013
=========================
Hinila agad ako paalis ni Yael doon, pero bago kami tuluyang umalis ay parang nangungusap ang mga mata ni Josh. Nag-iwas na lamang ako ng tingin at nagpatinod na kay Yael.
Lumabas kami ng school, wala ang guard kaya tuloy-tuloy lang kami sa paglabas hanggang sa makapunta kami sa park malapit sa school namin.
Umupo kami sa bench doon at namagitan ang katahimikan sa amin ni Yael.
I feel weak with what happened. Hindi ko alam kung bakit ganon ang mga sinabi sakin ni Marga, samantalang wala naman akong masamang ginagawa. Kung si Josh, bakit parang ganon naman katindi?
Para syang takot, galit, lungkot. Hindi ko alam.
Naguguluhan ako. Ang dami nyang sinabi at lahat ng 'yon, gusto kong malaman ang totoo.
"Amanie.." Nilingon ko si Yael at napatitig ako sa kanya. Sigurado akong may alam sya, mag pinsan sila ni Josh, marami syang nalalaman.
"Ayos ka lang ba?" Tanong nito. Nag-iwas ako ng tingin at nagpakawala ng malalim ng buntong-hininga.
"May alam ka ba?" Diretsong tanong ko at hindi sinagot ang tanong nya. Lumaban sya ng titigan sakin ngunit bandang huli, sya din ang unang nag-iwas ng tingin.
"Si Kuya Josh ang dapat na magsabi sayo lahat ng totoo, Amanie." Aniya.
"Sa nangyari kanina, sa tingin mo makakausap ko pa sya?" Kunot-noong tanong ko sa kanya. Yumuko sya at napahawak sa batok nya.
Umayos sya ng upo at saglit nanahimik.
"Sino si Mich sa buhay ni Josh?" Tanong ko. Naalala ko na naman ang sinabi ni Marga kanina, mali ba ang pagkakaintindi ko o binantaan nya talaga ang buhay ko? Hindi ko akalain na magagawa at masasabi sakin iyon ni Marga. I trusted her. I see her as my sister.
"Si Mich ay childhood best friend ni Kuya Josh, simula pagkabata hanggang highschool. Ka-edad na din ni Mich ngayon si Kuya Josh kung nabubuhay lang sya, matanda lang si Kuya Josh sa buwan." Namutla ako sa sinabi ni Yael. Nabubuhay?
"A-anong ibig mong sabihin?" Nauutal na tanong ko. Bumuntong hininga sya.
"Nang mag highschool sila Kuya Josh at Mich, nakilala nila si Marga Jose. Naging close ni Marga si Mich pero si Kuya Josh, hindi. Ang sabi nya sa akin noon, hindi nya gusto ang presence ni Marga kaya imbis na ma-judge nya ito in a negative way, nilalayuan nya na lang. Then, Kuya Josh confessed his real feelings to Mich, luckily, Ate Mich felt the same way. Almost lover na sana, kaso nanggulo si Marga. Umamin sya na gusto nya din si Kuya Josh, naawa si Mich kaya nagpakumbaba sya. She pushes Kuya Josh to Marga na naging dahilan ng pag-aaway nila. Then one day, Kuya Josh and Mitch is on the way to fetch me in airport. Silang dalawa lang dapat ang magsusundo pero nagpumilit na sumama si Marga, nagseselos daw sya kay Mich. Because of that, Mich exploded in anger. Nag-away sila sa sasakyan ni Marga, pinigilan ni Kuya Josh si Marga pero hindi 'to nagpatalo. Sa kakapigil sa kanila ni Kuya Josh sa pag-aaway, hindi napansin ni Kuya Josh ang truck na nasa tapat nila. And just like that, Mich is gone. She's... gone."
Tulala akong nakatingin kay Yael habang nagk-kwento sya. Tumutulo ang mga luha nya sa mata at hindi man lang sya nag-abalang punasan ang mga ito.
Halo-halo ang nararamdaman ko sa mga nalaman ko kay Marga at Mich. Disappointment? Anger? Pity? Sadness?
"Kuya Josh is a very nice guy, Amanie. And I am so glad that he's my cousin. Nagbago lang talaga sya simula ng mawala yung babaeng minsan ng naging dahilan ng kasiyahan nya." And now I feel guilty.
"Amanie..." Lumapit sa akin ni Yael at hinawakan ako sa kamay, dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Layuan mo na si Marga. For your safety, please..."
×××××
A/n: Good luck sa summer job, Feb! Kaya mo 'yan, ajaaa!
BINABASA MO ANG
Memory Of Us
Storie d'amoreWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...