Chapter 48

17 2 0
                                    

   chariegumangan salamat sa vote ng chapters 1-3.. Godbless po

Tamara's POV

Sumapit ang alas nueve nang dumating si Justin na halos pawis na pawis at namumutla dahil siguro sa hindi pa sya nakakabawi sa iniindang panghihina at sakit ng katawan ay heto sya at sumugod pa talaga dito sa laguna hospital para lang makita si Cleo at makita ng personal ang mga hayop na gumawa nito sa kanya.

"Iho magpahinga ka na muna.. kita mo't namumutla kana! Nagpahinga kana lang sana muna, maari mo namang dalawin ang aming anak pag uwi sa bahay."  Nag aalalang payo ni tito.

"Ayos lang ho ako tito, mas manghihina po ako pag hindi ko nakita si Cleo at malaman ang mismong lagay nya,salamat po sa pag aalala, pero ayos lang po ako." Nakangiti nyang pasasalamat.

Kami naman ni Tart ay naaawa lang sa lagay ng dalwa dahil kahit na mahal nila ang isa't isa ay hindi man lang nila maayos ang relasyon nila dahil sa mga nangyayari sa kanila. Habang nasa kabilang couch naman si Andrew na natutulog dahil hindi na kinaya ang pagod at puyat kaya naman pinainum na nang doctor ng sleeping pills para makabawi ng lakas. Pinayuhan na rin syang kukuhaan ng isang kwarto ngunit tumanggi sya dahil sa mabo-bored lang daw sya at ayos na raw sa kanya ang mahiga nalang sa couch dito sa kwarto ni Cleo.

"Ano ba naman kayong mga bata kayo! Hayss napaka swerte ng anak ko para magkaroon ng mga kaibigang katulad nyo. Maraming salamat sa inyo."

"Kahit naman po sinong magkakaibigan tito ay gagawin din ang mga bagay na ginagawa namin sa isa't isa. Kayo rin po tito ay kailangang magpahinga."  Sabi ni Tart habang nakahawak sa bewang ko.

" ayos lang ako.. mamaya naman ay andito na rin si ate Clarissa nyo  para pumalit sakin."

Lumabas muna kami ni Tart para bumili ng makakain para sa aming lahat dahil siguradong manghihingi agad si Andrew pag kagising nito. Sa ilang linggo kong nakakasama si Andrew ay nalaman ko na ang ugali nito. Ugaling parehas silang magkakaibigan.

"Tart alam mo ba minsan naiinggit ako kay Cleo." Sabi ko kay Tart(Patrick) habang Nakakapit sa braso nya.

"Hah? Bakit naman?" Takang tanong nya sakin.

"Paano andyan lahat para sa kanya may dalawa syang knight in shining  armor na handang magbuwis ng buhay para sa kanya."

"Tart hindi mo naman kailangan ng maraming lalaki na magbubuwis nang buhay para sayo. Ang importante nandito ako para sagipin ka pag nasa tyak na kapahamakan ka. Hwag mo nang hilingin pang may kaagaw ka sakin dahil baka bago ko pa mapatay yung nang kidnap sayo eh mapatay ko muna ang lalaking magiging kaagaw ko. Kaya please don't look for more coz I want to hear from you na ako lang sapat na." Makahulugang sambit nya na may pagkindat pa.

Kinilig naman daw ako sa sinabi nya hehehe .

Hays bakit  kaya ang tao swerte swertihan lang talaga sa mga bagay bagay?

Si Cleo swerte sa mga lalaki dahil halos lahat kaya nyang mabihag nang taglay nyang kasimplehan pero malas naman sa mga nakapalibot sa mga taong yun. Tapos matalino pa. Malas lang sa stado ng buhay.

Ako naman hindi man kasing lakas ng appeal tulad ni bff Cleo  may isang number one love of my life naman ako na same ko ng stado sa buhay kaya hindi komplikado. Malas lang sa biyaya ng katalinuhan  siguro nung nagpasabog ng katalinuhan si papa G. Naka eye mask ako habang si Cleo naman ay nagkakape kaya gising na gising sya ng time na yun kaya nakuha nya halos lahat.

"Tart! uy! Ayos ka lang ba?"

" hah? ..ah oo naman hehehe. Nag day dream lang sandali. Teka saan na nga ba tayo?" Napapakamot batok kong tanong sa kanya.

the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon