015
================
Monday na naman. Tinatamad akong kumilos pero kailangan kong bumangon at pumasok.
Kahapon ng mag-chat sakin si Josh, ni-seen ko lang ang message nya. Hindi ko magawang makausap sya kahit sa chat kaya naman pinasabi ko na lang kay Yael ang pasasalamat ko sa kanya.
Pagkatapos ko mag-asikaso sa pagpasok ay bumaba na 'ko para mag-agahan. Ngayon ang alis nila Kuya Aldrich at Alvin pabalik ng Makati, samatalang si Princess ay dito sa amin magsu-summer. Nakapag-paalam na din naman kasi sya sa parents nya.
"Good morning po.." Bati ko atsaka umupo at sumabay sa kanila sa hapag kainan.
"Dadalaw na lang kami ulit sa susunod, Amanie. Ite-text ko si Papa para masabihan ka." Ani Kuya Aldrich. Tumango lamang ako at saka sumubo ng kanin.
"Amanie, manliligaw mo ba yung, Yael?" Bigla kong nasamid sa tanong ni Kuya Alvin. Tinawanan ako ni Princess at agad din na inabutan ng inumin.
"Hinay-hinay naman kayo sa tanong. Nahihiya sya!" Ani Princess atsaka humalakhak. Inirapan ko lamang sya at saka uminom ng tubig.
"Hindi nga. Kaibigan ko lang 'yon." Parang kapatid lang ang turing ko kay Yael. Yes, I like him... but not in a romantic way. Gusto ko lang sya bilang kaibigan. Hanggang doon lang rin naman ang nakikita kong relasyon sa pagitan namin.
"Dy'an naman nag-uumpisa ang lahat. Sa pagka-kaibigan na nauuwi sa ka-ibigan." Dugtong na pang-aasar ni Papa. Napailing na lang ako at di na lamang sila pinansin.
"Basta dapat kung may manliligaw sayo, kami muna ang unang ligawan. Alam namin ang galawan ng mga lalaki, Amanie." Seryosong saad ni Kuya Aldrich. Tumango lamang ako. Mas nakakatakot si Kuya Aldrich kaysa kay Kuya Alvin, panganay at strict kasi sya.
Tinignan ko ang wrist watch ko, 15 minutes ang byahe ko mula dito samin hanggang school. Kailangan ko nang pumasok. Tumayo na ako at dinala ang pinagkainan ko sa kusina.
"Mga Kuya, papasok na po ako. Salamat sa pagpunta nung birthday ko, na-miss ko talaga kayo. Ingat po kayo sa pag-uwi, sana hindi pa 'to ang huli." Niyakap ko sila at ganon din sila sakin.
"Hindi pa 'to ang huli. Mag-iingat palagi, Amanie. Ang usapan natin ha? Pwedeng mag-boyfriend basta alam ang priority mo. Pero syempre, dapat kilala namin 'yon." Ani Kuya Aldrich. Natawa ko at lumayo sa kanya.
"Oo na po.." Tinap lang ni Kuya Alvin ang ulo ko at binigyan ako ng halik sa noo.
"Ingat, bunso."
××××××××
Para 'kong may sakit pag dating ko sa school. Lantang-lanta ako, bagsak yung dalawang balikat ko at wala 'ko sa mood makipag-usap kahit kanino.
Kaya naman nanahimik na lamang ako sa table ko at isinalpak ang earphone kong puti sa tenga ko. Music on, world off.
"What day is it? And in what month? This clock never seemed so alive. I can't keep up and I can't back down, I've been losing so much time.."
Pumikit ako at isinandal ang likod ko sa table. Atsaka ko pabulong na sinabayan ang kanta ng Lifehouse.
"Cause it's you and me and all of the people with nothing to do, nothing to lose. And it's you and me and all of the people and I don't know why, I can't keep my eyes off of you.."
Para 'kong na-estatwa sa nakita ko ng magdilat ako ng mata. Si Josh at Marga, magkasama, habang magka-hawak ang kamay.
Tumingin ako kay Josh at seryoso lamang syang nakatingin sakin. Parang may magnet sa mata nya kaya hindi ko maialis ang tingin ko.
Nawala lamang ang tingin nya sa akin ng bigla syang hilahin sa kwelyo ni Marga. Tumingin sya dito at tumango. Bago sila tuluyang umalis ay nilingon ako ni Marga at nginisian.
Nag-iwas ako ng tingin. Tinanggal ko ang earphone ko atsaka huminga ng malalim.
Bakit ganito yung nararamdaman ko? Naiinis ako. Naiinis ako sa nakita ko! Bakit sila magkasama? Bakit ganon makadikit si Marga kay Josh? At bakit, bakit.. hinahayaan lang ni Josh?
Napakagat ako sa ibabang labi ko at mariin na napapikit.
Bakit.. bakit para 'kong nagseselos?
==================
Vote. Comment. Share.

BINABASA MO ANG
Memory Of Us
RomanceWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...