006

468 14 5
                                    

006


================


Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang sumabay sakin si Josh pauwi. Pero hanggang ngayon, sariwang-sariwa pa din sakin yung nangyari.


Ngayon ko lang na-realize talaga yung ginawa ko. Aish, ginawa ko lang naman 'yon para maisalba yung ego ko. 


Ako pa naman ang nag-umpisa non, nakakahiya. Wala yata 'kong mukhang maihaharap sa kanya. But what if, magkita kami? Magkasalubong? Or sumabay ulit sya sakin pauwi? Tapos.. tapos.. maalala nya yung ginawa ko?


Ghad, baka mag-assume talaga 'yon na crush ko sya! Shet na mabalbon. Dream on, Franco.


Hingang malalim. Kalma, Amanie. Kalma. Hindi na 'yon sayo sasabay pauwi. Kung sakaling makita mo sya or makasalubong, iwas na lang agad. Kunyari may bangaw tapos kailangan mo iwasan kasi hindi mo alam kung saang tae 'yon dumapo para dikitan ka.


Tama, tama.


Pero gash, baka magtaka 'yon or magtanong kapag nagkita kami, na kung bakit ko sya tinakbuhan non! Anong sasabihin ko?


Natatae ako non tapos kailangan ko umuwi kasi namamahay pwet ko? Mali! Parang kadiri pakinggan. Pero parang ako talaga peste.

May emergency? Hindi, wala naman tumawag sakin ng oras na 'yon kaya pan'ong emergency?

Naiwan ko sinaing kong nakasalang? E, ilang oras na ako nasa school! Baka pati bahay namin non luto na. Amp

Nahiya ako sa ginawa ko? Hell no! Baka isipin pa ng hambog na 'yon na kinilig lang ako sa ginawa nya. Tss. Asa ka pang itlog ka.


Never ako magkaka gusto sa hambog na 'yon. Saka na lang siguro pag pinilit nya 'ko. 


"Amanie!" Nabalik ang huwisyo ko sa realidad ng may kumalabit at tumawag sa akin. Lumingon ako at isang babaeng nakasalamin ang bumungad sakin. Si Julz, kaklase ko.


"Oh bakit, Julz?" Nakangiti kong tanong dito.


"Saan ka pupunta? Nakita mo na ba?" Tanong nya sakin na ikinakunot ng noo ko.


"Alin? Yung araw? Oo, ang taas nga e." Sagot ko sa kanya sabay halakhak ko. Pero dahil 'di s'ya natawa ayoko na.


"Pupunta kong room, kakarating ko lang eh. Anong nakita ko na?" Kuryosong tanong ko. Hinawakan nya ko sa kamay at hinila.


"Ano bang ginagawa mo sa buhay babae ka. Nakakahiya 'yung ginawa nyo." Kahit naguguluhan ako sa sinabi ni Julz ay hindi na ko pumalag at nagpahila na lang din sa kanya.


Papunta kami ni Julz sa may bulletin board kung saan maraming estudyante ang nagku-kumpulan at may pinagkaka- guluhan roon. Aga ng chismis natin, ah. 


"Julz, anong meron?" Tanong ko. Hindi nya 'ko sinagot, bagkus, hinila nya 'ko papalapit sa bulletin board. Napalingon ang lahat sakin at bigla silang gumilid.

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon