035

296 8 14
                                    

Kumunot ang noo ko ng maramdaman ko ang mainit at masinag na araw ng tumama sa mukha ko. Agad akong tumagilid at nagtalukbong.

"Wakey wakey, Cinderella!" Dahan-dahan kong idinilat ang kaliwang mata ko ng marinig ko ang nakakairita at mapang-asar na boses ng pinsan kong gaga.

"Puyat-puyat pa kasi sa chat, kahit gabi nagha-harutan pa. Gumising ka na!" Hinatak nya ang kumot na nakabalot sa katawan ko kaya inis kong ulit kinuha 'yon.

"Cess! 9:30, maaga pa 'yon!" Sigaw ko sa kanya at muling nagtalukbong. Narinig kong humalakhak sya.

"Maaga daw pero eto puyat. Pustahan, tulog pa din si Josh." Hindi ko sya pinansin at mas ibinalot ko pa ang sarili ko sa kumot.

"May chat sayo si Josh, tinulugan mo pala sya kagabi ah!" Agad na dumilat ang dalawang mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Cess. Napabalikwas ako at agad na hinanap ang cellphone ko. Pushak, alam ko hawak ko lang 'yon ng makatulog ako, eh!

"Looking for this, cousin?" Napalingon ako kay Cess. Hawak nya ang cellphone ko habang may nakakalokong ngiti na ibinibigay sa'kin. Bubuksan nya na sana ng agad kong sunggabin sa kanya 'yon.

"Damot! Gusto ko lang naman mabasa landian nyo!" Ani Cess. Inirapan ko sya atsaka tinalikuran. Naramdaman kong lumabas na sya ng kwarto kaya naman nakahinga na 'ko ng maluwag. Echosera talaga 'yung babaeng 'yon! Hinawi ko ang buhok ko pagilid atsaka kinagat ang ibabang labi ko. Binuksan ko ang phone ko at may message nga si Josh. 'Di ko na naabutan, tagal kasi. Inantok din agad ako.

9:30 PM

Josh: No.

9:31 PM

Josh: Na-crushan ko lang sya.

9:32 PM

Josh: Hindi naging kami. Pero nag mutual feelings. She liked me too, babygirl.

9:33 PM

Josh: I feel sorry for her. Dang, mas nangibabaw kasi talaga 'yung nararamdaman ko noon kay Mitch.

9:34 PM

Josh: Kahit anong deny ko, gusto ko talaga 'yung bestfriend kong 'yon.

9:35 PM

Josh: Pinaliwanag ko sa kanya, nag-sorry ako ng husto kasi umasa sya. I liked Stephanie, matalino sya at mabait. Pero parang attraction lang 'yung nangyari.

9:36 PM

Josh: Hindi ko alam kung anong pwede kong gawin that time, alam kong nasaktan ko sya ng husto. And sobrang na-konsensya ko ng malaman kong ilang araw syang hindi pumasok at bumaba ang grades nya.

9:37 PM

Josh: And nung bumalik naman sya, ayaw nya na 'kong harapin.

9:38 PM

Josh: Hanggang sa nalaman ko na lang na umalis sya, kinuha sya ng father nya sa America at do'n na daw sya pag-aaralin. Pero bago sya umalis may pinaabot syang letter sa'kin. Naglalaman ng lahat ng saloobin nya para sa'kin.

9:39 PM

Josh: Amanie?

9:40 PM

Josh: Still up?

9:41 PM

Josh: Hindi ka na nag-reply.

9:42 PM

Josh: Tinulugan mo 'ko, baby girl. Haha.

9:43 PM

Josh: Good night, Amanie. :)

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon