chapter 2

42 3 0
                                    


Tamara's POV

annyeong haseyo!! hahaha  ako nga pala si Tamara Espinosa.
bff ni Cleo since elementary.. walang nililihim sa bawat isa at parehas kaming maganda hahaha. Ohh wag na kayong umangal pa.

Nalaman ko pala kahapon sa Fb status ni bff na lilipat na sya sa ibang university after our graduation and sure na daw yun. So as the only girl of the family. Kinausap ko agad sila mom and thanks God good mood sila kaya nag agree sila at papaayos na nila mga papers ko agad agad. Yes! Hindi pa din kami maghihiwalay ni bff! Amg saya!

Problema ko lang si Keith hindi pa kasi sya pumapasok since last week ano na kaya nangyari dun. Paano ko masasabi na lilipat na kami ni Cleo kung hindi sya nag oopen nang Fb nya at twitter hindi ko din macontact phone nya. Ayoko naman na mag leave lang ng message sa mga account nya baka magulat yun at malungkot lalo dahil mukhang may problema sya . Baka mas maging malaking problema to pag nagkataon.

"Miss Espinosa!"
"Miss Espinosa!" Ano ba yan nag momoment ako may tawag ng tawag sa maganda kong apelyedo.

"A-aray!" Sigaw ko ng tamaan ako ng matigas na bagay kaya naman  yumuko ako at saka ko nakitang chalk pala yun kaya ako napatingin sa harap. Habang nag tatawanan mga classmates ko.

" If you want to  have a wonderful day dream miss Espinosa you may go now! Ang school na to ay ginawa para mag aral at may matutunan kayo at hindi mag pantasya sa kung anu anong bagay!"
Sigaw ni maam na nagpatahimik naman sa klase dahil takot na mapag initan.

Ewan ko ba kung bakit lagi akong pinupunterya ng teacher na to. Yamot akong yumuko at nag sorry. Ala korean dahil nahahawa na ko sa mga napapanood ko. Heheheh.

"Sa sususnod na mahuli ulit kitang nakatunganga dyan at nakatingin sa bintana. Palalabasin na kita at mabibigyan ng letter para ipatawag parents mo. Naintindihan mo?" Sermon ni ma'am.

"Ye." Sabi ko.

Sa swerte ko naman ay nag bell na kaya naman lumayas na si ma'am.

"Hoy!ano nanaman bang iniisip mo at nahuli ka nanaman ni ma'am ?alam mo naman mainit dugo sayo nun talagang inuulit ulit mo pa sa time nya." Sermon ni bff ng umalis na si ma'am sa harap.

" si Keith kasi inaalala ko ilang araw ng wala. Paano natin masasabing lilipat na tayo next school year." Malungkot kong sabi.

"Ano ka ba madali lang yan. Puntahan natin sya. Mamayang uwian tutal rest day ko ngayon sa cafe." Masayang sabi ni Cleo.

"Talaga sige sige! The best ka talaga. Pahinga mo nalang ilalaan mo pa kay keith.!" Masayang sabi ko. Bait talaga ng bff ko!

"Syempre nu!nag aalala din ako sa kanya.tara kain na tayo.gutom na ko eh." Pag anyaya nya.

"Sige dahil sa himala at nagutom ka. Libre kita!" Sabi ko kaya naman hinila ko na sya sa canteen at bumili ng pagkain.

Hindi naman kami nahirapan dahil sa mabait tong si bff madami nag papauna sa kanyang pumila ayaw pa sana nya kaso syempre andito ako so grab the opportunity! Hahaha.

After we buy our food umupo kami sa gilid para less attraction. Masyado kasi kaming famous harhar.

(A/N:hangin grabe.!)

Wag kang ano dyan author. Hmmp.
So back to the story famous nga kami ni bff at keith sa totoo lang.
Si Cleo bilang matulungin at Campus Genius   sobrang talino kasi at sipag mag aral.
Si Keith the  Campus Princess. Dahil sa simple pero angat ang ganda at mabait din.
And last but not the least.
Ako as the Campus Kikay dahil nga sa mayaman ang pamilya namin lahat ng bagong uso ako ang nag papatrend dito sa campus at lahat ng chaka gumagaya.hahaha.

So habang nakain kami madaming nagbubulungan/nag chichikahan about some group of boys daw na sikat sa ibang university. Dahil daw sa sobrang yayaman, kundi dahil sa mga gwapo pa.

"Wait lang bff ahh?" Sabi ko kay bff.

"Saan ka punta?" She asked.

"Dito lang makikichika. Hehehe. Babalik din ako agad." Paalam ko sabay punta sa table malapit lang sa amin.

Pag dating ko ay agad na tumingin sakin ang mga babae. Pati ibang mga student were looking at me.

"Excuse me lang ha.pero can I ask? Sino yung group of boys na sinasabi nyo?"

"Ahh yun ba?! Sila yung handsome group. Actually mga fans nila yung nagbansag sa kanila nun dahil sa ang gagwapo nila.!" Kilig na paliwanag ni Sheila

"Really?taga saan naman ang mga yan?" I asked.

"Sila lang naman ang anak ng mga may ari ng KIMRAVAL university." Kinikilig din na sabi ni Meanne.

" Talaga? Gwapo sila.. hmm..ahh sige salamat girls!" I thanked them and winked.

Kinikilig ako sa nalaman ko. Aba! May pag asang maging jowa ko ang isa sa kanila! Sakto tatlo sila tapos tatlo kami mag kakaibigan! Kyaaah! Kaya naman malaki ang ngiti kong bumalik sa table namin.

"So how's your chika with them? At mukhang kinikilig ka?" Bungad na tanong ni bff.

" bilis kumain ah? Hindi ka gutom sa lagay na yan?" Nang uuyam na tanong ko paano mauubos na nya yung spaghetti nya.

" Favorite ko right?and yah mauubos ko na gutom ako eh."she said while smiling. Basta talaga usapang spaghetti gutom sya.

" by the way there were some group na talk of the townthis past few days dahil sa bukod sa anak mayaman eh mga gwapo daw."kinikilig na kwento ko sa taong kain lang ang gawa.

" ah ok." Tipid na sagot nya sabay nguya  ulit.

"Haisst basta usapang ganyan wala ka talaga kwenta bff. Hayst na saan na ba kasi yung si Keith na may kaututang dila man lang ako." Naiinis na sabi ko.

" hey chill ok.. alam mo naman I'm not with that kind of talk. By the way ubusin mo na yang cake mo at malapit na mag time. Iloveyou." She smile and hug my arm.

" tss kung hindi lang kita bff masasabunutan kita eh. Iloveyoutoo."sweet na sabi ko kay bff.basta kasi nag ganito na to wala na inis ko. Minsan lang kasi maging sweet si bff. Lagi kasing seryoso.

Kaya naman kumain na ko bago pa man matapos yung break time at bumalik sa klase.

Our lessons got well. Hindi kasi boring mga after break na subjects namin kaya hinfi na namin napapansin ang oras.

the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon