025

361 12 15
                                    

Joshua Franco sent you a message

Hindi na ako nagulat ng lumabas nanaman ang pangalan ni Josh sa screen ng phone ko. He keep on flooding me a messages since yesterday, sini-seen ko na nga lang pero 'di pa din sya natitinag.

Tinatanong nya 'ko kung may something ba samin ng pinsan nyang si Yael. Like seriously? Nakita nya lang kaming magka-yakap, may something na agad? Malisyoso. Psh.

I opened his msssage and read it.

Joshua: Hindi kita titigilan hanggat hindi ka umaamin.

Joshua: Ayaw mo bang maging legal kayo?

Joshua: Secret on ba kayo?

Joshua: Amanieeee!!

Argh. See? He's crazy!! Nagtipa agad ako ng ire-reply sa kanya. Payback time. 

Amanie: Hindi nga kami, okay?! Stop it. Just tell me if you're jealous, I'll understand. 

Napangisi agad ako ng makitang sineen nya agad ang reply ko. Tignan ko lang kung makapag-reply ka pa. After 3 minutes na walang reply ay humalakhak na 'ko, see? Edi natameme sya. 

I was about to off my phone ng mag-reply sya na ikinagulat ko. Binuksan ko 'yon at halos pigilan ko ang paghinga ko sa reply nya.

Joshua: Of course I am jealous, babygirl. I'm territorial and what's mine is mine. And you're mine, Amanie. Mine. Alone. 

Kinakabahan akong umupo sa kama ko at muling binasa ang reply nya. What the hell, Josh? Bakit parang bumaliktad?

Joshua: Speechless, babygirl? ;)

No. 'Wag kang magpa-apekto sa kanya, Amanie. Just go with the flow kagaya ng ginawa nya. Wooh. Huminga ako ng malalim bago ulit nag-reply sa kanya.

Amanie: I'm always yours, babyboy.

Binitawan ko agad ang phone ko at mabilis na napahawak sa dibdib ko. Bakit para 'kong nahihirapan huminga? Shit. Ano nanaman ba 'tong ginawa mo, Amanie?

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang mag-ring ang phone ko.
Tinignan ko agad ang caller at napamura na lang ako sa isip ng pangalan ni Josh ang lumabas.

Napalunok ako ng ilang beses bago pinindot ang answer button.

"W-What?"

"Stuttering, eh?" He said then chuckled. Damn you, Josh.

"Babyboy, huh?" Mariin akong napapikit atsaka ko mabilis na pinindot ang end call. Nakakainis! Hindi man lang tuloy ako nakaganti.

Muling nag-pop ang name ni Josh sa screen ng phone ko, nag-message ulit sya.

Joshua: See you tomorrow, babygirl. Good night.

Bukas na pala yung swimming namin. I bit my lower lip and then turn-off my phone. Hindi ko na lang sya re-replyan. Sana 'di maging awkward ang pagkikita namin bukas. Wooh!

*******

"Bioflu? Diatabs? Neozep? Biogesic? Kumpleto na ba lahat ng gamot? Cess, pa-check nga." Inirapan nya 'ko at nilabas ang wallet nya. Nagkali-kalikot lang sya doon atsaka muling tumingin sa akin.

"Nandito na lahat ng gamot, okay? My god, mags-swimming lang tayo nagdala ka pa ng gamot! Ang nega mo, insan!" Aniya kaya naman sinamaan ko sya ng tingin. What? Masama bang maging ready? Sure naman akong kakailanganin 'yan mamaya, and kung sakaling hindi, so? At least I'm ready. Psh.

"Tao po? Nandito na po kami!" Sabay kaming napalingon ni Princess sa labas ng marinig namin ang boses ni Tita Carol. Sabay-sabay kaming pupunta sa resort, van namin ang gagamitin. Ang usapan is susunduin na lang namin sila sa bahay nila pero ayaw naman ni Tita Carol. Sila na lang daw ang pupunta dito.

Pumasok si Tita Carol at nasa likod nya naman ang dalawang lalake. Nagkatinginan kami ni Princess ng makita ang outfit ni Josh at Yael.

Naka navy blue v-neck t-shirt at tokong na printed si Yael na pinatneran nya ng nike slippers. Habang si Josh naman ay naka swim trunks na black at polo t-shirt na gray. Medyo nakabukas ang dalawang butones nito kaya naman medyo kita ang dibdib nya. 

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya ng magsalubong ang tingin namin.

