019

332 11 17
                                    

019

========

"Mag dress ka na lang kaya? May floral dress ako dyan, ipapahiram ko sayo. Tapos ako na bahala sa make-up mo, may sandals din ako dyan─"

"Princess!" Natigil sya sa pagsa-salita nang sumigaw ako at padabog na tumayo.

"Hindi kami magde-date, okay? Mag-uusap lang kami. And for Pete's sake, sa park lang kami!" Saad ko at saka sya inirapan. Suminghap sya sabay pumuta sa harap ko at namewang.

"Magto-tokong lang ako at simpleng t-shirt. Dyan lang ako sa park, ano ba." Sambit kong muli at saka tumayo at pumasok sa banyo dala-dala ang tuwalya ko.

"Ano ba naman 'yan.." Bulong nya na ikinailing ko na lang.

Habang naliligo ay hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi sakin kanina ni Princess.

"And obviously, you like this guy named, Josh!"

"Iniinsulto at pinagse-selos ka na nga, wala ka pa ding ginagawa!"

"Hindi nya girlfriend ang Marga na 'yon kung 'yan ang iniisip mo, hanggat hindi sinasabi ni Josh wag kang magdrama."

Argh! Inis kong kinuskos ang ulo kong may shampoo at pilit na huminga ng malalim. Hind ko naman sya gusto diba? Right, hindi ko gusto si Josh. Magugustuhan ko lang sya kung maniniwala ako sa sinabi ni Princess na gusto ko sya or, iisipin ko na gusto ko nga sya. Mind over matter.

Phew. Hindi mo sya gusto, Amanie, okay? Wag kang maniwala sa gaga mong pinsan.

"Sobrang simple ng suot mo!" Ani Princess na di ko na lang pinansin. Nagtokong kasi talaga 'ko at simpleng t-shirt na kulay maroon, na may nakalagay na sticker na fries.

Chineck ko ang wrist watch ko at nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kong 4:30 na pala. Agad-agad akong tumayo at lalabas na sana ng tawagin ako ni Princess.

"Wag kang magpahalata na atat kang makausap sya, Amanie. Okay lang ang ma-late ka kahit na ikaw ang nag-set ng oras, sya naman ang may gusto na magkita kayo." Aniya. Tumikhim ako sabay nag-iwas ng tingin. She's right, bakt ba ako nagma-madali?

"S-Sige, aalis na 'ko." Saad ko at lumabas na ng hindi na inaantay ang sagot nya.

Papalabas na 'ko ng bahay nang makita ko si Papa sa gate na may kausap na babae. Bumuntong hininga ako ng mapagtanto kung sino iyon. Nagpatuloy ako sa paglabas hanggang sa maagaw ko ang atensyon nila.

"Amanie, anak.." Tawag ni mama ngunit hindi ko sya pinansin. Binalingan ko agad si Papa na seryosong nakatingin sa akin.

"Pa, may pupuntahan lang po ako saglit dyan sa may kanto. Uuwi din po ako agad." Wika ko sa kanya. Tumango lamang sya at aalis na sana ako ng naramdaman kong may humawak sa braso ko.

Nilingon ko si mama at binawi ito. "Belated happy birthday. Sorry kung hindi nakapunta si mama, wala kasi akong kasama at hindi ako pwedeng umalis ng mag-isa. Alam mo naman kung anong lagay ko." Aniya atsaka yumuko.

Napatingin ako sa tyan nyang medyo malaki na ang umbok. Nag-iwas ako ng tingin at muling bumuntong hininga.

"Ayos lang po, salamat. Mauuna na po ako, baka mahuli ako sa pupuntahan ko." Saad ko at tumalikod at mabilis na lumayo doon.

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon