042

258 13 5
                                    

Naalimpungatan ako ng may marinig akong marahan na katok mula sa pinto ng kwarto ko. Mariin akong pumikit at saka dumilat at tinignan ang oras sa cellphone ko.

10:43 AM

Inis kong kinamot ang ulo ko. Nakalimutan ko gumising ng maaga, may lakad pa naman ako ngayon. Ngayong araw ko sana tatapusin yung clearance namin para madire-diretso ko na yung bakasyon. 8 pa naman sana ako pupuntang school ngayon, napuyat ako kakaantay sa reply ni Josh.

Speaking of, kinuha ko ulit ang phone ko para tignan kung may reply na ba si Josh.

Wala. Kahit isa.

Sinubukan ko tignan sa messenger, nagba-baka sakaling baka do'n sya nag reply. Pero, wala din. 'Yung message nya pa din kahapon ang nando'n na hindi ko na-replyan.

Active 5 hours ago.

Napabuntong hininga ako. Mukhang wala syang balak sabihin. Fine. Okay. Kung ayaw, 'wag pilitin.

"Amanie? Gising na, pupunta kang school nyo ngayon, 'di ba?" Lumipad ang tingin ko sa pinto ng kwarto ko ng marinig ang boses ni Kuya Alvin sa labas. Tumayo ako at binuksan 'yon.

"Late ka na."

"Late na 'ko."

Sabay kaming natawa dahil sa sinabi namin. Ginulo nya ang buhok ko't marahan akong pinitik sa noo. Agad ko syang sinamaan ng tingin.

"Ayan. Mukhang 'di ka natulog ng maaga kagabi, late ka tuloy. Mag-asikaso ka na, hahatid na lang kita. Dalian mo para makakain ka pa." Aniya. Nginitian ko na lamang sya't tumango.

Nag simula na 'kong mag-asikaso sa pag pasok. Pagkatapos ng sampung minutong pag ligo ay nag bihis na din agad ako. Nag suot na lamang ako ng black sando na pinatungan ng polo stripe na red na hanggang braso, denim pants at high cut vans na itim.

Pababa na sana 'ko ng marinig kong nag-uusap sila papa at kuya kaya naman napahinto ako. Alam kong mali ang makinig sa usapan ng mga matatanda, pero hindi ko naman siguro kasalanan kung naririnig ko ang pag-uusap nila. Nasa iisang bahay lang kami, idagdag mo pa na dahil sa nangyari kahapon ng gabi, nabuo ang sandamakmak ng tanong sa isip ko.

At kahit isa sa kanila, walang gustong sagutin ako. Come on, peeps. Marunong na 'ko umintindi at hindi na 'ko gano'n kabata para ituring na batang-bata.

"Kakausapin mo ba sya, 'Pa?" Narinig kong tanong ni Kuya Aldrich. Mula sa baba, rinig na rinig ko ang malalim na pag buntong hininga ni Papa dito sa itaas. Gaano ba kalaki 'yung problemang 'yon? Mas nangangati akong malaman dahil sa mga akto nila.

"Oo, pero hindi pa ngayon." Sagot ni Papa. Napaatras ako ng makarinig ako ng malakas na pag bagsak ng isang bagay sa baba. 

"Para ano? Humingi ulit ng tawad at lunukin lahat ng pintas na ibabato nya sa'yo? Pwede ba, 'Pa? Itigil mo na!" Agad akong nakaramdam ng matinding kaba ng marinig ang boses ni Kuya Alvin. Halata ang galit sa pananalita nya, paniguradong sya ang may gawa ng malakas na bagsak ng isang bagay kanina.

"Alvin, hayaan mo ako sa gagawin ko at ang intindihin nyo ni Aldrich ay si Amanie. H'wag nyo na munang ipaalam sa kanya 'to. Ayokong madamay sya sa gulong nagawa ko." Naitikom ko ang bibig ko sa sinabi ni Papa. Gulo? Gulong ginawa nya?

"Tangina naman, 'Pa! Halatang halata nya na ngang may nililihim tayo sa kanya!" Napatalon ako sa gulat ng makarinig na naman ako ng malakas na galabog sa ibaba. 

"Alvin! Aldrich!" Hindi na 'ko nag dalawang isip pa at tumakbo na 'ko agad pababa, ngunit napahinto din ng makita kong hawak-hawak sa kwelyo ni Kuya Aldrich si Kuya Alvin habang nakadiin 'to sa pintuan.  Sa tabi ni Kuya Aldrich ay si Papa na pilit inaalis ang hawak nito kay Kuya Alvin.

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon