Cleo's POV
Natapos na yung shift ko. Kaya naman nag ayos na ako ng gamit ko. Paglabas ko ng locker room nag paalam na ako kina ate Anne at Sir Byrone.
"Bye po. Happy valentine's day!" Pag bati ko sa dalawang mag asawa.
In early age kinasal na kasi sila. 19 palang sila ng kinasal and now 23 na sila and nag mamanage na ng sarili nilang business.
"Bye, Ingat ka pag uwi. Wala pa ba yung dalawa mong kaibigan?"kuya Byrone asked.
"wala pa Kuya nag enjoy ata sa pag sa shopping,pero on the way naman na daw po kaya intayin ko nalang sa labas.." Naka ngiting sagot ko.
"Ganun ba? Sige ingat ka." Paalam sakin ni ate Anne.
"Salamat po." Nag lakad na ako palabas ng Cafe.
Pagdating ko sa labas eh nakita kong nakaupo sa may malaking bato si mr. Pogi. Mukhang hindi pa din nadating girlfriend nya, kawawang nilalang.
nagmumuni muni ako kay Sir Pogi ng nag vibrate yung phone ko. Bawal kasi yung hindi naka silent sa work
Pag tingin ko si Keith yung natawag.
" Cleo-ssi annyeong! Hahaha. On the way na kami pero baka matagalan ng konti ang traffic kasi." Keith said with her kikay accent.
"Sige ok lang. Kayo naman kasi sabi ko kahit hindi nyo na ko daanan eh."sabi ko
" no no no! Hindi pwedeng wala tayong date tatlo. Aba tayo nalang nga magkakadate hindi pa makokompleto. Basta wait us there ok? Byee!" Sabay end of call .
"Bastos hindi man lang ako pinag salita," atungal ko, Pasaway talaga yung dalawa sa halip na pauwi na ko need pa tuloy umalis.
Nag aantay ako sa dalawa ng biglang may kumalabit sakin.
Nakita ko si tukmol na namumula ang mata.
" hi Cleo!" He said with his maniac tone.
"He-hello." Natatakot na sagot ko.
"Can someone save me? Girls nasan na kayo. " tanong ko sa utak ko.
"Tara sumama ka sakin idedate kita." Sabay hila nya sakin. Sisigaw sana ako ng tutukan nya ko ng kutsilyo.
ni hindi ako naka pag salita sa takot at panginginig ng katawan ko. Naiiyak na din ako sa kaba.
" wag ka ng pumalag, Baka tumarak sayo to sige ka." He used his maniac tone again. Sabay tingin sakin ng parang hinuhubaran.
hinihila nya ko sa way kung na saan si Mr. Pogi.
"Tumingin ka pls. Tulungan mo ko." Sabi ko na wari ba ay maririnig nya. Pero hindi sya nag angat ng tingin dahil sa naka titig pa din sya sa phone nya.
" please bi-bitawan mo ko. Ayokong sumama sayo!" Nanginginig na pag mamakaawa ko.
" sorry my dear pero matagal na akong natatakam sayo pero ni hindi mo man lang ako pinapansin,sagad na ang pag iintay ko." Galit na sabi nya pero nandun parin yung tono ng pagiging maniac nya.
" bakit ba kasi ako pa napili mo. Si-sinabi ko naman sayong ayoko sayo hindi kita pinaasa kaya bakit umabot sa ganito, bi-bitawan mo ko." Umiiyak na ko sa takot.
"No way! " Sabi nya sabay hila ulit sakin. This time sa may front blouse nya ko hinila dahilan para matanggal yung hanggang sa dalawang butones ng damit ko. Tiningnan nya ko ng nakaka maniac at nilabas ang dila nya.
Agad kong tinakpan yung damit ko gamit yung isang braso ko.
Naglakad ulit sya kaya natangay nanaman ako. pero napatigil sya sa pag lalakad ng huminto ako.
May humawak kasi sa balikat ko. Lalo akong nanginig dahil baka kasama nya rin to.
Lumingon sya at nagtanong kung sino ang lalaki, Sa pag tataka ko ay lumingon na din ako, Kahit na tulo ng tulo ang mga luha ko.
