Epilogue #1

56 3 6
                                        


"Congrats, baby!" 


I felt a pair of big hands encircled my waist and a head leaned on my shoulder. I laughed as I felt the warmth of his breath on my skin. Mabilis akong umikot para harapin ito. I bit my lower lip as I stared at him, seeing the pure joy in his eyes. 


"Congrats to us, Gio!" Nakangiting bati ko rin sa kanya at ginantihan sya ng yakap. Pagkahiwalay ay pumikit ito at ngumuso sa harap ko. Natatawa akong lumayo sa kanya.


"Ginagawa mo?" 


"Kiss ko?" aniya kaya mabilis kong inihampas sa kanya iyong graduation cap na hawak ko.


"Tigilan mo nga!" Tumalikod ako sa kanya at agad na hinanap ng mata ko sila Papa at Kuya. Nang makita ko silang hinahanap din ako ay agad akong tumakbo papalapit sa pwesto nila. 


I hugged Papa from behind. "Papa!" Masiglang bati ko dito. Nakangiti itong humarap sa akin at nakita ko agad ang pangingilid ng luha sa mga mata nya. 


"Yung baby ko graduate na.." Narinig kong bulong nya sa habang nakayakap sya sa akin. Nang makahiwalay ay hindi ko na rin napigilan maiyak sa itsura nya. Alam ko naman na tears of joy lang iyon ni Papa pero pakiramdam ko ay nalulungkot din sya.


"Pa naman, pinapaiyak mo ako!" 


Hindi ko rin maiwasan maging emosyonal dahil sa nakikita ko. Today's our college graduation day at hindi pa rin ako makapaniwala na nakaabot pa ako sa puntong ito. Pakiramdam ko ay nananaginip pa rin ako.


"Ako nag make-up dya'n! Huwag mong sayangin!" Hindi ko napigilan ang matawa ng biglang lumapit sa akin si Cess at punasan ang mukha ko ng tissue. Kahit sya ay umiiyak rin, para tuloy may patay!


"Congrats, gaga ka! Mag apartment na tayo pareho pag may work ka na!" anito. Napalingon ako sa likod ni Papa ng makita si Kuya Alvin at Kuya Aldrich na nakangiting nakatingin sa akin. Kumaway sila kaya naman mabilis akong tumakbo sa pwesto nila.


"Hindi ka pa rin pwede mag boyfriend," bungad na saad sa akin ni Kuya Alvin ng makalapit ako. Ngumuso lamang ako at agad syang niyakap. 


"Congrats, Ams!" Sabi ni Ate Shae, girlfriend ni Kuya Alvin, ng makahiwalay ako sa yakap ni Kuya. Nang yumakap rin ito ay nagpasalamat din ako. Sunod akong bumaling kay Kuya Aldrich na nakangiting nakatingin sa akin.


"Baka naman maunahan pa kita mag-asawa, Kuya!" pang-aasar ko dito. Wala pa rin kasi syang pinapakilala sa amin na girlfriend nya hanggang ngayon. Feeling ko tuloy magpa-pari na sya. Sumama ang tingin sa akin ni Kuya Aldrich at marahan na hinampas sa ulo ko iyong flower na hawak nya.


"Congrats, tatanda kang dalaga." anito at saka ngumisi sa akin. 


"Nasa'n na si Gio?" Tanong ni Cess nang makalapit sa pwesto namin. Sa likod nya ay si Papa at Kuya Alvin na parang inaantay din ang sagot ko. Sobrang dikit sa akin ng lalaking yon, pati pamilya ko hinahanap na sya!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon