RachelleBerbania1 salamat sa pag add ng Im with you sa reading list mo.. im hoping na next na tong The one.. hihihi.. pa follow na din.. lubusin ko na hahahha.
jocelgarcia289 thanks sa pag follow..
Cleo's POV
Dahil sa kagustuhan ni Justin na lumayo ako kay Andrew kahit na magkatabi at napaka daldal nya ay hindi ko pa din sya inimik . I want Justin feel secured na hindi ako magiging katulad ni Bethany hinding hindi ko hahayaang mawala sa kanya. Napaka swerte mo kung iibigin ka ng isang Justin Lee hindi dahil sa yaman nya kundi dahil sa sobramg caring at sweet nya sa mga taong mahal at mahalaga sa kanya .
"Babe...."lambing nya. He even put his face under my arm! Juicecolored nakakahiya man pero ganyan sya kahit nasa bahay kami at nakikita nila mama at papa feeling at home na sya. Buti na lamang at may tiwala ang magulang ko sakin kung hindi baka nakalbo na ako noon pa.
"Ano nanaman yun Justin naku ah! Tigilan mo na nga yang kilikili ko. Ang init pinagpapawisan na eh oh!!" Asar na sabi ko. Grabe feeling ata nya may aircon kami para magdidikit dikit sakin. Palibhasa kasi sya kahit pagpawisan manly pa din ng amoy eh ako.. ewan ko feeling ko ang asim ko pag pinagpawisan pero ang isang to kala mo naglilihing babae at kilikili ko ang pinaglilihian at pag may gusto sya dyan talaga sya nagsusuot.
" kasi babe.. I want a baby.."malambing nyang sabi sabay haba ng nguso.
Sa bigla ko ay napatayo ako kaya ang lagay nalaglag sya sa lapag.
"Justino!!!baliw ka ba!!anong baby pinagsasabi mo!"sigaw ko dahilan para pati sila mama ay lumabas pati si papa nagmamadaling bumaba galing sa taas na nadulas pa.
"Anong baby yang naririnig namin!" Sigaw ni mama.
Napakagat labi ako at tinignan ng masama si Justin na natatawa sa itsura naming magpamilya. Buti na lamang at wala si ate kundi gera talaga mangyayari eh.
"Hoy Justin!hindi porket boto ako sayo para sa anak ko manghihingi kana agad ng anak sa anak ko!aba sobra yan!! Pero anak gusto ko lalaki ah" pahabol pa ni papa na binatukan ni mama. Gumatong pa kasi kala ko magagalit na ng husto eh.
"Gumatong ka pang damuho ka! Narinig mo namang nanghihingi na ng anak!kahit kelan ka talaga utak dikya ka!"sigaw ni mama kay papa na piningot pa.
ganyan na yan silang dalwa mula ng makabalik si papa at hindi na pag trabahuin ni ate sila papa. Bumalik sa pagkabata ang dalwang yan.
"Kasi naman mhie.. alam mo naman na gusto ko talaga ng anak na lalaki pero hindi tayo biniyayaan kaya gusto ko apong lalaki ang bungad. Galingan mo Justin ah!!"cheer pa ni papa na pinalo naman ni mama ng tsinelas sa braso.
Napa buga nalang ako sa pagkabaliw ng papa ko at kalokohan ni Justin na ngayon ay walang ginawa kundi tumawa ng tumawa.
"Justino tumigil ka!ikaw pasimuno nito!!masasapok na talaga kita!!" Naasar na sabi ko.
"Why so cute babe pag nagcha chubby cheecks ka."pang aasar pa nya.
"Justino uwi!!umuwi ka na ngayon din!" Sigaw ko sabay punta ng pinto para pauwiin sya. Ang loko nagtago pa sa likod ni papa na hinamas pa ang likod ng huli.
Juicecolored anyari sa earth!mai envade na ba kami ng mga allien kaya parang utak allien na tao sa paligid ko.
"Babe naman.. ikaw naman kasi nag react ka kagad eh. Ang gusto ko lang naman sabihin kanina eh baby puppy. Yung chiwawa kasi ni Patrick nanganak na and nacute-an ako sa isa kaya gusto ko sanang kunin at alagaan kaso bawal sa bahay dahil may hika ang kapatid ko kaya gusto ko sana ikaw mag alaga."paliwanag nya.
BINABASA MO ANG
the one
Teen FictionSimple naman ang buhay na gusto ko habang nag aaral ako.. Ang mag-aral tapos sideline sa coffee shop at umuwi ng bahay para matulog.. Pero dahil sa isang maling desisyon.. Nagulo ang tahimik na college life ko . "Every action deserves a consulation...
