Chapter 23

23 2 0
                                        

            shinnshai21 and AndreaVilleza salamat po sa pag follow sana po mabasa nyo ang mga stories ko..Godbless you.

Cleo's POV
This is the first day of my life as a college student at baka maging first day mas maging mahirap pa kami sa daga.

Sana may isang anghel na bumaba sa langit ang magbigay biyaya samin para maayos ang lahat ng ito.

"Lord, naging mabait naman po ako sa inyo hindi po ba? Wala naman po akong nilokong tao o sinaktan. Kaya bakit po ganto ang problema naming kinahaharap?help us oh lord para po hindi ko na makitang malungkot sila mama. Kung ano man po ang magiging kapalit ng tulong nya ay tatanggapin ko maraming salamat po.Amen".

Dasal ko sabay mulat ng mata.  Nagligpit na ako ng hinigaan ko para makapag hilamos at makapag ayos para sa pag pasok.

"Cleo..Cleo.. gising na.."katok ni ate sa kwarto ko. Hindi ko naman masagot agad dahil sa nagsispilyo ako.

Tinapos ko muna ang pagsisipilyo at pag punas ng mukha ko bago lumabas ng kwarto at bumaba sana para mag almusal sa kusina nang salubungin ako ni ate.

"Hay salamat nagising kana. Akala ko wawasakin ko pa ang pinto eh. May bisita ka. Sige mauuna na ako." Sabi ni ate.

"Sino po?" Tanong ko. Yes may "po" mahirap ng masabunutan ng maagang maaga hehehe saka goodvibes sya eh.

"Ay..nakalimutan ko yung name. Puntahan mo nalang sa baba. May kukunin pa kasi akong book na nakalimutan ko. Bilisan mo at nakakahiya." Palo nya sa balikat ko sabay pasok sa kwarto nya.

Galing talaga nun umiwas sa ganti. Yari sakin mamaya yun pag labas nya. Pero teka sino daw yung bisita ko? Kung si Tammy dapat kilala nya. Hmm makababa nalang nga.

"A..ahh. aray ko."sabi ko ng madulas ako sa hagdan buti nalang at nakakapit ako agad kaya isang baitang lang ang nalaglagan ko.

"Ayos ka lang ba iha?" Tanong ni Mrs. Kim.

"A..ayos lang po. Magandang umaga po lo..este Mrs.kim. ano po ang atin."sabi ko ng makarating sa baba.

(Ang sakit ng pwet ko promise isang baitang lang yun pero dausdos ako.huhuhu)

"Maupo po kayo, ano po ang gusto nyo? Juice ,coffee o milk po?" Tanong ko. Naalala ko na noong nakaraan puros kape lang ang binbigay ko sa kanya nakakahiyang alalahanin.

"Ayos lang iha. Ikaw ang sadya ko kaya ako naparito."sabi nya sabay upo.

"Tungkol po saan.?" Tanong ko.

" Diba may nahingi ako sayong pabor nung nakaraan napag isipan mo na ba? Isa pa narinig kong may malaking problemang ikinakaharap ang pamilya mo ngayon." Deretsahang sabi nya.

"Napag isipan ko na po maam. Gustuhin ko man po pumayag pero na kay Justin po ang desisyon na yun. Hindi ho ako magiging fake girlfriend nya kung hindi nya naman na po ako kakailanganin baka nga po sa oras na to may girlfriend na sya. About naman po sa family ko. Makakaya naman po namin malagpasan to. Nang galing naman po kami sa wala. Makakaya po namin to." Sagot ko.

"You know what that pride is one of my criteria of a preson I want to be with. Don't worry about sa family mo. Ako na ang bahalang tumulong.all you need to do is to be Justin's girl kung kinakailangan para na rin makaiwas sa mga babaeng pera lang ang habol sa kanya." Litanya nya.

"Hindi po ba pera din ang magiging habol ko kay Justin pag tinanggap ko ang alok nyo?" Tanong ko.

"Iba naman ang sayo Cleo ako ang nakiusap sayo at nangulit,sige na iha for my Grandson's sake." Pakiusap nyang muli.

the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon