chariegumangan salamat sa pag vote ng IWY chapters ko..
Blue_Hydra salamat sa vote nitong The One.. hihihi namiss ko ang presence mo sa notif ko hahaha..
Godbless po sa inyong dalawa.CLEO'S POV
Ano bang nangyari sa lalaking yun at napapadalas ang pakikipag away nun.
habang nasa taxi ako ay para akong tanga na pasilip silip sa paligid.Inabot kasi ako ng gabi sa dami costumer kanina. sa hali na hanggang 6pm lang ako ay pinag regular day ako para maging 9 hours ang trabaho ko.
"Manong malayo pa po ba rito yung Hospital? bakit po parang ang tagal natin?" tanong ko kay manong pero parang wala syang narinig tiningnan niya lang ako sa salamin saka ngumising nag drive ulit. kinabahan naman ako sa ginawa nya. may kinuha pa sya sa gilid ng upuan nya na parang spray kaya lalo akong natakot.
"bakit ngayon pa ako nawalan ng load!!" sigaw ko sa isip ko.
natataranta na ako ng may tumawag.
"kung sino ka man maraming salamat sayo!!" pasalamat ko sa loob loob ko.
" Tulungan mo ako!!" sigaw ko sa linya hindi ko na nagawang tingnan kung sino ang tumawag sa kaba.
" anong nangyari Cleo nasan ka!!"
" hindi ko alam!! pero nasa taxi ako at hindi ko alam kung saan nya ko dadalhin.. tu.." hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil sa nahihilo na ako na halos mamikit na ang mga mata ko.
"Cleo!!Cleo nasan ka ba!! sumagot ka!!"
narinig ko pa syang sumigaw sa kabilang linya pero hindi ko na sya masagot hanggang sa nawalan na ako ng malay.hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog ng magising ako ay hindi ko malaman kung na saan ako at nahihilo pa rin ako hanggang ngayon.
nang igagalaw ko na ang mga kamay ko ay saka bumalik sakin ang takot at nagising ng tuluyan ang diwa ko.. nakita kong nakatali ang mga kamay at paa ko.
inikot ko ang paningin ko sa paligid at nakita ko ang bag ko na malayo sakin kasama ng cellphone ko na nakatabi dito.
"uyy bossing gising na pala ang chicks nyo oh.. hmm ulam na ulam ah." sabi ng lalaking pumasok sa silid kung na saan ako.
"talaga? patingin nga ng dinala rito ni Roy." pumasok ang isa pang lalaki na medyo maliit ang katawan at may katangkarang lalaki pero mukha palang mukhang adik na .
" si-sino kayo!! bakit nyo ko dinala rito?!" natatakot ng tanong ko.
" wala ka namang magagawa miss kahit malaman mo kung sini kami.." sagot ng boss nila.
" isa pa miss pag katapos kang tikman ni bossing wala ka ng silbi samin kaya papatayin kana rin namin. hahahaha.. kaya wag ka nang maglaban dahil wala ka na ring magagawa.." sabi ng lalaki.
pilit kong nagpupumiglas sa pagkakatali ko nagbabaka sakaling maluwagan ang pagkakapulupot nito.
" Paalisin nyo na ko!! tulong!!! tulongan nyo ko!!" sigaw ko. habang tumutulo ang mga luha ko sa takot.
" hahaha kahit anong sigaw mo miss walang tutulong sayo!! kaya wag ka ng mag aksaya ng lakas at boses mo kakasigaw. hahaha" sabi muli ng lalaki saka naglabas ng kutsilyo.
" wag!!wag kang lalapit!!.. whaag kang lalapit!! tulong!! tulungan nyo ako!! parang awa nyo na po.. wag po.. pakawalan nyo na ko dito.. parang awa nyo na.." pag mamakaawa ko sa kanila pero parang wala silang marinig. lumapit sakin ang lalaki at pinadulas sa pisngi ko ang kutsilyo hanggang sa leeg ko. dahilan para mapa pikit ako.
BINABASA MO ANG
the one
Teen FictionSimple naman ang buhay na gusto ko habang nag aaral ako.. Ang mag-aral tapos sideline sa coffee shop at umuwi ng bahay para matulog.. Pero dahil sa isang maling desisyon.. Nagulo ang tahimik na college life ko . "Every action deserves a consulation...