Chapter 34

26 4 0
                                    

erldolera salamat sa pag add ng IWY sa reading list mo please vote every chapter na rin po hahaha.... Godbless po..

Justin's POV

Bago ako magsimula sa pinagagawa ng magaling kong ama ay pinakiusapan ko muna ang dalwang kaibigan namin ng babaeng mahal ko na kung maaari ay bantayan nila sya para naman kahit malayo ako ay alam kong nasa maayos sya.

I really miss her pero kailangan kong gawin ang nararapat para rin naman sa kanya to sa scholarship nya.

" wag ka nang mag alala Justin kami ng bahala ni Hon sa babe mo." Sabi ni Patrick sakin ng makausap ko sila sa isang cafe.

" Pero ayusin mo lang pag ako nalaman ko na may something sa inyo ng babaeng yun ako mismo sasapok sayo! Tandaan mong may kasalanan ka pa sa bestfriend ko." May pag taas pa sya ng kamay nya na parang tototohanin nya ang balak nya .

" hindi ko papalitan si Cleo . Tamara alam mo kung gaano ko kamahal ang bestfriend mo. Isa pa hindi ko naman hahayaan na masaktan sya. Pero please hayaan nyo nalang muna kaming ganito para rin naman sa kanya to. Wag nyong sasabihin ang tungkol sa usapan namin ni dad and I promise to both of you na after this ako mismo ang gagawa ng paraan to win her back." Pakiusap ko sa dalawa na tumango lang at nag smile.

"So ikaw naman ang hindi papasok ganun ba? Paano yan alam ko ngayon sya papasok?. May usapan pa nga kaming susunduin namin sya ngayon ni Hon diba?" Patrick said bigla naman akong nanghinayang dahil hindi ko man lang sya makikitang papasok ulit.

"Ano ba namang itsura yan Justin chillax ok. Kami ng bahala sa girlfriend mo. Este ex pala. Diba nakipag hiwalay ka na sa kanya?" Sabi naman ni Tamara kahit kelan may pagkakaparehas sila ni Keith ng ugali bakit nga ba naging bestfriend sila ni Cleo?

"Hon wag mo namang awayin. Kita mo naman diba magiging homeboy sya buong week ni Keith makabalik lang si Cleo sa scolarship. Saka nangako naman sya sayong babawi sya kay Cleo diba? Isa pa di ka pa ba naawa sa pasa nyan? Hahaha" mga hirit ni Patrick sa girlfriend nya.

Di ko alam kung dapat ko bang ipag katiwala si Cleo sa kanila sa mga pinag sasabi nila ngayon sakin eh.

"Aalis na kami baka malate pa kami. Susunduin pa namin ang mahal na prinsesa, mahal naming prinsipe.. kung iyong mararapatin .. tumabi ka dyan." Sabi ni Patrick sabay hila sa gf nyang nahawa na sa pag kabaliw nya..

Pag kaalis na pag kaalis nila sakto namang dumating ang sundo ko. Naka schedule kasi si Keith sa isang botique ngayon na mag i-sponsor ng ibang damit nya. Advance gift daw para sa birthday celebration niya. Tss.

Medyo nalate kami ng dating ng driver ko dahil sa na-flat-an kami ng gulong.

"Why you're late!? Usapan natin 8a.m diba? It's already 8 30.. tss. Let's go." She said then walk like a model. Isang bagay na hindi ko gusto sa mga babae. Maglalakad nalang dapat bang kumembot pa?para ano? Ipamukha sa mga lalaki ang asset nila? Tapos pag nabastos magagalit?tss.

"Anu na? Hindi porket gusto kita eh hahayaan ko nalang na pag iintayin mo ko. May pride pa rin ako Justin kaya pwede ba wag kang pa-antay. Tumatakbo ang oras. " she said while looking at her watch.

"Para namang ang layo ng pagitan mo sakin. Wag kang magrereklamo kung hindi kita hintayin sa paglalakad. Mabilis na galaw pala gusto mo. Saan ba ang unang destinasyon mo?" Tanong ko sobrang nakakaasar. Nag mamadali pero pagdating sa pamimili ng mga damit ang tagal tagal.

" basta.. tara na." Sabi nya sabay lakad uli.

Naglakad kami ng medyo malayo saka sya pumasok sa isang sikat na boutique .

Pili rito pili roon ang dami nyang pinakuha. Sukat dito sukat dun pero sa huli iilan din lang naman ang nagustuhan.

