Cleo's POV
Marami na ang excited sa graduation ceremony bukas pero ako kinakabahan sana naman hindi ako magkamali bukas sa sasabihin ko. Kaya naman para mawala ang stress ko ay pumasok nalang ako ngayon sa trabaho.
"Hi good afternoon Ms.Anne,Sir Byrone!" Naka ngiti kong bati.
"Morning din bhe. Aga mo ah?! Diba mamaya ka pang 1? 12 :10 palang ah?" Tanong ni Ms.Anne.
"Wala po kasi akong ginagawa sa bahay." Sagot ko.
"Iba ka talagang bata ka. Yung iba nag papaganda na ngayon at nagrerelax ikaw trabaho pa inaatupag mo. Yan mamimiss ko sayo eh." Sabi ni kuya Byrone.
"Nambola ka pa kuya. Yun pa nga din dahilan kasi mamimiss ko kayo." Nalungkot naman ako sa naalala kong pag alis ko sa trabaho ko dito.
" ok lang yan dadalaw ka rin naman dito saka para hindi ka mahirapan." Pag papalubag loob ni Ate Anne.
"Tama. Kaya next day titreat ka namin ni ate mo. Para naman may pa kunswelo kami sa makukuha mo bukas at para na rin sa fairwell mo kahit na 2 months pa. Hehehe." Sagot ni Kuya Byrone
"Talaga po? Hindi po ba nakakahiya yun? Hindi naman na po kailangan nun mapapagastos pa kayo." Nahihiyang sabi ko.
"Wala yun nu kaba! Para ka narin naman naming kapatid nitong si kuya Byrone mo kaya wag ka ng mag dis agree saka.." sabay bulong ni ate Anne.
"Gusto ko din uminum eto kasing si kuya Byrone mo napaka higpit hehehe.. wag ka maingay ha?" Ate Anne Hissed.
"Hahaha." Yun nalang ang sinabi ko sabay iling sa kulit ni ate.
Nagpaalam na ko para mag palit ng uniform at maka pag umpisa na.
Magdedecorate kasi kami ngayon ng cafe dahil nga season of graduation this week kaya naman need namin maglagay ng mga about sa season na yun.
Hanga ako sa partnership nilang dalawa kasi lahat ng bagay pinag uuspan nila kahit na minsan ang lakas mang asar ni kuya Byrone para lang may sweet moment sila ni Ate.
Medyo madami din ang naging costumer namin today na lahat ay galing sa salon na malapit lang sa pwesto. Marami din akong mga classmates ang nakita ko kasama ng parents nila.
Hindi naman ako naiinggit dahil kung tutuusin gusto din ni mama na ipa make over ako pero ako ang tumanggi dahil bukod sa sayang eh alam ko naman na uuwi si ate. Kaya naman kaya na ng powers nya yun hehehe.
Maaga akong pinauwi nila Ms. Anne para naman daw makapag relax ako para bukas kaya naman ngayon naglalakad na ako pauwi.
Nang makita ko yung park na araw araw nadadaanan ko. Naglakad ako patungo dito para makapag pahinga at maka upo man lang,dahil nga sa dami ng pasahero halos hindi ako naka upo kanina.
Pag upo ka sa sementadong upuan ay naramdaman ko ang sakit ng mga binti ko. Kaya naman hinilot ko to.
Tumingin ako sa langit nang mapansin kong ang ganda ng kinang ng mga bituin. Ang sarap talaga nilang pag masdan nakakawala ng bigat ng pakiramdam.
At ang ganda na sana ng sight seing ko ng may narinig akong kaluskos sa bandang likuran ko kaya naman kinabahan ako. Agad akong napaayos ng upo.Nang magsalita ang lalaki sa likod ko.
"I told you that I will never go their right?! Ayoko!may girlfriend nga ko diba!" Sigaw ng lalaki sa likod ko.
Feeling ko narinig ko na yung boses ng lalaking yun.
"No!I will never let anyone be my Fiancee unless its her!no!" He shouted.
Sa lakas ng sigaw nya natututuliling ako,kaya naman lumingon ako para makita siya. At hindi nga ako nag kamali paglingon ko nakita ko nga kung sino sya.
"Shhh.." I shish.
"Oh Im sorry." He apologized.
Binaba nya na yung cell nya at lumapit sakin.
"hi it's you right?!" He asked.
"Yes. Sorry nga pala dahil hindi ako nakapag pasalamat sayo nung nakaraan." Pagpapaumanhin ko.
"It's ok. By the way how are you after that incident?" Sabi nya sabay akbay sakin kaya naman nagulat ako.
"O-ok n-naman. Nakulong n-na sya salamat nga pala ulit sa tulong mo." Sabi ko sabay layo sa kanya at tanggal ng braso nya dahil hindi ako komportable sa ginagawa nya.
"Haha you know what nakaka tuwa ka. Ewan ko ba pero natutuwa ako sayo." Nakangiting sabi nya.
Mukha ba akong clown para pag tawanan nya?
"At bakit naman?" Naka kunot nuong tanong ko.
"Ewan ko ba dahil siguro sa binigay mong strawberry cake sakin nun" he said then laugh again.
"Wala yun sa totoo nga mas malaki pa nagawa mo sakin eh. Ahmm sige alis na ko." Sabi ko sabay tayo at wave ng kamay.
"Don't worry balang araw makakabawi ka din sakin." He said then wave his hand.
"Ok! Sige kung ano hilingin mo pag ako naman need mo ,payag agad ako Basta kaya ko at wag lang about sa pera Byeee!" I waved again then started to walk.
Umalis na ako dahil alas otso na at baka mamaya kung mapaano pa ako. Alam ko naman na mag aalala si mama sakin pag nag kataon.
BINABASA MO ANG
the one
Teen FictionSimple naman ang buhay na gusto ko habang nag aaral ako.. Ang mag-aral tapos sideline sa coffee shop at umuwi ng bahay para matulog.. Pero dahil sa isang maling desisyon.. Nagulo ang tahimik na college life ko . "Every action deserves a consulation...