011

417 16 16
                                    

011

==================



Gulat pa din akong nakatingin kay Josh ngunit hindi nya 'ko pinansin. Nakatingin pa din sya sa lalaking nakahawak sa akin.


Hinatak ko ang kamay ko sa lalaki at laking pasa-salamat ko nang bitawan nya ang pagkakahawak sa akin.


Hinimas ko ang parteng hinawakan ng lalaki ng mahigpit. Namumula at bakat ang higpit nang pagkakahawa nya dito. Damn this jerk.


Kinuha ni Josh ang kamay ko at tinignan din iyon. Pansin ko agad ang pag dilim ng aura nito. Mabilis na dumapo ang mata ko sa nakayukom nyang kamao.


Bago pa man ako makapag react ay mabilis na bumulagta sa sahig ang lalaking humawak sa akin kanina at hawak-hawak na sya sa kwelyo ni Josh.


"T-Tama na po!" 


Shit.


"Josh!" Lumapit agad ako sa kanya at hinatak sya palayo doon sa lalaki.


"Umalis ka na." Kinakabahang sabi ko doon sa lalaki. Taranta syang tumayo at agad na tumakbo palayo.


"Ano ka ba naman, Josh! Naghahanap ka ba ng away? My god! Nasa public place tayo, hindi mo na sana pinatulan!" Singhal ko sa kanya. Tumingin sya sa akin at sa kamay ko.


"What do you want me to do? Isipin ang iisipin ng iba bago ako mag react sa ginawa ng lalaking 'yon sa'yo?" Aniya na saglit ko namang ikinatahimik.


May mga ilang tao ang nakatingin sa amin gawa nga ng eksenang nangyari kanina. Nagitla ako ng bigla akong hawakan ni Josh sa kamay at dalhin sa sulok, may mga upuan at tahimik kaming naupo doon.


May kinakapa-kapa sya sa pantalon nya habang ako ay napayuko na lamang. Muli nyang kinuha ang kamay ko at halos mapigil ko ang paghinga ko dahil sa ginagawa nya. Tinatalian nya ng panyo nya yung parte ng kamay ko na namula dahil sa pagkakahawak ng lalaki kanina.


"S-Salamat.." Sambit ko.


"Sinama na lang pala dapat kita sakin kanina." Nakasimangot na bulong nya na ikinangiti ko naman. May ganitong side pala ang hambog na itlog na 'to.


Nakatitig lamang ako sa kanya ng bigla syang tumingin sa akin. Nilipat ko agad ang tingin sa kamay ko at kunwaring hinatak na muli 'yon. Narinig ko ang pag ngisi nya ngunit hindi ko na pinansin.


"Gusto mo pa bang tumuloy?" Tanong nya. Tumango ako na ikinangiti nya naman.


"Hindi na naman siguro mauulit yung nangyari kanina." Saad ko at inayos ang pagkakatali ng panyo sa braso ko.


Tumayo si Josh at nilahad ang kamay nya sa akin para makatayo din ako. Tinanggap ko iyon at tumayo na din.


Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon