chapter 4

23 2 0
                                        

Cleo's POV

Maaga akong nagising para maka sabay si ate sa pagkain babalik na kasi sya sa inuupahan nya dahil may ojt pa sya ngayong araw. Kinuha nya lang daw yung mga libro nya noong mga nakaraang taon na maari nyang magamit sa pag rereview para sa finals nya. Ang hirap talagang maging nursing student. Bukod sa nag ti-train kayo sa pag aalaga ng pasyente. Ang kakapal ng mga librong dapat reviewhin. Kaya hanga ako kay ate sa pag aaral. Kasi hindi man sya ganoon katalino nag sisikap sya.

Ako kasi management ang balak kong kunin para may time pa din sa pamilya pag ka graduate. Ang hirap kaya ng walang holiday break. Tulad ng Nurse/Nursing kahit may holiday may pasok lalo na pag pasko at bagoong taon.

" pwede ba Cleo! Stop that!"saway ni ate. Inilapag nya ang mga kubyertos nya at tiningnan ako ng masama.

" why?"maang na tanong ko.

" the way you look at me para akong may pinatay nang tao! May pa nginig nginig ka pa dyan"  she said with her famous roll eyes.

" ahh yun ba? Naisip ko lang kasi na mas magandang mag management nalang kesa sundan ang yapak mo. Bukod sa tao na pinag iexperimentuhan nyo wala pa kayong holiday season."walang ganang paliwanag ko sabay subo muli.

"Hoy kapal mo! Manequin lang ang pinag papraktisan namin o di kaya partners namin.saka may guide naman kami. Saka wala naman akong sinabing sumunod ka sa course ko. " may irap pang ganap.

" stop it. We're still eating. Cleo behave! And you Clarissa kumain kana at baka malate ka pa sa klase mo." Suway ni mama.

" eto naman si mama behave naman ako namiss ko lang asarin si ate. Hehehe. Kakain na nga eh" bawi ko ng tingnan ako ng masama ni mama.

Nakadami ako ng kain dahil favorite ko ang almusal namin tumataginting na TOCINO! Hahaha.. buti nalang wala si Tamara aagawan ako ng buwaya na yun eh.

Ngayon nag lalakad na ko papunta ng school pero napahinto ako ng may makita akong magandang kotse sinundan ko mg tingin yung lilikuan pero nagtaka ako ng  papunta sa way ng bahay namin. Pero agad akong umiling baka hindi naman, echusera lang siguro ako?

Beeeppp!!!

"Ay ang ganda ko!" Sigaw ko ng may biglang bumusina sa likod ko.

" kahit kelan ang kapal ng mukha mo sis! Hahaha kelan ka naging maganda!" Sigaw ni ate mula  sa kotseng hinabol ko ng tingin kanina.

" ewan ko sayo! Sosyal ah! Kelan ka pa naging katulong para maka sakay sa kotseng yan?" Nang uuyam kong tanong.

Infairness pogi ng kasama nya ah.

" baliw! Sa kaibigan ko to! Si Kim nga pala. Kim kapatid ko." Pakilala ni ate sa kasama nyang nag dadrive.

"Hi nice to meet you!" He said then wave his hand.

Nag bow lang ako sabay ngiti . Nag paalam na din ako dahil malelate na ko. Kaya Agad na umalis sila ate hindi man lang ako pinasakay ni ate sama ng ugali. 

Naalala ko din buti nalang hindi ko kasama si Keith at Tamara for sure bugbog sarado nanaman ako sa sobrang kilig ng mga  yun.

Pagdating ko sa room bumungad sakin ang nguso ni Keith at Tamara papunta sa direksyon ng upuan namin.

" anung ganap?" Tanong ko.

" pumasok ka nalang ng makita mo bruha." Asar ni Keith.

" iba na talaga maganda bff Keith . Tsk"  pag mamaldita ni Tamara.

Ewan ko ba kung bakit naging bestfriend ko ang dalawang to. Parang si ate dapat kinaibigan ng mga to! Ang sasama ng ugali sakin eh.

Naglakad na ko papunta sa upuan ko. Sa bandang dulo kasi kami sa kanan.

the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon