014
=================
Sabado, walang pasok. Tulala akong nakatingin sa kisame ng kwarto ko.
Hay. Birthday ko ngayon pero ang bigat ng pakiramdam ko.
Parang kahit alam ko na yung totoo, may kulang pa din. May mali pa din, may gusto pa din akong malaman... at hindi ko alam kung ano 'yon.
Nagu-guilty ako, may lihim akong galit sa ugali ni Josh tapos malalaman ko yung katotohanan kung bakit sya nagka ganon? Damn. Umiiral na naman katangahan ko.
Maganda kaya yung Mich?
Aish. Ang importante, mahal 'yon ni Josh kahit wala na.
Hays, naalala ko na naman yung mga sinabi sa akin kahapon ni Marga. Kaya pala, kaya pala pinapaiwas nya 'ko kay Josh dahil ayaw nyang magustuhan ko ang lalaking matagal nya ng gusto. Kinikilala ko syang kaibigan, pero sya... kinikilala akong karibal.
Kaya pala ganon na lang sya ka-komportable makipag-usap kay Josh. Naiinis ako. Naiinis ako na nasasaktan sa hindi ko malamang dahilan.
Tamad akong bumangon sa kama at sinuot ang tsinelas ko at saka lumabas ng kwarto. Kumunot ang noo ko ng mapansin kong patay pa din ang ilaw sa sala namin habang bumababa ako. 8:30 na ng umaga, gising na dapat ng ganitong oras si papa at nagluluto sya ng umagahan.
Hindi na 'ko nag-abalang pumanik ulit para silipin ang kwarto ni papa kung nandoon ba sya, bagkus ay nagpatuloy na lamang ako sa pagbaba. Baka tulog pa si Papa, napuyat yata kagabi.
Pinindot ko ang switch na sakto namang may biglang pumutok ng malakas at ikinagulat ko. May mga naglalagang papel na maliliit na iba-iba ang kulay. Confetti?
"Happy birthday, Amanie!" Saglit akong natulala ng makita ko sa harapan ko si Papa na may hawak na banner na puro pictures ko, si Kuya Aldrich at Alvin na may hawak na cake at balloons, at ang best friend ko na pinsan ko din na si Princess. Mga nakangiti sila sakin.
Nang ma-realize ko ang nangyayari ay napatakip na lamang ako sa mukha ko. Naiiyak ako na nahihiya sa ginawa nila.
"Hay, nako! Cry baby ka talaga kahit kailan, Amanie." Ani Princess. Lumapit sya sakin at namewang sa harap ko.
"Ginawa namin 'to para sumaya ka, hindi umiyak. Anong kagagahan 'yan?" Tinanggal ko ang kamay ko sa mukha ko at pinunasan ang mga luha ko. Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sinabi nya.
"Alam mo ba yung salitang tears of joy, ha?"
"Mukhang hindi tears of joy eh." Aniya atsaka tumawa. Nilapitan ko si Kuya Aldrich at Kuya Alvin atsaka sila niyakap.
"Namiss ko kayo.." Bulong ko sa kanila habang nakayakap. Tumawa lamang sila at niyakap ako pabalik.
BINABASA MO ANG
Memory Of Us
RomanceWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...