ScarletAnniePanda salamat po sa pag follow at pag add ng IWY sa reading list mo.. sana ay mabasa mo rin ang story kong ito.. Godbless.
Patrick's POV
Alam kong nagtataka kayo kung bakit ako nag ka POV. Pero ayos lang yan malalaman nyo din naman mamaya . So basa na Brethens..
"Justin san ka?"tanong ko kay Justin matapos nyang sagutin ang phone call ko.
"Nasa bahay bakit?" Tanong nya.
"Pwede ba tayong magkita?"tanong ko.
"Bakit hindi na kayo magkasama ni Tamara? Tara dito sa bahay."sagot nya.
"Hinatid ko na sya. Sige papunta na ako dyan."sabi ko.
"Bakit anong problema?"tanong nya.
"Dyan nalang natin pagusapan." Sabi ko sabay end ng tawag. Pag kasi hindi ko pa pinatay tatanungin ako ng tatanungin nun.
I drove to go in his place buti nalang at linggo kaya walang traffic on my way sa kanila.
Pag pasok palang ng sasakyan ko sa bahay nila ay nakita ko na naka park ang sasakyan ng mamita nya
Tsk wrong timing. Lalo na pag magkausap yung dalwa. May pagka chismosa pa naman ang matandang yun feeling bagets kasi minsan.
"Saan si Justin?"tanong ko sa maid nila.
"Nasa garden po kasama ng lola nya." Sagot ng maid.
"Sige salamat." Pasasalamat ko bago naglakad pabalik dahil nasa likod ang garden ng pamilya Lee.
Nang malapit na ako ay nakita kong nagtatawanan ang mag lola.
"Oh andyan ka na pala. Tara dito."yaya ni Justin.
"Anong meron at napa punta ka rito?"tanong ni Justin na good vibes dahil sa ngiti nya.
"Ano kasi..".di ko masabi amg sasabihin ko dahil nakikinig si lola.
" ok lang yan speak. Hindi naman ako nangangain ng tao."sabi ni lola na nakaramdam ata ng ilang ko.
"Ano kasi Justin si.. Cleo." Di ko parin masabi.
"You know what parang kang sirang plaka. Why don't you try na sabihin na sakin ng diretso anong meron kay Cleo."tanong nya na tumawa pa.
"Hays.. ano kasi nag ka problema yung family nila. Nawalan ng trabaho ang papa nya tapos ngayon nalaman nya na may malaking pagkakautang ang parents nya." Tuluyang kwento ko.
"Ano ?oh anong nangyari?" Tanong nya .
"Ayun sinugod sila kanina ng inutangan ng parents nya. Na iskandalo sila pre hiyang hiya nga sya ng makitang andun kami ni Tamara eh."sabi ko.
"Magkano daw ang utang ng pamilya nila?"tanong ni lola na ikina bigla ko.
"Po?? Almost 300 thousand daw po."naguluhang sagot ko.
"Ang laking halaga nga nun?paano nila mababayaran yun?"tanong ulit ni Justin.
"Yun nga ang problema eh. Graduating pa naman this katapusan ang ate nya tapos mag ii-start palang sya sa bagong trabaho nya."kwento ko.
"Kaya naman pinahiram namin sila ng tag 20 thousand ni Tammy para kahit papaano ay makabawas alam mo naman ma tatrack nila papa pag nag withdraw ako ng napaka laki masesermunan ako.
tapos nagbigay yung magkapatid ng kalahati sa ipon nila na tag 10 thousand Bali 60 thousand na. Wala pa sa.one fourth ng utang nila. Ang sabi pa pati ng ale pag hindi sila naka bayad ng lahat ng utang nila kukunin nya ang mga gamit ng pamilya nila Cleo para sa colateral. Kung kulang pa pati ang bahay nila."dagdag kwento ko pa."Alam mo ba ang buong pangalan nung babae?"tanong ni lola.
