TAMARA'S POV
Hi ladies and gentlemen Im back!! Hehehe. Ohh wag na kayo magalit ok. Ako muna pi-POV dahil sa pagiging mahaba ng buhok ng bff ko eh naloloka sya sa mga nangyayari hahaha. So let me tell you may kwento na.
Maaga kaming pumasok ni hon(Patrick) para mag isip ng mga paraan para mawala sa landas ng bestfriend kong si Cleo ang babaitang si Keith at Andrew pero dahil sangkot parin samin ang dalwang yun ay wala rin kaming napag pasyahang dalawa.
Nakakaasar man pero wala pa kaming naiisip na paraan para maging ayos na si Cleo at Justin dahil sa mga taong nakapaligid sa kanila.
Kaya naman nang iwanan ako ni Patrick at saktong nakita ko si Keith ay agad ko itong kinausap.
"Pwede ba tigilan mo na nga si Justin?! Hindi mo ba nakikita na nagmumukha kang cheap sa ginagawa mo?"deretsahang sabi ko sa kanya.
"At sino ka naman para sabihin ang nararapat na gawin ko? Why are you scared that I can make Justin mine so soon?" Sagot nya sakin.
"At sino ka naman para katakutan ko? Isa ka lang naman spoiled brat na gagamitin ang magulang para lang makuha ang gusto mo diba?even Justin?tsss. Sino ang mas takot ngayon? Hindi ba ikaw? Alam mong hindi mo makukuha si Justin kay Cleo kaya lahat ng paraan ginagawa mo. Nakakahiya ka." Sagot ko sa kanya . What did she think of me magpapatali sa isang kagaya nya? Hell no!
"Pwede ba Tamara umalis ka sa harap ko. Pumunta ka sa bestfriend mo at baka naglalandi nanaman yun sa kung sino malay mo boyfriend mo naman isunod nya sige ka." Papanakot nya as if naman kakagat ako sa kanya.
"Duh. I know Cleo a lot. At masasabi kong hindi sya katulad mo! Ok na nga yang naging ganyan ka nakita namin ang tunay mong ugali tss.. poor one.. mayaman nga pero ang mga kaibigan puros plastic lang Hahaha. Mauna na ako baka namiss na ako ng hon ko. Yung boyfriend kong masasabi kong akin at hindi ko inaagaw sa iba!" Sabi ko sa kanya sabay flip ng hair ko bago tumalikod.
Pag dating ko sa Building namin ay agad akong ininterview ng isang member ng gossip page ng campus kaya naman nag paunlak ako para malinis ang pangalan ng bestfriend ko.
Nasa kalahati palang kami ng interview sakin ng may biglang umakbay sakin . Syempre sino pa ba? Hahaha. Syempre ang one and only Hon ko. Hindi ata nakatiis na hindi masulyapan ang beauty ko kaya hinanap din ako."Ohh why you're here akala ko ba galit ka? O baka naman hindi mo na natiis na hindi ako masulyapan kaya hinanap mo agad ako. Ikaw ahh." Lambing ko sa kanya sabay kunwaring kurot sa tagiliran nya.
"Mali ka. Hinahanap ka ni Cleo kaya pinuntahan kita rito isa pa ayan lang ang classroom natin di mo ba nakikita?"seryosong sabi nya sabay turo pa ng classroom namin.
Badtrip!napahiya ako dun ah. Tinawanan pa tuloy ako ng nag iinterview sakin kaya pinanliitan ko ng mata buti nalang tumigil na sya At si Patrick, Ayun siniko ko sa sikmura sabay alis para puntahan si bestfriend.
"Uii.. sorry na niloloko lang naman kita eh." Sabi nya sabay akbay ulit sakin
"Pwes hindi ako natawa sa joke mo!dyan ka na nga!" Asar na sabi ko sabay lapit kay bff na nasa isang sulok.
"Hoy anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko.
"Masakit kasi yung puson ko. Hindi ako makagalaw kaya umupo nalang ako rito."sabi nya na halos pumatak na ang butil butil na pawis sa noo. Kahit na 'di aircon naman kami.
BINABASA MO ANG
the one
Teen FictionSimple naman ang buhay na gusto ko habang nag aaral ako.. Ang mag-aral tapos sideline sa coffee shop at umuwi ng bahay para matulog.. Pero dahil sa isang maling desisyon.. Nagulo ang tahimik na college life ko . "Every action deserves a consulation...