022
××××××××××××
Dalawang araw na ang nakakalipas simula ng mangyari ang pagsa-sagutan namin ni Marga sa room. Dalawang araw ko na din hindi pinapansin si Josh, si Yael na lang. Feeling ko kasi hanggat hindi ko iniiwasan si Josh, hindi ako titigilan ni Marga. Kaya mas mabuting iwasan ko muna sya.
"Amanie!" Bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa nito si Princess. Pumunta sya sa harap ko at namewang. Naka-short syang blue at t-shirt na puti at naka rubber shoes.
"Jogging tayo! Maaga pa naman oh," Aniya. Tumaas ang kilay ko at napatingin sa time sa phone ko. 6:15 pa lang pala ng umaga?
"Ayo--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng batuhin ako ni Princess ng short na itim at T-shirt na puti. Tinignan ko lang 'to at muli syang tinignan.
"Tataba ka nyan, tara na! Wag ka ng maarte. Aantayin kita sa labas, bilisan mo!" Hindi na 'ko nakasagot ng lumabas na sya ng kwarto. Aish. Inis akong bumangon at dumiretso ng banyo para mag hilamos. Ang siga talaga ng babaeng 'yon.
Pagkatapos ko mag hilamos ay sinuot ko na din ang binatong damit sakin ni Princess kanina. Chineck ko ulit ang itsura ko sa salamin. Hindi naman ganon kaikli ang short ko at sakto lang sakin ang white v-neck shirt ko. Okay na siguro 'to.
Kinuha ko ang phone ko sa kama at ang bimpong hinanda kanina para pamunas ng pawis mamaya. Pagbaba ko ay si Papa agad na nag-aalmusal ang bumungad sa akin.
"Good morning, 'Pa!" Bati ko pagbaba. Nadako ang tingin nya sakin at ngumiti.
"Good morning. Nasa labas na si Princess, inaantay ka. Ingat kayo." Ani Papa kaya tumango ako. Lumabas na 'ko at nakita ko si Princess sa tapat na nags-stretching. Lumapit ako sa kanya.
"Tara na?" Tanong ko. Tumango sya atsaka kami nag-umpisang tumakbo.
"Tataas tayo?" Tanong ko ng mapansin kung saan kami papunta.
"Oo naman! Para challenging! Don't tell me 'di mo kaya?" Umiwas ako ng tingin kay Princess at ipinagpatuloy na lang ang pagtakbo.
Pagdating namin sa taas ng subdivision namin ay huminto muna kami saglit. Kinuha ko ang water tumbler ko at tinungga 'yon.
"Tara na uli." Ani Princess at nauna na muling tumakbo. Nakailang ikot na din kami sa pagjo-jogging hanggang sa naisipan na namin magpahinga ni Princess sa park kung saan maraming bata ang nagla-laro. Linggo din kasi kaya siguro sila madami.
Nakangiting nakatingin si Princess sa mga batang nagla-laro. Nasabi ko na bang mahilig sya sa bata? Lalo na sa mga batang babae?
Naagaw ng pansin namin pareho ang batang babae na nadapa dahil sa kakahabol nya sa bola nyang gumugulong. Umiyak ito kaya naman agad na tumayo sa tabi ko si Princess, at lalapit na sana sa bata ng may tumamang bola sa paa nya.
Nadapa din sya kaya naman dali-dali ko syang nilapitan.
"Princess!" Nagkaroon agad sya ng medyo maliit na sugat sa tuhod. Dumugo ito kaya naman medyo namutla sya. Takot si Princess sa dugo.
"N-Na sprain yata ako." Aniya habang hawak-hawak ang ankle nya. Hahawakan ko na sana ito ng may biglang lalake ang lumapit sa amin.
"Miss, ayos ka lang? Pasensya na, hindi ko sinasadya." Ani ng pamilyar na boses. Tiningala ko ito at halos mamilog ang mga mata ko ng mapagtantong si Yael pala. Sumama agad ang tingin sa kanya ni Princess.
"Nagka-sprain ankle ako at nasugatan dahil sayo tas tatanungin mo ako kung ayos lang ako? Aba, tanga din." Pagta-taray ni Princess. Sumama din ang tingin sa kanya ni Yael.
BINABASA MO ANG
Memory Of Us
RomanceWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...