Mariin akong napapikit at inis na kinagat ang labi ko. Crap. Bakit kasi ngayon pa, kung kailan iniiwasan ko. Aish
Huminga ako ng malalim bago muling hinarap si Mr. Cahapay at Ms. Crux, agad ko silang binigyan ng matamis na ngiti at pinanatili ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko nililingon ang mga nasa tapat namin at nagpa-panggap na lamang na kaming tatlo lang ang nandito sa kwartong ito.
"Good morning, Ma'am and Sir." Magalang na bati ko. Ngumiti sa'kin si Ms. Crux at kinuha ang clear folder ko.
"Bakit ngayon ka lang nagpapa pirma?" Ani Ms. Crux. Naiilang akong napakamot sa batok ko.
"Ah, eh, naging abala po kasi." Nahihiyang sagot ko. Bahagya syang natawa at kinuha ang ballpen na nakasabit sa I.D lace ni Mr. Cahapay.
"Wala ka naman ng kulang sa'kin. Done." Aniya at inabot naman kay Mr. Cahapay ang folder ko.
Napakagat ako sa labi ko ng makitang ngumisi ito sa'kin bago tuluyan binigyan atensyon ang clearance ko.
"May kulang ka pa sa'kin." Hindi ko maiwasan makaramdam ng hiya dahil sa sinabi ni Mr. Cahapay. Okay lang sana kung wala dito si Josh at ang mga kaibigan nya, ang kaso, nandito. Nakakailang. Nakakahiya.
Tumikhim ako at kunyaring tumawa. "Ano po 'yon, Sir?" Tanong ko.
"Sa rooftop ay may anim na box sa pinaka gilid, kunin mo 'yon at ilagay lahat sa ilalim ng table ko sa faculty room. Hindi 'yon sobrang bigat pero matatagalan kung ikaw lang mag-isa ang gagawa no'n." Hindi maiwasan mapakunot ng noo ko dahil sa sinabi ni Sir. Anong kinalaman non sa kulang ko?
"Mr. Franco, pwede mo bang tulungan si Ms. Jocson?" Nanlaki bigla ang mata ko at kinakabahang nilingon si Josh.
"P-po? Sir, k-kaya ko na po 'yon mag-isa!" Saad ko na agad nakapag pangisi sa kanya. Muli na namang nag-umpisa ng pangangantyaw ang mga kaibigan ni Josh. Agad kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko.
"Amanie." Ani Mr. Cahapay at binigyan ako ng makahulugang ngiti. Mariin akong napapikit, mukhang alam ko na ang gusto nilang mangyari. Tumango na lamang ako kay Sir at tumalikod na. Naramdaman ko agad ang presensya ng pagsunod sa'kin ni Josh. This is awkward. Swear.
"Go, Franco! Chance na 'yan, pare!"
"Idaan mo sa kanta, tol!"
"Wala ng sorry-sorry, luhod agad!"
"Gago!"
Naiiling akong lumabas ng room dahil sa mga pinagsa-sabi ng kaibigan ni Josh. Tahimik akong naglalakad ng maramdaman kong pinantayan ako ni Josh sa paglakad. Hindi ko sya nilingon o pinansin, nananatiling diretso ang tingin ko.
Tumikhim sya at ng alam kong magsa-salita sya ay agad ko na syang hinadlangan.
"Kukunin lang natin ang inutos ni Mr. Cahapay sa rooftop, wala tayong dapat pag-usapan." Malamig at walang lingon na saad ko sa kanya. Kita ko sa gilid ng mata ko ang biglang pag bagsak ng balikat nya. Napangiwi ako. No, 'wag kang papadala sa awa, Amanie.
Pag dating namin ng rooftop ay nakita ko agad ang anim na box do'n na binanggit ni Mr. Cahapay. Tinignan ko ang mga laman nito. Basahan, room decorations, at mga papers. Kaya ko naman lahat 'to at hindi naman ako matatagalan dito. Hays
"Kaya ko na 'to mag-isa. Antayin mo na lang ako dito at 'wag ka ng tumulong. Babalikan ko ang tatlo, pagkatapos non, sabay tayong babalik ng room." Sambit ko sa kanya. Pinag patong ko ang tatlong kahon at saka 'yon binuhat.
Saglit akong napahinto ng makitang naupo na lamang si Josh sa sulok at nakatitig na lamang sa'kin. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at tuluyan na ngang lumabas do'n para ihatid sa faculty room ang unang tatlong kahon.
BINABASA MO ANG
Memory Of Us
Любовные романыWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...