049
====================
"Babs, papasok na si Tita Grace sa loob. Nasaan ka?" Agad kong binaba ang hood ng hoodie ko at agad na tumalikod at lumakad papalayo nang sabihin iyon ni Yael sa kabilang linya. Nang may madaanan akong Stationery Store ay pumasok agad ako sa loob noon. Pumwesto ako sa bukana kung saan matatanaw ko pa rin ang mga taong dumadaan sa labas.
"Nakapasok na ba?" Tanong ko kay Yael. Nasa mall kami ni Cess at Yael pero magkakahiwalay kaming tatlo. Nasa parking lot si Yael habang nasa bag section sa fourth floor naman si Cess. Minabuti na namin sundin ang plano ni Cess na kausapin si Tita Grace.
Hindi ako maka tyempo nang punta sa bahay nila dahil ang sabi ni Yael ay napapadalas ang alis ni Tita Grace ng mag-isa. Ngayon ay alam ni Yael kung saan sya pupunta dahil kasama nito ang Mama nya. At ang plano ni Cess ay ang pumunta rin sa mall kung saan sila pupunta at magpanggap na makikita rin naman sila dito at doon kunin ang tyempo na kausapin si Tita Grace.
Hindi ko alam kung gagana ang plano ng pinsan kong ito, pero mabuti ng sumubok. Ilang araw na lang at uuwi na rin si Josh, mabuti nang makausap ko muna ang Mama nya bago sya at bago rin namin pag-usapan ang nangyayari sa pamilya namin ngayon.
"Yes, ang nakasunod ako sa kanila ngayon ni Mama. Pero malayo ako so malabong makita nila ako." Sambit ni Yael pabulong sa kabilang linya. Tumango ako kahit na hindi nya iyon makikita. Pag pasok ng mall ay madadaanan nila itong stationery kung nasaan ako kaya makikita ko rin sila. Pero hahayaan na muna namin sila na gawin ang mga gagawin nila bago kami tuluyan magpakita.
Hindi ko rin alam kung paano ko gagawin iyon pero bahala na. Basta ang goal namin is hindi kami uuwi nang hindi ko nakakausap si Tita Grace.
"Sigurado ka bang hindi ka mapapansin ni Tita Carol dya'n? Paniguradong kabisado ka na non mula ulo hanggang paa kahit nakatalukbong ka." Rinig kong sambit ni Cess. Naka confe kaming tatlo para makapag update kami sa mga nangyayari. Nakakatawa nga dahil plano lahat ni Cess ito, pakiramdam ko tuloy nasa isang totong mission kami.
Humalakhak si Yael sa kabilang linya. "You mean, like you? I'm flattered, Princess, thanks. But, no. I can assure you na hindi nya ako mahuhuli dito." Ako naman ang natawa dahil sa sinabi ni Yael. Ramdam pa rin ang awkward sa pagitan nilang dalawa pero halata rin na pareho nila sinusubukan alisin o iwasan 'yon. After all, may pinagsamahan rin naman sila and they're old enough to move on sa kung ano man ang naging past nilang dalawa.
Things that Tita Grace should know by now.
"Ang kapal ng mukha mo." Ani Cess na mas lalo lang ikinahalakhak ni Yael sa kabila. Muli kong inangat ang hood ko at mabilis na humarap sa stall na nasa gilid ko at umaktong may tinitignan ng mamataan ko agad sila Tita Grace at ang mama ni Yael.
"Saw them." Sambit ko kay Yael at Cess sa kabilang linya. Nag-antay ako ng isang minuto bago ako lumabas ng stationery store at sinilip sila. Nakalayo na sila dito at mukhang papunta silang second floor. Agad akong nagitla ng may humawak sa bewang ko. Agad kong nilingon iyon at nakahinga ng maluwag ng mapagtanto ko kung sino iyon.
"Saw you." Sambit ni Yael at saka ngumiti sa akin. Tinitigan ko sya mulo ulo hanggang paa dahil sa paninibago ko sa itsura nya. Nakasuot sya ng black baseball cap, black jeans na may punit sa bandang tuhod, black leather shoes, and a black sunglass. Umikot sya sa harapan ko at tinanggal ang salamin na suot nya.
"So, mukha pa ba akong si Yael pag ganito ang suotan ko? Badboy na 'to." Aniya. Napangiti ako at umiling. Kung ganito siguro ang itsura nya lagi, hindi malabong makakuha sya ng atensyon gaya ng atensyon na nakukuha ni Josh sa school.

BINABASA MO ANG
Memory Of Us
RomanceWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...