"Ang sabi po nya sya daw si Martha Gioba eh." Sabi ko base sa narinig kong pag papakilala nya kanina.
"Bakit nyo natanong mamita?"tanong ni Justin
" wala naman. Iho. "Sabi nya sabay tingin sa relo nya.
" I need to go Gabi na masyado goodnight iho. Bye Patrick." Paalam ni lola.
"Sige po."sagot ko sabay beso naman ni Justin sa mamita nya.
" so anong gagawin natin Justin nakaka awa si Cleo"sabi ko kay Justin ng makaalis na ang lola nya.
"Hindi ko rin alam bro. I'll try to pawn my watch para maka bigay ng tulong.. aabutin din naman ng 150 thousand yun. Alam mo namang hindi rin pwedeng mag withdraw sa bank account ko dahil ma ta track ni Dad yun alam mo naman ang isang yun."sagot nya
"Ang laki pa din ng kulang kahit masangla mo yun." Sabi ko.
"Bahala na bukas ng tanghali, Half day lang naman tayo sa school bukas. "Sabi pa nya. Umuoo nalang ako at umalis na dahil maaga pa ang pasok namin bukas.
Buti na lamang at mag kaka classmate kami nila Cleo at Tamara pati na rin si Justin. Kaya makakapag kwentuhan pa kami. Sinabi ko na rin kay Justin na wag sabihin kay Cleo na nabanggit ko sa kanya dahil panigurado mahihiya si Cleo.
Malapit na ako sa bahay ng may unregistered number na tumatawag sakin.
"Hello?"sagot ko.
"Sino to?"tanong ko ulit.
"This is Justin's mamita."sagot ng nasa kabilang linya.
"Ay kayo ho pala. Bakit po kayo napatawag." Tanong ko.
"Gusto ko lang malaman ang Sinabi sayo ni Justin about Cleo's problem."tanong nya.
"Po??pero po kasi.. magagalit po si Justin."sagot ko
"Ako ang bahala kay Justin now mamili ka. Sasabihin mo sakin o ibabankrupt ko ang business nyo?" Deretsahang pananakot nya.
Maglola nga sila.. kung anong gusto dapat masunod dahil kung hindi kawawa ka talaga sa blackmail na gagawin nila. In short nakakatakot silang dalwa. Para silang living monster.
"Ano po kasi."di ko alam ang sasabihin ko .
"Ok bye na i will call the bank para ipa post off ang mga bank accounts ng parents mo dahil sa laki rin ng loan nila sa banko namin." Sabi nya pa.
"Isasangladawponyayungrelonya"mabilis na sagot ko bahala na sya umintindi. Busit! Ayoko talagang naiipit sa ganito.
"Ok goodboy hayaan mo na si Justin dahil Hindi naman nya masasangla yun ako ng bahala sa problema ni Cleo you just need to shut your mouth" sabi pa nya.
At dahil sa masunurin ako hmm.. hmm nalang nasagot ko.
"Ok good . Thanks by the way sa info. Bye."sabi nya sabay patay ng tawag.
Hindi ko alam kung anong magiging parte ko sa problema ni Cleo at sa problema sa utak ng lola ni Justin.
Bakit naman ako hindi naman nagmana sa isa sa mga traits ng lola ko?bakit si Justin lahat ata halos ng ugali ng lola nya kuha nya.tsk. hindi ako patutulugin ng nangyari ngayong araw.
Buti nalang at nagdate kami ni Tammybabes ko kanina kaya kahit papaano ay goodvibes ako.
Makatulog nalang nga at pasukan na bukas. Bahala na sa mga updates na mangyayari bukas.
BINABASA MO ANG
the one
Teen FictionSimple naman ang buhay na gusto ko habang nag aaral ako.. Ang mag-aral tapos sideline sa coffee shop at umuwi ng bahay para matulog.. Pero dahil sa isang maling desisyon.. Nagulo ang tahimik na college life ko . "Every action deserves a consulation...