Chapter 53

18 1 0
                                    

Cleo's POV

Maaga akong nagising nang araw na to para pumunta sa trabaho. Mula kasi ng kilalanin kami muli ni lola bilang mga apo ay pinahinto na nya ako sa sideline ko at binigyan nalang nang mga pangangailangan sa school.

Inayos ang clearance para makakuha ng backpay ko. At mag paalam sa mga kasamahan ko at sa boss ko na walang hanggan ang pasensya sa absences ko noon. Napag usapan na rin namin na maari nya akong ipasok ulit sa trabahong to pag nag ojt na ako kung kinakailangan ko.

Agad akong umalis matapos naming magkausap at maayos ang lahat dahil sa may lakad pa kami nila Andrew.

"hello?" sagot ko sa tawag.

"nasaan kana? Malapit na kami." tanong ni Andrew.

"malapit na, diretso na kayo dun at dun nalang tayo magkita-kita. " saka ko pinatay ang tawag.

Buti na lang at dala ko ang bigay ni lola na kotse sakin kaya naman mabilis nalang ang nagiging byahe ko.

Nasa stop light ako ng makita ko ang isang taong matagal ko ng hindi nakikita kaya naman laking gulat ko ng makita sya.

" paanong andito sya? " tanong ko sa sarili ko, nang tangka kong bumaba para hanapin sya ay saka namang nag green na kaya naman wala akong nagawa kundi bumalik sa loob ng sasakyan at mapukpok ang ulo ko dahil sa bagal ko.

"pero impossible! Ang alam ko nasa Australia na sya? How come? Haysst bahala na, masyado ko nang pinaghihintay yung tatlo. " kausap ko pa rin sa sarili ko sa pinaandar ang sasakyan ko dahil mga busina ng mga nasa likod ko.

Maya maya lang ay tumunog nanaman ang cellphone ko.

" bakit? " sagot ko,

"asan kana bes?! Akala ko ba malapit kana? " bungad sakin ni Tammy.

" andito na ako, nagpapark lang ako. Hintayin mo na ako dyan at may sasabihin din ako sayo." sagot ko saka pinutol ang linya ng paguusap namin para bumaba ng sasakyan

Naglakad ako papasok sa police station kung saan sila naroon at pumasok sa investigation room.

"hays salamat dumating ka din, bakit ba ang tagal mo? Lagi mo pang pinuputol ang tawag namin sayo. " naka taas kilay na tanong ni Tamara.

Hindi ko alam pero sa nakita ko kanina ay para akong nawala sa wisyo.

"hey,! Care to explain? " tanong nya pa ulit.

" I saw her. " nakatulala kong sabi.

"who? " tanong ni Tammy na dahilan para mapatingin sakin si Patrick at si Andrew na may binabasang files.

" Si Haven, " sagot ko saka sila tiningnan isa isa.

"paanong nakita mo? Akala ko ba nasa Australia sya? " takang tanong ni Tamara.

"hindi ko alam pero siguradong sya yung nakita ko. "

Agad na lumapit sakin si Andrew at binigay yung bottled water nya na hindi pa nya nagagalaw.

" take a rest muna, kami na muna ang kakausap sa mga pulis, makinig ka nalang muna ok? " Andrew command.

Tanging tango lang ang naisagot ko.

Kung nagugluhan kayo kung sino at bakit ako nagkakaganito ay kukuwento ko.

Haven is one of the well-known youngest lady in the country that have the biggest name in terms of business, siya ang nag iisang anak ni Night Alfonso na isang business tycoon mula pa noon na syang kalaban ni Lola sa business dahil sa madumi syang magtrabaho.

the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon