Cleo's POV
Nag simula na ang vacation period. Si mama naman na kasi ang kukuha ng card ko for the enrollment. Para daw hindi na ko umabsent pa,Saka nalang daw ako umabsent sa favorite hobby ko ang mag side line sa coffee shop pag enrollment na para lakarin yung ibang gagawin sa new school.
Ang saya ko pag pasok sa work dahil bukod sa ito na yung day na iti-treat ako nila ate Anne and Kuya Byrone. Eto din yung masayang araw ko na hindi makikita si ate. Hehehe.
Close naman kami nun ni ate may topak lang kaya nakakaasar pag matagal kaming magkasama. Kaya masaya akong nakatakas nanaman ako hahaha.
Marami rami rin kaming costumer today puro mga kabataan at couple. Siguro nag ku-quality time dahil nga summer at walang ibang gagawin kundi tumunganga sa bahay nila na halos lahat ay hindi kayang magtagal. Kahit naman ako! Mas maganda pang magtrabaho kesa mag mukmok dun at kausapin ang ceiling ng kwarto ko ,nakaka baliw kaya yun.
So back to the story..
Yun nga madami kaming costumer kaya patayan nanaman kami sa trabaho pero ayos lang dahil hindi namin namamalayan ang oras tulad nalang ngayon, mag aala- singko na pala. Eh hanggang ala sais lang ako so petiks nalang dahil after nito mag babar daw kami nila ate.
Nagpaalam naman ako kay mama and ok lang sa kanya dahil hindi naman ako pala inum na tao."Hey.. kami na jan" kuya Byrone tapped my back.
"Ho ako na madali lang naman to." Sabi ko
"Ahmm maglinis ka nalang ng mga tables. Kami na bahala dyan tutal malapit ka naman ng mag out eh." Ate Anne requested.
"Ow-key kayo po bahala. " sabi ko sabay ngiti at kuha ng mga gagamitin ko sa pag lilinis ng mga table.
Nag hihmm.. pa ko habang naglilinis dahil mas napapa bilis ang kilos ko pag natutuwa ako sa mga kantang naiisip ko. Kaso nasobrahan ata kaya naman may nakasagi sa tasa na hawak ko na may lamang kape.
"Shit!" He said.
Nagulat ako sa boses na narinig ko kaya naman napa angat ako ng tingin at nanlaki ang mata sa nakita.
"Ikaw?!" Gulat na sabi ko.
"Tsk lapitin ka talaga ng disgrasya?" Asar na sabi nya mukhang bad mood si Kuyang Pogi dahil nagsusungit. Sabagay kahit naman ako matapunan nun sa branded clothes ko ma babadtrip din ako.
"Hehehe.. sorry sir." Pinunasan ko yung damit nya ng panyo ko. Pero hindi pa din kaya .
" Wait lang po kukuha ako ng tissue." Dali dali akong pumnta sa kusina para ilagay yung mga pinag gamitan ng mga costumer and pumunta sa locker room para kunin yung jacket nya at tissue.
"Sir pasensya na talaga heto na yung tissue. And yung jacket po na pinahiram nyo last time." Nahihiyang sabi ko.
"Woow!bro ikaw nag pahiram ng jacket mo?! Aba ayos yan ah?!" Hindi maka paniwalang sabi ng kasama nya. Hindi ko naman alam na may kasama sya, Kasi kanina sya lang mag isa.
"Shut up dude. Bakit ka ba andito.?" Irritableng sabi nya habang pinupunasan yung damit nya.
"Wala lang wala kasi akong kausap ayoko naman tawagan yung isa baka tangayin lang ako ng hangin dun.hehehe" he said and do a peace sign.
"Ahmm sir mukhang hindi matatanggal ng ganyan yan. Pwede ko naman po labhan. And patuyuin yan ngayon. Kung ayos lang po sa inyo mag jacket nalang po muna kayo." Nahihiyang komento ko.
"Hays . Sige hindi naman pwedeng malagkit ako. Wait." At ang loko nag hubad sa harap ko kaya naman nabigla ako at hindi maka galaw. Feeling ko tuloy tumulo yung laway ko sa hot ng katawan nya.😮😮
BINABASA MO ANG
the one
Teen FictionSimple naman ang buhay na gusto ko habang nag aaral ako.. Ang mag-aral tapos sideline sa coffee shop at umuwi ng bahay para matulog.. Pero dahil sa isang maling desisyon.. Nagulo ang tahimik na college life ko . "Every action deserves a consulation...