Chapter 51

20 2 0
                                    

Cleo's POV

Maaga akong sinundo ni Tamara sa apartment para sabay kaming pumasok sa school. Ginamit nya ang new car na binigay sa kanya ng mommy nya at ang bagong sasakyan na regalo naman sakin ni Lola.

"Ready na bes?" tanong nya sakin.

"hmmm.." sagot ko.

" So ano pang hinihintay natin tara na!" sigaw nya saka pumasok sa bago nyang sasakyan at ganun rin ako. Halos nauuna syang magmaneho dahil sa ayoko namang iblock naming dalwa ang daanan hindi pa naman ako ganun ka tapang sa mga violation para sumabay sa agos sa main road. Yung sinabi ko sa kanya kahapon pananakot ko lang yun.

Mabilis kaming nakarating sa school. Dahil sa hindi ganun ka traffic ng umagang yun pero dahil sa lunes ngayon ay marami na agad mga taong andito sa campus. Halos pag tinginan pa ang sasakyan namin ng mga tao dahil sa parang magkapatid ang dumating. Na may magkaiba lang na  kulay at disenyo.

Kring...kring...

"bakit?"  tanong ko sa kanya.

"are you ready?" tanong ni Tamara.

"kanina  mo pa tinatanong ng tinatanong yan." sagot ko.

"syempre iba na ngayon dahil ibang Cleo na ang ipapakita mo sa lahat.. At makakaharap mo na si Justin at Keith ngayon." paliwanag nya.

"tss ok na self confidence ko utang na loob Tamara tigilan mo na ako. " sagot ko. At tiningnan si Tamara na nasa labas na ng sasakyan ko at patawa tawa.

Bigla naman nanlamig ang mga kamay ko.
"kaya mo to Cleo. Wala ka pang nauumpisahan"
Huminga ako ng malalim bago lumabas ng sasakyan.

"tss tagal lumabas ng prinsesa ng banyera grabe.." may pag irap pang ginawa.

" tsss.  Arte kahit kailan." pag gaya ko sa tono ng boses nya at may pag irap din.

"hahaha aba! Umaasenso pati ugali mo bes! Hahaha ayos yan." natawa kaming dalawa dahil sa kalokoha namin pero agad din aong nahinto ng makita ko si Keith na masama ang tingin sakin kasama nyang new called friend nya.

"pakita mo bes ang Cleo na hindi na pwedeng maliitin at sabihing poorita nang mga yan,Tara na." bulong sakin ni Tamara at naglakad na pauna pero huminto din para antayin ako.

Taas noo akong naglakad at rinig ko ang mga bulung bulungan ng kapwa ko estudyante na rinig naman ng ibang tao.

"si Cleo na ba yan? Grabe ang ganda pala nya pag nag ayos no?" puna ng isang babae.

"oo nga eh grabe hindi ko akalain na mas sosyal pa syang tingnan kesa sa iba dito pag nag ayos sya ng ganyan at ang ganda pa ng hubog ng katawan. Nahiya tuloy ako sa hitsura ko girl! Makapag pa salon nga mamaya." may mababang self esteem naman ng isa.

"Saka look she looks so beautiful dahil kahit naka make up lang sya ng simple lumalabas ang tunay nyang ganda.  At take note nalaman kong sya pala ay Apo ng isa sa business tycoon dito sa bansa at mas minabuti nilang mag iina na magpaka simple kahit na mas malaki  ang angat ng buhay sa lahat.

"oo nga now let see how that Keith will manage this new chapter of Cleo's life  lalo na at dati pala silang bestfriend pero nagalit si Keith ng malaman nyang si Cleo ang girlfriend ni Cutie Justin."  puna pa ng isa.

"Uy wag kang maingay! Andyan si Keith" pigil ng isa.

"the hell I care eh napaka feelingera naman nyan sa ugali palang nyan hinding hindi na magugustuhan ng kahit sino yan."

"hahaha oo nga tara na ." at umalis na ang barkada ng mga babae.

"see besy madami ka ng fans ngayon keep up the good work." may pag tap pang gawa si Tamara sakin.

the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon