Diretso at seryosong nakatingin sa'kin si Papa mula sa pinto ng kwarto ko nang pumasok sya't sabihin iyon. Nilingon ko si Cess at tumango lamang sya sa'kin bilang pag sang-ayon. Tumalikod si Papa at umalis sa kinatatayuan nya kanina.
"Mas maganda kung sa kanya mo maririnig lahat." Ani Cess at saka tumayo at lumabas ng kwarto. Huminga ako ng maluwag bago tuluyan sumunod sa kanilang dalawa sa pagbaba. Ito na yata 'yon, ngayon ko malalaman lahat?
Pagbaba ko ay tahimik nang nakaupo si Papa sa lamesa habang katabi nya sa gilid nya si Cess. Nilibot ko ang buong paningin ko sa sala, wala sila Kuya.
"Maupo ka na rito, wala ang mga Kuya mo. May pinuntahan." Tumango lamang ako't naupo sa tapat ni Papa. Saglit kaming nagkatinginan ni Cess, ibang-iba ang aura nya ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba naapektuhan sya sa naabutan nya sa nangyayari sa pamilya ko dito, o dahil may problema rin syang dinadala.
"Sabihin mo sa'kin kung ano ng mga nalalaman mo dahil sa haba at laki ng issue namin, hindi ko alam kung paano o saan ako dapat magsimula." Saglit akong napatitig kay Papa nang sabihin nya 'yon. Seryoso lamang sila ni Cess na nag-aantay sa sasabihin ko.
Para akong binawian ng boses na parang umurong rin yung dila ko. Ngayon tinatanong ni Papa kung anong gusto kong malaman, wala naman akong masabi. Wala nga ba o hindi ko alam kung saan rin magsisimula?
Hindi pa ako nakaka recover sa mga nalaman ko kay Mama.
Kay Mama.
"Aman—"
"Minahal mo ba talaga si Mama?" Tila pareho silang nagulat sa unang tanong na binato ko. Direkta kong tinitigan si Papa sa mata nya. Ang gulat nyang expression kanina ay napalitan ng seryoso hanggang sa unti-unti nakita ko ang paglungkot nito.
Siguro ang ini-expect ni Papa na una kong itatanong ay kung anong meron sa kanila ni Tita Grace at gano'n na lamang ang pagkagalit no'n sa kanya nung gabing nagkita sila. Pero gusto ko dahan-dahanin, unti-untiin.
Dahil alam kong kahit saan naman ako magsimula, kusang magdu-dugtong dugtong ang bawat storya at babagsak at babagsak pa rin sa kung anong totoong nangyari nung gabing 'yon. Kay Tita Grace, kay Papa.
"Mahal ko ang mama mo, Amanie. Natutunan ko sya mahalin sa kabila ng pangit na kwento kung paano kami nagsimula." Aniya. Umismid sya bago muling nagpatuloy.
Nag simula nang mag-kwento si Papa sa nakaraan nila ni Mama noon. Lahat nang sinabi ni Mama ay sinasabi nya rin, ang pinagkaiba nga lang ay mas lumalawak ang mga 'yon dahil persperctive ni Papa ang pinapakinggan ko.
"Oo, noon pa man alam ko na ang namamagitan sa kanila ni Bryan. Hindi ko 'yon pinakialaman sa pag-aakala na ang kailangan ko lang naman talaga gawin ay pananagutan s'ya. Pero nang dumating ang Kuya Aldrich mo, nagbago lahat ng 'yon. Kahit hindi s'ya naging bunga ng totoong pagmamahalan, nung sandaling nakita't narinig ko sya pakiramdam ko do'n sya nanggaling."
Tahimik kong pinagmamasdan si Papa habang nagku-kwento, hindi s'ya nakatingin sa'kin. Nakatingin lamang sya sa mga kamay nya na animo'y may pinaglalaruan. Tumunghay sya't bumaling sa akin.
"Sinubukan kong ayusin kung anong meron kami ng Mama mo, gusto kong magkaroon ng pamilyang kumpleto at maayos. Ang pagiging ama lang ang nakikita kong paraan para ayusin lahat ng naging kamalian ko noon. At ginawa ko 'yon nang bukal sa loob ko. Hindi dahil dapat, kundi dahil gusto ko. At ni minsan hindi ko pinagsisihan 'yon." Ngumiti sya sa'kin pero halata ang pait nang ngiting 'yon. Bakit parang mas masakit ang naging karanasan ni Papa kaysa kay Mama? Bakit pakiramdam ko nung mga oras na 'yon si Papa lang ang nahirapan?
Bakit pakiramdam ko sobrang naging unfair ng mundo kay Papa?
"Si Mama... pinagsisihan mo rin ba s'ya?" Ang tanong na kanina ko pa pinipigilan itanong ay kusang dumulas sa bunganga ko. Hindi nagbago ang expression sa mukha ni Papa nang marinig nya ang tanong na 'yon, bagkus mas lalo pang naging mapait ito.

BINABASA MO ANG
Memory Of Us
RomanceWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...