003
====================
"Bukas na ang simula ng discussion natin about accounting, basic lang ang mga ituturo ko sa inyo. Preparation lang ito para sa senior at college nyo. At dahil wala kayong libro ng accounting, syempre manghihiram kayo." Naka-pangalumbaba lang akong nakatitig sa teacher kong nagsa-salita sa unahan.
"Dahil grade 10 pinag-aaralan ang accounting, expected na walang book ang mga mas mababang grades sa inyo. Grade 7,8, and 9, wala sila. So, sa senior kayo manghi-hiram. Sa mga ABM tracks."
Halos lahat kami ay suminghap nang sabihin iyon ni Ma'am Sanchez. Senior department?
"Ma'am, paano po kapag ginagamit nila yung book? Paano po namin mahihiram?" Tanong ng isa kong kaklaseng babae.
"Isang beses lang kayo manghi-hiram sa kanila, hihiramin nyo lang ang book nila para magpa- photo copy. After non, pwede nyo na isauli sa kanila, hindi nyo kasi pwedeng hiramin ng matagal kaya ipapa- photo copy nyo ang mga pages na pag-aaralan natin."
Isang beses lang? Geez. Kung 9:10 ang umpisa ng klase namin bukas kay Ma'am Sanchez, dapat mas maaga akong makahiram ng book.
"Ang walang photo copy ng discussion natin bukas, wag nang pumasok sa klase ko. Hindi ko kailangan ng mga estudyanteng tutunganga lang sa harap ko. Get your notebooks and copy this." Aniya at may isinulat na sa white board sa harap.
Kinuha ko ang notebook ko at nag-umpisa ng mag-sulat. Magpapa-tulong na lang siguro ako kay Marga mag-hanap ng pwedeng mahiraman ng libro.
^^^^^^^^^^^^^
Natapos ang klase at break time na. Nang makita ko si Marga sa usual spot namin ay umupo agad ako sa tabi nya.
"Marga, may kakilala ka ba sa Senior department?" Tanong ko. Kumunot ang noo nya sa tinanong ko.
"Bakit?" Balik tanong nya. Inalok nya 'ko ng chi-chiryang kinakain nya pero tumanggi ako.
"Kailangan ko ng pwedeng mahiraman ng accounting book. Ipapa- photo copy ko lang, kailangan namin sa subject ni Ma'am Sanchez bukas eh. Papalabasin ang wala." Sagot ko. Inirapan nya 'ko atsaka sya sumandal sa pader sa likod nya.
"Napaka talaga ng teacher na 'yan! Palibhasa walang jowa eh. Osya, bukas maaga kang pumasok. Te-text kita kung saan tayo magki-kita, may mahihiraman ka naman." Ngumiti ako ng sabihin iyon ni Marga.
"Talaga? Thank you!" Akmang yayakapin ko na sya ng iharang nya ang kamay nya.
"Na-ah! Wag mo 'kong yakapin, mahirap na. Mamaya ma-issue tayo eh." Aniya kaya naman binatukan ko sya.
^^^^^^^^^^^
Uwian na. Mag-isa 'kong uuwi ngayon dahil may pupuntahan daw si Marga.
BINABASA MO ANG
Memory Of Us
RomanceWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...