"Teka, ang init. Tito, lalabas ko na muna po yung mga bags. Amanie, akin na 'yang bag mo." Bago pa 'ko makasagot kay Princess ay kinuha nya na agad ang bag ko at pinanlakihan ako ng mata.

"Yael, pakitulungan nga si Princess magbitbit ng mga bag sa van." Ani Tita Carol na agad namang sinunod ni Yael. Tumikhim ako at alanganing napangiti sa kanila.

"Kukuhanin ko lang po muna 'yong ulam don sa kusina." Sabi ko at aalis na sana ng hawakan ako sa braso ni Josh.

"Tulungan na kita." Aniya na ikinagulat ko. Tumikhim si Papa kaya naman napatingin kami sa kanya.

"Kunin nyo na." Wika nya at nginuso ang kusina. Taranta akong tumango at dumiretso agad sa kusina. Sumunod sakin si Josh kaya naman medyo nakaramdam ako ng ilang. Wag nya sana maalala yung kagabi.

Nilabas ko ang afritada at pancit sa ref na niluto ko kagabi. 

"Smells good." Bulong ni Josh pagkatapos nya amoyin 'yon. Sunod kong nilabas ang BBQ at hotdog na ipi-iprito naman mamaya.

"Mukhang ang dami nating kakainin mamaya." Aniya kaya naman natawa ako.

"Kulang pa nga 'yan eh.." Saad ko at binuhat na ang BBq at hotdog. Sya naman ang may hawak ng pancit at afritada. Lumabas na kami at diniretso namin ang mga pagkain sa likod ng van. Naabutan namin si Cess at Yael na nagtatalo don.

"What do you expect? Magsuot ako ng pantulog sa swimming? Seriously, Yael?" Ani Princess habang naka-crossarm at masamang nakatingin kay Yael.

"Hindi mo 'ko maintindihan, what I'm saying is, sobrang ikli ng short mo. Pwede ka ng mabastos anytime!" Sagot naman ni Yael habang nakasimangot na nakatingin kay Princess. 

Nagkatinginan kami ni Josh at sabay na natawa. Para silang mag-jowa kung mag-away. Tumikhim si Josh kaya naman napatingin silang dalawa sa amin.

"Amanie, hindi ba parang sobrang ikli ng short ng pinsan mo? Para na syang naka-panty." Ani Yael habang nakasimangot. Bakit parang ang protective nya?

"Short nga diba, saan ka nakakita ng short na long? Tss." Sagot ulit ni Princess at muling inirapan ito. Sasagot na sana si Yael ng akbayan sya ni Josh at sinenyasan na wag ng sumagot. 

Lumapit naman ako sa pinsan ko at tinapik sya sa legs nya. 

"Ito naman, protective lang sayo si Yael!" Bulong ko sa kanya atsaka humalakhak. Sinamaan nya din ako ng tingin atsaka tinalikuran.

Natatawa kong nilapitan si Yael. 

"Pasensya na Yael pero ganyan talaga sya manamit. Ayaw nya kasi sa makakapal at mahaba na damit. Don't worry, kahit ganyan manamit 'yan, never pang nabastos 'yan." Sabi ko sa kanya ngunit umiling lamang sya.

"At kung sakaling mabastos sya, nandyan ka naman para ipagtanggol sya, right?" Ani Josh kay Yael. Sabay kaming humalakhak ng sumimangot si Yael at sinamaan ng tingin si Josh. Inalis nya ang pagkaka-akbay nito sa kanya at tinalikuran din kami.

Patuloy kaming tumatawa ni Josh habang tinititigan ang dalawang pinsan namin na nagwalk-out na lang bigla.

"Nice one, babygirl." Bulong sakin ni Josh atsaka ako inakbayan. Napahinto ako sa pagtawa at saglit na natulala. Fu.... Shocks. Nilingon ko sya kaya nilingon nya din ako sabay kindat.

Kumarap ako ng ilang beses at saglit na napatitig sa kanya. Fudge. Bakit ba 'ko parang aatakihin lagi sa puso sa tuwing makikita, makakasama, makakausap, at makakalapit ko 'tong lalaking 'to? Para din akong masusuka anytime. Damn it, bakit ganito ang epekto nya sakin?

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya ng tumitig na din sya sakin. Siniko ko sya kaya naman naalis ang pagkaka-akbay nya sakin.

"Ang sadista mo, babygirl." Aniya. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Babygirl mo mukha mo." Sambit ko atsaka sya inirapan at tinalikuran.

==============

A/n: Good night! Sorry for the lame update! :<

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon