Andrew's POV
Sobra akong nag alala kay Cleo mula ng makita ko syang umiyak ng ganun katindi kagabi kaya naman tinext ko sya agad nung makauwi ako mula sa pagkakahatid ko sa kanya. pati nga nung maalimpungatan ako ay inuna ko pa syang itext ng good morning bago ako uminum ng tubig na syang dahilan kaya ako nagising at bago muling bumalik sa pag tulog.
nang araw ng kinabukasan ay maghapon akong walang halos ginawa kundi ang matulog kaya naman nang matapos akong mag dinner ay naisip kong kulitin na lamang si Patrick at sakanya mismo nalaman ko kung anong nangyari pag alis namin ni Cleo sa Party hanggang sa pagkakadala sa hospital ni Justin dahil sa kalasingan daw nito at napaaway,
nabanggit nya rin saking pupunta din dun ngayon si Cleo pag ka out nito from her work.
kaya naman dali dali akong nagbihis para masundo ko sya at samahan sya papunta sa hospital.
Katangahan man sa paningin ng iba tong ginagawa ko ay ok lang basta makita ko lang ang babaeng mahal ko ay ayos na ako.
mabilis akong nag drive papunta sa coffe shop where she is working but her co worker said she just left a while ago kaya naman tinawagan ko sya para tanungin kung nasaan na sya.
dalawang ring lang ay sinagot nya agad ang tawag ko.
"hi cleo?!!" naka ngiti ko pang sabi, balak ko sana syang asarin pero nagulat ako sa sagot nya.
" Tulungan mo ako!!" sigaw nya na halatang natatakot.
" anong nangyari Cleo nasan ka!!" sigaw ko rin dahil sa pag aalala na baka kung napano na sya. mabilis na sumibol sa dibdib ko ang kaba.
" hindi ko alam!! pero nasa taxi ako at hindi ko alam kung saan nya ko dadalhin.. tu.." hindi nya na natapos yung sasabihin nya kaya mas lalo akong nagpanic.
"Cleo!!Cleo nasan ka ba!! sumagot ka!!" tanong kong muli pero wala pa din. in-on ko ang gps ko para ilocate kung na saan sya and thanks God dahil bukas ang gps nito.
Tinawagan ko na muna si Patrick at sinabi ang baka masamang nangyari kay Cleo. sinabi nya saking puntahan ko sya sa malapit na convenient store sa kanila kung na saan sila ni Tamara para samahan ako.
agad ko syang sinunod at tiningnan ang gps ni Cleo kung na saan na to located.
mabilis kong pina andar ang sasakyan papunta kina Patrick kaya di nagtagal ay nakita ko na sila.
"dumaan muna tayo samin Andrew! dalhin natin yung baseball bat ko dun para kahit paano ay may panlaban tayo!" suhestyon nya na tinanguan ko.
"Ikaw Tammy ihahatid ka namin pauwi saka mo tawagan ang family ni Cleo." utos ko sa kanya na agad nyang inilingan na kita ko sa rear mirror.
" no sasama ako! bestfriend ko ang usapan dito! i can call her family kahit kasama nyo ako!" naiiyak nyang sabi.
"Pero tart! hindi natin alam kung gaano sila ka rami at kung gaano sila ka sasama. maari kang mapahamak pag sumama ka pa!?" nag aalalang paliwanag ni patrick sa gf nya.
" Patrick dito na tayo bumaba kana bilis! malayo na yung location ni Cleo!"
sigaw ko para agad syang bumaba at kunin ang dapat na kunin nya.
nang makabalik si Patrick ay sya pa ring pagtatalo nilang dalwa ng girlfriend nya.
"Tama na yan. tamara tawagan mo na ang parents at mga pulis mukhang sa Laguna dinala si Cleo base sa gps ng cellphone nya! " sigaw ko para tumigil na ang dalwa sa kakaaway.
"ok sige " sagot ni tamara at tawag agad sa pamilya ni Cleo .
umiiyak sya habang kinakausap ang mga ito pero tumahan din pag katapos saka tinawagan ang mga pulis ng malapit na kami sa kung saan naka locate ang gps ni Cleo.
BINABASA MO ANG
the one
Teen FictionSimple naman ang buhay na gusto ko habang nag aaral ako.. Ang mag-aral tapos sideline sa coffee shop at umuwi ng bahay para matulog.. Pero dahil sa isang maling desisyon.. Nagulo ang tahimik na college life ko . "Every action deserves a consulation...
