Simple naman ang buhay na gusto ko habang nag aaral ako..
Ang mag-aral tapos sideline sa coffee shop at umuwi ng bahay para matulog..
Pero dahil sa isang maling desisyon..
Nagulo ang tahimik na college life ko .
"Every action deserves a consulation...
Hindi ko alam kung lapitin lang ba ako ng disgrasya ngayong taon na tao. Mula nang mag end of school year ko nung high school hanggang ngayong second sem ng College puro nalang nakadikit sa pangalan ko ay gulo at chismis. Di nga ako nag aartista dahil ayuko ng mga matang nakatingin sakin tapos heto at daig ko pa ang artista kung pagkaguluhan araw araw.
Kung ilalagay nga ako sa twitter mukhang mag te-trend pa. Haist! buti nalang at wala na si ate sa school kung hindi kawawa ako sa sermon nun dahil sa kasikatan ko bakit? Paano ko nasabi? Heto at nag umpukan nanaman ang mga tao sa campus.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
May dalawang pasaway nanaman kasing nagkita sa gitna nang daan kaya para nanamang may negative at positive charge na magkakasalubong kaya may mag aattract ang mga masasamang vibes nila magiging dahilan ng kidlat sa paligid.
Nang malapit na ako ay bigla naman nilang tinawag ang pangalan ko. Na nakapag pahinto sakin.
Hindi naman ako maganda at alam na alam ko yun ,kaya bakit ganito nalang nila ako pahirapang dalawa . Ok sana kung walang mga babaeng magagalit sakin eh.
Buti nalang at umiksena si Keith . Siguro kung ayos kami mayayakap ko sya sa tulong nya eh.
"Justin Let's go we need to go to the office para sa party na kailangan nating puntahan." Sabi nya kay Justin na ikinatawa naman ni Andrew.
"See ang galing mo lang mag sabi na tigilan ko si Cleo pero may ibang karelasyon ka naman pala. So sino ang mas hindi bagay kay Cleo nyan? Ako na walang sabit o ikaw na pinagsasabay sila?" Tanong ni Adrew na may pagpalakpak pa.
"You don't know anything mag saya ka ngayon Andrew dahil after these hindi mo na malalapitan si Cleo." Seryosong sabi naman ni Justin.
"Hahaha I'm scared. Yun ay kung babalik pa sya sayo. Look hindi pa kayo legally hiwalay dalwa pero iba na ang laging sinasamahan mo?" Sagot naman ni Andrew.
Hinila nalang ni Keith si Justin palayo at walang sinabi . Sadyang tinitigan lang nya ako at si Andrew na parang papatay lang sya ng tao.
Lumapit sakin si Andrew para batiin ako ng good morning pero nilagpasan ko lang sya, Pero ang kamalasan may babaeng tumatakbo at natapunan ang uniform ko.
Agad syang sinigawan ni Andrew kabaliktaran ng pag tulong ko sa kanya.
The girl apologize so much at nagmakaawang h'wag ko daw syang ipa tanggal sa university na ipinagtaka ko. Sinabihan ko nalang sa kanya na hindi mangyayari yun kaya naman sobrang pagpapasalamat ang ginawa nya.
Nag punta muna ako sa likod para ipag pag ang uniform ko na natapunan na may mga sago pang dumikit.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.