017

368 10 11
                                    

017


==============



Maaga akong gumising ngayon, ang aga kasi ng pasok. Kailangan namin tapusin ng group mates ko yung project namin sa science.


Kagabi pa lang din sinabihan ko na si Yael na wag nya 'kong sunduin dahil maaga nga akong papasok. Um-oo naman sya kaya mamaya ay mag-isa lang muna syang papasok.


"Sigurado ka bang ayos ka lang, Amanie?" Tanong ni Papa sa gitna ng pag-aalmusal namin. Tumingala ako at ngumiti nang pilit sa kanya.


"Ayos lang po ako, Pa." Sagot ko at nag-iwas ng tingin. Naramdaman kong may sumipa sakin sa ilalim ng lamesa kaya naman napatingin ako doon. Si Princess.


Tinaasan nya ako ng kilay na parang alam nya na ang totoo kong sagot. Nag-aantay na lang siguro syang mag-kwento ako.


Tumayo na ako at dinala ang pinggan na pinagkainan ko at ang basong ininoman ko.


"Papasok na po ako." Sabi ko at kinuha ang bag ko at saka lumabas ng bahay.


Pag dating ko ng sakayan ay wala pang tricycle kaya naman nilabas ko muna ang phone ko habang nag-aantay. Ni-check ko ang messenger ko at puro chat na ng leader namin sa group chat ang bumungad sa akin.


"Hija, sasakay ka?" Muntik ko ng mabitawan ang phone ko sa gulat ng may humintong tricycle sa tapat ko at tinanong iyon. Ini-off ko agad ang phone ko at sunod-sunod na tumango.


Sa loob na sana ako sasakay ng makita kong may bata pa lang katabi ang lalaking nasa loob din. No choice, back ride ako.


Iniharap ko sa harap ko ang backpack ko at pumunta sa likod para sumakay. Saglit akong napahinto ng makita si Josh na nakaupo din doon.


Nasa iisang subdivision lang kami pero hindi ko man lang sya nakita dito nung paglabas ko kanina? 


Huh?


Seryoso lamang syang nakatingin sakin. Umurong sya sa gilid para mapa-gitnaan nila ako ng driver. Tumikhim ako bago tumabi sa kanya.


Damn it. Hindi ako kumportable.


Nang umandar na ang tricycle ay nakaharap lamang ako sa kanan ko. Hindi ko magawang lumingon, hindi ko magawang dumiretso ng tingin. Naiilang ako kay Josh.


Ramdam ko ang tingin nya sa likod ko. Ilang mura na ang nasasabi ko sa utak ko dahil katabi ko sya ngayon.


God. Bakit ko ba pinipigilan ang paghinga ko ngayong katabi ko sya? Ni-ayaw kong igalaw ang leeg ko, nangangalay na 'ko!


Laking gulat ko ng muntik ng malaglag ang bag ko sa lap ko ng bigla akong gumalaw ng konti. Mabuti na lang at nahawakan agad ito ni Josh kaya hindi tuluyang nalaglag. Naiilang ko syang nilingon.


"S-Salamat.." Why on the Earth am I stuttering?


Huminto ang tricycle, bakit ang wrong timing ng traffic? Gustong-gusto ko ng umalis dito.


"Can we talk?" Napalingon ako kay Josh ng sabihin nya 'yon. Seryosong tingin nya agad ang sumalubong sa akin.


Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko, maski ire-react ko ay hindi ko alam kung ano.


"Amanie, please, I missed you." Bulong nya na ikinagulat ko. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya, tinitigan ko sya sa mata at wala 'kong ibang nakita doon kundi ang sinsero at kalungkutan sa sinabi nya.


What did he mean? He missed me?


Parang may mga kabayong nag-uunahang tumakbo sa dibdib ko, at parang may mga paru-paru na nagliliparan sa tyan ko na gusto kong isuka. Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya. Damn. Gusto kong magsalita pero hindi ko naman alam kung anong sasabibin ko.


Umandar ng muli ang tricycle at laking gulat ko na naman ng biglang umangat ang palda ko dahil sa hangin na sumalubong sa amin.


Hahawakan ko na sana ito ng mauna 'tong hawakan ni Josh at ipitin. 


Fuck. Nakakahiya!


"Damn it. Manong, pwede po bang dahan-dahan lang?" Aniya sa driver. Yumuko ako at kinagat ang ibabang labi ko.


Ilang beses na ba 'kong nagulat ngayong umaga? Kung kailan nakasabay ko pa si Josh. God!


Nang huminto na ang tricycle sa tapat ng school namin ay naunang bumaba si Josh. Inalalayan nya 'ko sa pagbaba ko kaya naman hinayaang ko na lang.


Iniabot ko ang bayad ko sa driver pero nagtataka nya lamang iyon tinignan.


"Bayad ka na hija. Binayaran ka na ng boyfriend mo." Wika nito na ikinakunot ng noo ko. Tumingin sya kay Josh kaya tumingin din ako dito.


Mula sa seryosong mukha ay ngumiti ito. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng mukha ko kaya naman napayuko ako.


"S-Salamat ulit.." Sambit ko at tatalikuran na sana sya ng bigla nya 'kong hawakan sa braso ko at iniharap sa kanya.


Bumuntong hininga sya bago nag salita. "Hindi pa din ba tayo pwedeng mag-usap?" Aniya. Nag-iwas ako nang tingin.


Hindi ko alam kung dapat na ba akong pumayag. Hindi ko alam kung ngayon na ba dapat kami mag-usap. Gusto ko na sana syang kausapin kaso... natatakot ako sa hindi malamang dahilan.


Saglit na katahimikan ang bumalot saming dalawa. Diretso at seryoso ko syang tinitigan sa mga mata nya. Siguro dapat ko na nga syang kausapin, kailangan na naming mag-usap. Kailangan na namin magkalinawan.


Ang daming tanong na nabuo sa utak ko simula ng may mga nalaman ako kay Marga at ang kaonting impormasyon tungkol sa kanya na sinabi sakin ni Yael.


Sya lang ang makakasagot sa lahat ng tanong ko.


Hindi ko alam kung coincidence lang ba ang lahat ng nangyari simula kanina, pero mukhang sinadya na nga ang lahat ng pangyayaring 'to para magkausap na kami ni Josh.


"Tomorrow, 4pm. Sa may park sa subdivision natin." Sambit ko at saka sya tinalikuran at tuluyan ng pumasok sa loob.




#$%*&

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon