jadyeshav thanks sa pag follow..
And jhayaaa salamat sa comment heto na po ang u.d para sayo. Sana magustuhan mo.
GODBLESS sa inyong dalwa..😇😇Author's POV
(Ako na lang muna ang mag kukwento ahh. Magulo kasi sila ngayon eh hirap I-POV isa isa hahaha hope you don't mind.)
****************Ilang araw nang hindi napasok si Cleo mula nang mangyari ang nakakahiyang maling pagpaparatang sa kanya ng sariling kasintahan.
At nag aalala man si Justin ay hindi nya magawang puntahan si Cleo dahil sa mga paratang na ibinato nya rito.
Sa campus..
"Ang kapal ng mukha ng babaeng yun kung papasok pa sya pag katapos ng iskandalong kinasangkutan nya." Sabi ng kaklase nilang babae.
"Yah right akala mo kung sinong santa yun pala impokrita rin naman. Hahaha" dagdag pa ng kaibigan nya.
Kaya ang tatlong magkakaibigan ay agad na uminit ang lalo na si Tamara na bestfriend ni Cleo.
"Kayo ba hindi titigil sa kaka chismisan nyo dyan about sa bestfriend ko?! Gusto nyong isalpak ko sa mga malalaki at makakapal nyung mga bibig ang tig isang burger namin para manahimik yang makakating dila nyo!" Pang hahamon sa magkaibigang nag chichismisan sa tabi nila.
"Bakit hindi ba totoo? Si Justin nga mismo ang nagsabi sa lahat ng taong nandun hindi ba? Pag tatanggol mo pa ang kaibigan mong malandi."sabi pa ng isa na nakapag painit na ng ulo ni Patrick ng tuluyan.
"Akin na yang mga name plate nyo!"sigaw nya sa mga ito.
"Ba-bakit ?" Natatakot na tanong ng isa pa.
" Isa!" Sigaw ni Patrick. Natakot ang mga babae kaya agad nilang tinanggal ang name plate nila at binigay dito. Agad din silang nakakuha ng mga matang agad na naki usyuso dahil nasa canteen sila ng mga oras na yun.
"Mula ngayon! Tanggal at ban na kayo sa campus na to! Submit your names sa Office para maibalik ang binayad ng parents nyong tuition." Sabi nya sa dalwang babae na nag umpisa ng umiyak at nag makaawa na hindi na mauulit.
" sana inisip nyo yang mangyayari sa inyo bago kayo nag dadada sa tabi namin. At kayong lahat! Makarinig lang ako ng may nagkakalat ng kung anu anong chismis tungkol kay Cleo!wag nyo nang asahan na makakapasok pa kayo kinabukasan naiitindihan nyo!"sigaw nya sa lahat na ikinatakot at ikina tango ng ilan.
Habang si Cleo ay hindi pa rin nalabas sa kwarto nya. Kahit ang trabahong pinag sa-sideline nya ay tumatawag na sa kanya para malaman kung babalik pa ba sya o hindi na.
Tanging ang apat na sulok lang ng kwarto nya ang nakikita nya o di kaya ang kumot na ipinang tataklob nya sa buong katawan nya tuwing may kakatok at mag tatangkang pumasok sa kwarto nya para dalhan sya ng makakain.
Even Tamara went to their house pero hindi nabigyan ng chance na makausap sya. Pati si Andrew ay pumunta na rin sa kanila para humingi ng sorry ay naka tanggap lang ng sermon sa mga magulang nya.
Ngayon ay saktong isang linggo na syang hindi pumapasok. Kaya nalaman na rin ng mamita ni Justin ang nangyari na saktong pumunta rin sa bahay nila.
"Anak. May bisita ka." Sabi ng mama nya.
"Ayuko po munang tumanggap o kumausap ng kung sino ma." Sabi nya sa ina.
"Pero kasi anak. Lola ni Justin ang nasa baba." May pangambang muling sabi ng mama nya.
"Paakyatin ko na anak ha." Sabi pa nitong muli bago lumabas ng kwarto.
Maya maya ay nakita nalang nya ang matanda na pumasok sa kwarto at nabigla sa nakitang itsura nya.
BINABASA MO ANG
the one
Teen FictionSimple naman ang buhay na gusto ko habang nag aaral ako.. Ang mag-aral tapos sideline sa coffee shop at umuwi ng bahay para matulog.. Pero dahil sa isang maling desisyon.. Nagulo ang tahimik na college life ko . "Every action deserves a consulation...