Kystjsl and erldolera salamat sa pag add ng aking story sa inyong reading list.. Godbless po...
Cleo's POV
hindi ko alam kung tama nga bang pumunta pa ako sa lugar na eto,lalo na ngayong sa tingin palang ng mga taong naririto ay kitang kita ko kung paano nila ako titigan ng nandidiri. ganito nalang ba talaga ka unfair ang mga mayayaman para tingnan nila ako ng ganyan?
"Cleo are you ok?" tanong sakin ni Patrick. Nang marinig nya akong bumuntong hininga.
"no. I think I need to go now." sabi ko sa kanila ni Tamara na mabilis na lumungkot ang mukha at halatang nag aalala.
" why bes? may masakit ba sayo? hahatid ka na namin." nag aalalang tanong nya sakin habang ini inspectionang buong katawan ko na akala mo ay makikita nya kung may masakit nga ba sakin at kung saan to.
Agad kong iniling ang ulo ko. Dahilan para huminto sya sa ginagawa nya at tumingin sakin.
" wala naman. Hwag nyo na akong ihatid maauna na akong umuwi dito nalang kayo tutal andito rin ang parents nyo kaya hindi kayo pwedeng umalis at baka hanapin nila kayo. kaya ko naman umuwi mag isa. Sige bye." paalam ko sabay halik sa kanilang dalwa sa pisngi at lumakad paalis.
Nagulat nalang ako ng may nanghablot ng braso ko.
"Ako nalang ang maghahatid sayo pauwi, Tutal na bobored na rin ako sa mga kaplastikan ng mga tao dito.pwede din naman na mag date nalang tayo kung gusto mo. Ano hah? Payag ka?" Naka kalokong tanong ni Andrew with matching pagtaas baba pa ng kilay nya.
Pero dahil wala ako sa mood sa kalokohan nya ay tiningnan ko syang parang nanghihina.
"Thanks for the offer pero wala ako sa mood na gumala pa lalo na ang makipag date lalong lalo na kung ikaw rin lang naman. "Sagot ko sa kanya sabay lakad ulit.
"Mauna na ako bes ,Patrick ikaw na bahala sa bestfriend ko hah? Ingat kayo pag uwi mamaya." Paalam kong muli at kumaway pa ako bago naglakad palayo.
Pasimple pa akong tumingin sa stage kung na saan sila Keith at Justin na nakikipag usap sa ibang mga bisitang nabati sa celebrant pero sakto namang napatingin si Justin sa gawi ko kaya naman nilihis ko ang tingin ko sa dinadaanan ko at dumiretsong naglakad palabas ng venue .
Masakit para sa aking makita silang masayang dalawa habang ako ay nasasaktan pero ano pa nga ba ang magagawa ng pag mamahal ng isang hamak na mahirap na katulad ko sa katayuan nila sa buhay. Ano pa nga ba ang maipagmamalaki ko tsk. Bukod sa mahirap ako wala nang kami na maaring ipagmayabang ko.
" ang lalim naman ata masyado nyang iniisip mo? Kasali ba ako dyan?" Biglang sulpot ng mukha ni Andrew sa harap ko dahilan para mapatigil ako.
Kailan ba mapapagod ang isang to kakasunod at kaka trip sakin? Haist.
Hindi ko sya pinansin at nag tuloy ulit sa pag lalakad. I need to go far from here. Dahil baka hindi ko kayanin ang mga nakikita ko sa loob. Pilit kong pinatatag ang loob ko habang naglalakad para hindi tumulo ang luhang kanina pa nagbabalak bumagsak mula sa mata ko pilit kong kinakagat ang ibabang labi ko para hindi matuloy ang naghahangad na pag labas ng hikbi mula sa bibig ko. Ang sakit pala talagang makita ang taong mahal mo na masaya kasama ng ibang babae.
" tsk. Kaya ayoko talagang makitang may babaeng nasasaktan eh. Ano ba kasing meron si Justin na ikinagaganyan nyo?! Tsk. kung tutuusin mas pogi naman ako dun!! Hayst.. tara nga!" Nagtatakang tanong niya pa sabay hila sa mga kamay ko.
Hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin pero dahil sa gusto ko ng makaalis dun ng mabilis ay nagpaanod nalang ako sa paghila nya. Hindi naman ganun kabilis ang paglalakad nya kaya hindi ako nahihirapan na maglakad pasunod sa kanya lalo na at hawak nya ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
the one
Teen FictionSimple naman ang buhay na gusto ko habang nag aaral ako.. Ang mag-aral tapos sideline sa coffee shop at umuwi ng bahay para matulog.. Pero dahil sa isang maling desisyon.. Nagulo ang tahimik na college life ko . "Every action deserves a consulation...