"I-ikaw?" Nauutal kong tanong.
" sino ka?! Pwede ba wag kang maki alam. Away namin ng girl friend ko to." Agad akong natakot ng diinan nya yung kutsilyo sa tagiliran ko.
"A-aray!" Sigaw ni Ulyses ng ikutin ni Mr.pogi yung braso nya kung saan hawak nya yung kutsilyo.
"Meron bang boy friend na tutukan yung mahal nya ng ganitong kapanganib na bagay?" Lalo nyang pinihit yung braso ni tukmol dahilan para mabitawan nya yung patalim pati na rin ako.
Napaupo ako dahil sa takot at panginginig ng tuhod ko.
"Boyfriend mo ba to?" Tanong nya sakin.
Isang mabilis na iling ang ginawa ko.
"Hindi ka naman pala boyfriend. Di mo ba alam pwede kang makulong! Etong bagay sayo!" Sinuntok nya sa panga si Tukmol dahilan para makatulog to.
Agad syang tumawag ng pulis at sinabi kung nasaang lugar kami.
"Sa-salamat" napiyok na sabi ko.
"Eto suotin mo." Paglapit nya sakin para suotin yung jacket nya. Agad ko syang niyakap dahil sa takot na naramdaman ko kanina.
He patted my back and said."you are safe now." That made me cry more.
Nahinto lang sya sa pag pat ng likod ko ng may nag salita.
"Akala ko ba malulungkot ka pag hindi kita sinipot. Eh mukhang masaya ka pa nga ata eh". A classy girl said. Hindi ko makita ang mukha nya dahil sa nakatalikod ako .
"Be-bethany. I can expalin.wait!" Sigaw nya sabay habol sa babae.
Lumingon ako sa kanilang dalawa at nakita kong sinampal nung babae si Mr. Pogi at umalis.
Sakto namang dating nang dalawa kong kaibigan. Kaya naman nawala yung focus ko kay mr. Pogi nakita ko nalang na sumakay sya ng big bike nya..
"Hey! Anong nangyari sayo?" Gulat na tanong ni Keith.
"Bakit andito at tulog tong si Tukmol." Takang tanong ni Tamara.
Bumalik nanaman ang takot ko.
"Tinutukan nya ko ng kutsilyo at hinila para sumama sa kanya. May tumulong sakin kanina" I explained. Kaya tumakbo agad si Tamara papunta sa shop.
"Wait tatawag ako ng pulis.!" Keith said.
Pero hindi pa nya nadadial dumating na ang mga pulis pati narin sila Tamara kasama si Ate anne at Kuya Byrone.
Pinusasan si Tukmol kahit tulog pa. At hinigian ako ng statement. Kahit na umiiyak at nanginginig sinabi ko yung pangyayari. Tinanong nila kung kilala ko daw ba yung tumulong sakin sabi ko hindi. Umalis na rin ito dahil sa emergency.
Pina banned na nila kuya at ate Anne si Tukmol sa shop at sinabihan akong magsampa ng kaso. Umalis na pag katapos ang mga pulis kasama si Tukmol na hanggang ngayon ay tulog pa.
Niyakap ako ni Ate anne. At dinala pabalik sa shop. Pinakalma muna nila ako at pinainum ng tubig.
Hindi na din natuloy yung date naming tatlo mag kakaibigan at hinatid nalang nila ako pauwi. Sinabi na rin nila kay mama ang nangyari kaya naman nag alala agad si mama.
Agad akong nag pahinga sa kwarto at natulog ng hindi man lang nakakain.
Dahil sa sobrang dami ng nangyari ngayong araw.
Makikita pa kaya kita ulit para makapag pasalamat ng maayos? Ano kayang nangyari sa pag uusap nyo ng gf mo?
BINABASA MO ANG
the one
Teen FictionSimple naman ang buhay na gusto ko habang nag aaral ako.. Ang mag-aral tapos sideline sa coffee shop at umuwi ng bahay para matulog.. Pero dahil sa isang maling desisyon.. Nagulo ang tahimik na college life ko . "Every action deserves a consulation...