After ng mga damit pumunta naman kami sa shoe station. At tulad sa mga damit pili rito pili roon pero ilan lang din ang nagustuhan. Nakakaawa lang ang mga sales lady ng mga botique na napuntahan namin.

Ok sana kung maayos ang pakiki tungo nya kaso hindi eh. Pinagagalitan at sinusungitan nya pa pag nagkamali. Anung tingin nya sa mga yun pinasasahuran nya.

Buti nalang at nakilala ko si Cleo dahil sa kanya natutunan kong pahalagahan ang mga sales lady. Kabaliktaran sya nitong si Keith. Cleo always smile and say thank you sa mga sales lady na nakakasalamuha namin pag nag sho-shopping kami. I mean ako dahil hindi naman sya mahilig mag bibili dahil marami pa naman daw syang damit. Masasayang lang din daw dahil hindi naman lahat masusulit sa pag suot.

"Hindi mo dapat ginanun yung babae. Hindi naman ikaw ang nagpapasahod sa kanya. Saka isa pa.diba yun naman ang sinabi mo sa kanya sinunod nya lang ang gusto mo hindi ba?"puna ko sa babaeng pinag lihi sa ampalaya.

"You don't care.. tara na. Mamaya pala sunduin mo ako sa hotel dahil may pupuntahan tayo mamayang gabi." Utos nya sakin.

"All i know is that I will be your partner this coming birthday of yours and not your homeboy para utos utusan mo ako. " deretsahang sagot ko. Akala ata nya bodyguard nya ako.

" ganun na rin yun dahil pag ako hindi mo sinamahan sa mga lakad ko ikaw naman ang malalagot sa dad mo. And I already know na kapalit nitong pagsama mo ay ang scholarship ni Cleo so sumunod ka nalang. Tsss.." she said then hiss again.

Yung totoo pinaglihi ba sa ahas ang babaeng to? She always saying tsss na akal mo ahas na tutuklaw sa biktima nya.

"Sige mamaya nalang ulit soon to be my boyfriend I need to go na." She said then kiss me on my chicks.

Umuwi ako ng bahay para magpahinga pero hindi ko inaasahan na nasa bahay pala ang dragon at kinamusta ang ginawa namin ni Keith. Kaya naman sinabi ko sa kanya ginawa ko naman ng maayos ang pagiging isang homeboy at bodyguard ng babaeng gusto nyang samahan ko. Ang nakakaasar lang sinabihan nya akong approve daw ang ginagawa ko at ipag patuloy ko lang. Eh di wow lang diba?!

Pumasok ako sa kwarto pag katapos ko syang makita. Nag text muna ako sa dalwa at ang mga walangya hindi ko macontak. Lagot talaga sakin pag nakita ko ang mga yun.

Lumipas ang limang oras at tumawag na naman ang seniorita ko. Gusto nyang makipag kita sa isang hotel malapit lang samahan ko daw syang tumingin sa mga ginagawang preparation para sa party nya.

Naligo muna ako para naman ma preskuhan ang pakiramdam ko dahil sa tagal nang pag iikot namin kanina. Nang matapos ay agad na akong pumunta para walang masabi.

Inikot namin ang buong venue ng party nya at namili sya ng mga gusto nyang theme at mga pagbabago na gagawin sa party nya. Halos lahat nga ng napag desisyunan na noong mga design ay halos na bago. Wala namang magawa ang mga organizer kundi mangamot ng ulo at tumango para di sila masibak sa trabaho.

Nang matapos kami ay aalis na sana ako para makauwi ng nang maaga sa bahay pero nakita ko roon si Cleo na may dalang Maleta.

"Cleo." Bulong ko. Hindi ko alam na maririnig ni Keith yun kaya lumingon din sya sa location kung na saan si Cleo.

Keith walk near me and hug me. Hindi ko man alam ang ginagawa nya paniguradong gulo ang hanap nya.

Saktong pag tanggal ko sa pagkakayakap nya ay sakto ring lakad ni Cleo papunta sa Elevator . Tinawag ko sya at tinakbo pero hindi ko sya na abutan sa pagpasok nya sa elevator.

I saw her teary eyes bago magsara ay nakita ko ang pagpunas nya ng pisngi nya.

Hindi ko man lang malaman kung saang floor sya bababa dahil sa biglaang tawag sakin ng organizer. Ang malas!

Bwisit na tiningnan ko ang oraganizer at sinabing hindi ako ang mag paparty kaya wag ako ang tanungin nya sa ibang mga details.

Umalis ako ng hotel na asar na asar.

the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon