin sa mga paa kong nakababad sa tubig.

"Para ipaalam sayo na hindi mo man sya mapantayan, alam kong kayang-kaya mo naman syang mahigitan." Natigil ang paggalaw ng paa ko at halos kumalabog na naman ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Josh.

Nilingon ko sya at seryoso lamang syang nakatitig sa akin. Fudge. Ayan nanaman.

"A-Ano ba 'yang sinasabi mo, Josh? Gutom ka ba or what?" Tumawa ako kunwari at lumayo ng kaonti sa kanya.

"I think I'm in love." Kinagat ko ang ibabang labi ko ng mas lumakas ang kabog ng dibdib ko. Damn you, Josh. Hindi mo alam kung anong ginagawa mo sa sistema ko.

"I will court you, Amanie. Whether you like it or not." Ani Josh. Nanlaki ang mata ko at gulat ko syang tinignan.

"A-Ano?!" Natawa sya ng makita ang reaksyon ko. Walang nakakatawa!

"Okay? Okay."

"Josh, ano ba? 'Yung nararamdaman mo ngayon, kay Mitch 'yan at hindi sa akin!" Hindi ko na napigilan ang mataasan sya ng boses dahil sa kaba at halo-halong emosyong nararamdaman ko.

"Hindi ganito ang naramdaman ko kay Mitch noon, Amanie. Iba ka, iba sayo. Mas malala at ang hirap itago. Just let me court you, give me a chance. Ang hirap i-express sa salita kaya hayaan mong ipakita ko na lang sayo. Please. Kapag hindi nag-work, titigilan na kita. Titigil ako. Sa ngayon, hayaan mo lang ako ipakita sayo dahil masisiraan na 'ko ng bait sa sobrang hirap itago."

Nag-mistulan akong estatwa dahil sa sinabi ni Josh. Para kong naghahabol ng hangin, nahihirapan akong huminga. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at wala 'kong ibang magawa kundi ang makipagtitigan sa kanya.

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin o sabihin. Nahihiya ako na ewan..... pero ang sarap sa pakiramdam.

Pakshet, bibigay ka na ba agad, Amanie?

=============

A/n: Ang saya ko ngayooon ^o^ Salamat sa lahat ng bumati. <3

>unedited<

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon