Tulala pa din akong nakatingin sa kawalan dahil sa ginawa ng lalaking nagnga-ngalang Slater. My god. Magnanakaw sya ng halik!
Bakit nya 'ko hinalikan? Hindi naman kami magkakilala, diba? Nakakainis. First time ko mahalikan sa pisngi, napaka unexpected na stranger pa. Psh. Inis kong pinunasan ang parte ng pisngi ko na hinalikan nya.
Argh. I swear, kapag nagkita ulit ang landas namin, nanakawan ko din sya. Yes, nanakawan ko din sya─ ng sapak. Tsk
"Amanie." Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si Josh sa tabi ko. Malamig syang tumingin sa akin atsaka nag-iwas ng tingin at umupo sa tabi ko.
Umurong ako palayo sa kanya. Lumingon sya sa sakin dahil sa ginawa ko, ngumisi sya at napailing.
"Nandidiri ka sakin? Dahil sa ginawa ko?" Sambit nya. Napayuko ako, hindi naman 'yon ang ibig sabihin ng pag-urong ko. God knows how much he make my heart beat entirely too fast, every damn time that he's around me. I really don't know why pero hindi maganda 'yon. Para 'kong laging aatakihin sa puso.
"Are you jealous?" Nanlaki ang mata ko ng bigla nyang itanong 'yon. Tumikhim ako bago kunwaring natawa.
"Ha? Saan naman?" Tanong ko. Tumingin sya sakin ng seryoso.
"Sa narinig mo kanina. Sa nakita mo." Aniya.
"B-Bakit naman ako magse-selos? H-Hindi naman tayo, diba? Nagulat lang t-talaga 'ko kanina." Wika ko at kunwaring tumawa ulit. Lumapit sya sa akin at mabilis na hinawakan ng mahigpit ang dalawang kamay ko.
"Hindi mo ba 'ko tatanungin kong nagselos ako sa nakita ko kanina?" Tanong nya. Natulala ako at napatitig sa kanya, don't tell me nakita nya 'yung paghalik sa akin kanina nung Slater?
"H-Ha?" Ang tanging sagot ko. He bit his lower lip, smirked atsaka ako binitawan at tumayo. Napahawak sya sa batok nya at sumipa sya ng bato sa sahig.
Lumingon sya sa akin at tumitig kaya naman muli akong napayuko.
"Babygirl.." Halos tumigil ang buong paligid at paghinga ko ng makitang naka upo na sya sa harap ko. Hinawakan nyang muli ang kamay ko at wala 'kong ibang magawa kundi ang titigan sya.
'Yung mga mata nyang halos nanghihigop ng kaluluwa. 'Yung mga titig nya na nakaka-panghina ng tuhod, 'yung mga hawak nyang nagiging dahilan ng hindi ko maayos na paghinga. Damn, what's wrong with me?
Ngumiti sya sakin at ginulo ang buhok nya.
"I'm.... jealous." Sambit nya atsaka ako tinitigan sa mata. Pigil ang pagkurap at paghinga ko, nanatili akong gulat na nakatingin sa kanya dahil sa sinabi nya. Nagse-selos sya? Saan? Doon sa Slater na nanghalik sakin? Bakit? Paano?
"Hindi mo pa din ba maintindihan?" Tanong nya. Umiling ako dahan-dahan.
"Gusto kita, Amanie. Gustong-gusto. Hindi ko alam kung kailan at paano, basta nagising na lang ako na gusto kitang laging nakikita, nakakausap, nakakasama, at gusto kitang protektahan sa lahat ng bagay, sa kahit na sino. Naiinis ako sa t'wing nakikita kong sobrang sweet nyo ni Yael, naiinis ako sa t'wing wala sakin ang atensyon mo. At naiinis ako sa t'wing may kausap kang ibang lalake bukod sa akin. Nagse-selos ako, Amanie. At sa nakita kong paghalik sayo ng lalakeng 'yon kanina? Gustong-gusto ko na syang sugurin kanina at hatakin ka pero hindi ko ginawa.. baka magalit ka sa'kin." Yumuko sya at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Gusto nya 'ko? Gusto ako ni Joshua Franco?
Nakipaglaban ako ng titigan sa kanya. Tinitigan ko sya sa mata at halos wala 'kong ibang makitang iba kundi ang sensero nya. Agad akong nag-iwas ng tingin atsaka sya binitawan at tumayo.
"Kung ano-ano ang sinasabi mo, iniisip mo lang 'yan." Sambit ko. Muli nya 'kong hinawakan sa kamay.
"No, I'm serious, Amanie. I like you. A lot." Aniya. Nagkakamali sya. Hindi nya 'ko gusto.

BINABASA MO ANG
Memory Of Us
Любовные романыWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...