Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng mag-swimming kami at umamin sa akin si Josh. Tatlong araw na din syang walang paramdam, ni ha ni ho, wala 'kong natanggap sa kanya. Hindi din sya nago-online sa Facebook. Haist
Hindi naman ako lumalabas ng bahay kaya hindi ko sya nakikita. Nahihiya naman akong magtanong kay Yael dahil baka magtanong 'yon, pareho sila ni Princess walang alam sa nangyari.
Speaking of Yael and Princess, after ng swimming hindi na sila nag-usap. Naging mailap si Cess at naging cold naman si Yael. Hindi ko alam kung anong nangyare sa kanila, basta after non, naging tahimik na sila pareho. Ayoko munang tanungin about doon si Cess, mukhang 'di pa sya okay, e.
"Hays, nakakatamad!" Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang boses ni Cess. Nandito na pala sya. Pagka-gising ko kasi kaninang umaga, wala na sya sa tabi ko. Nung tinanong ko naman si Papa ang sabi nya sa akin, nag-jogging daw si Cess.
Hindi ako niyaya. Nakakapanibago, diba? Umupo sya sa kama at yumuko para tanggalin ang sapatos nya.
"Bakit 'di mo 'ko niyaya?" Tanong ko atsaka pumunta sa harap nya at pinanood sya sa pagkilos.
"Sarap ng tulog mo e, 'di na kita ginising. Tsaka 'di naman ako nagtagal sa pagjo-jogging, tumambay na lang ako sa park para makipaglaro sa mga bata doon." Sagot nya atsaka tumayo at dire-diretsong pumasok ng banyo. Pati ba naman ako? Ang cold!
Hinayaan ko na lamang sya at 'di na pinansin ang pagiging cold nya. Bumaba ako sa sala at naabutan ko doon si Papa na nagluluto ng pancit. Kumunot ang noo ko kaya naman nilapitan ko sya.
"Pa, ano pong meron?" Tanong ko paglapit ko sa kanya. Nilingon nya lamang ako saglit atsaka sya nagpatuloy sa pagluluto.
"Wala naman. Nagluto lang ako ng pancit kasi pupunta si Mama mo, nanganak na pala sya last week. Hindi ka daw nya mabati sa personal dahil bawal pa sya lumabas ng hospital, baka mabinat." Sambit ni papa na ikinatahimik ko. Lumayo ako sa kanya atsaka naupo sa sofa. Bakit kailangan nya pang pumunta dito? Okay lang naman sakin kung hindi nya 'ko binati.
"Amanie, kausapin mo naman ang mama mo. Matagal na 'yon, napatawad na sya ng mga kuya mo." Nag-iwas ako ng tingin kay Papa ng sabihin nya 'yon. Narinig ko ang pagbuntong-hininga nya kaya naman napayuko ako. Hindi naman kasi ganon kadali, e. Niloko nya si Papa, niloko nya kami, hindi ganon kabilis magpatawad.
7 years old pa lang ako noong namuhay kami nila mama at nila kuya ko ng wala si Papa. Sa abroad sya nagta-trabaho kaya masasabi kong medyo mahirap ang buhay namin. Twice a month kung magpadala sa amin si Papa ng pera, sa twice na 'yon, nandon na ang pagkain, bills, at pang-school namin nila Kuya. 8 years old hanggang 9 ako, napapansin namin nila Kuya ang pagbabago ni Mama. Madalas syang umalis sa bahay at gabi na kung umuwi. 'Pag tinatanong namin sya kung saan sya galing, lagi nyang sinasabi, sa bahay lang ng kaibigan nya.
Dumating kami sa puntong hindi nakakatawag samin si Papa at walang pera na napapadala, hindi kami nakaka-kain ng tatlong beses sa isang araw at hindi pumapasok si Kuya Aldrich sa school para kami ni Kuya Alvin ang maka-pasok. Ganon pa din si Mama, umaalis at gabi na kung umuuwi. Nagtataka din kami kasi kung minsan may pagkain at pera syang dala, galing daw sa kaibigan nya. 33th birthday ni Mama, nagulat ako ng makita ko sa labas ng school ko si Papa at ang dalawa kong kuya. Umuwi si Papa pero hindi alam ni mama. Sabi ni Papa i-surprise daw namin si Mama.
Pag-dating namin sa bahay, kami ang na-surpresa. Walang saplot si mama, nakahiga sa kama at kasama ang matalik na kaibigan ni Papa.
Kitang-kita ko ang sakit sa mata ni Papa, ramdam na ramdam ko sa bawat paghagulgul nya at sa mga luhang umaagos sa mga mata nya. Sa bawat suntok nya sa kaibigan nya, wala 'kong maramdamang awa. Lahat galit, inis at pandidiri para kay mama..
BINABASA MO ANG
Memory Of Us
RomanceWho would have guessed that one eventful message would bring together two completely different people? It all began with a bitter first impressions. Tease one another, annoy each other, unending banter, sweet laughs, big dreams, and gentle love. But...