imLavi05 , tineprincesschinita
janalyssa121905
thanks sa pag follow guys..hope you will read this story.. salamat..😇😇😇
♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
Cleo's POV
Malapit na ang pasukan kaya naman nag start na akong magligpit ng mga dadalhin ko sa paglipat ko mamaya.
"Anak ayos na ba ang lahat?"tanong ni mama.
"Yes ma."sabi ko sabay sara ng maleta.
"Sige tara na at ihahatid na kita. Hindi kasi makakauwi si ate mo dahil may ojt sya." Sabi ni mama.
"Ako nalang po ma. Diba po malapit na yung oras ng inaabangan nyong palabas." Sabi ko.
"Oo nga pala.. pero ayos lang.. "sabi ni mama.
"Hwag na ma. Alam ko naman na panu pumunta dun eh. Kaya dito nalang po kayo." Sabi ko kay mama.
" pero anak." Sabi ni mama na alam kong nagaalala.
"Ma ayos lang po ako promise. Mag enjoy nalang po kayo ng legend of the blue sea na inaabangan nyo. Sasaglit lang naman po ako dun. After ko dnu uuwi ako agad."sabi ko sabay ngiti to assure her.
"Hayst dalaga na talaga ang bunso ko."she said then kiss my forehead.
"Pag andun kana always close the door pag wala kang kasama ah.then wag mong pabayaan ang sarili mo." Paalala nya.
" opo ma. Sige ma mag aabang na po ako ng taxi sa baba." Sabi ko sabay labas ng bahay.
Nang may makita na akong taxi na maaring arkilahin ay nilabas ko na ang mga gamit ko na dadalhin sa apartment ni Ate.
Nag paalam na ako kay mama para makabalik na agad. Next week pa naman kasi ang lipat ko sa apartment ni ate. Dinadala ko lang yung mga gagamitin ko para hindi haggard dahil next next week narin ang pasukan need ko pang mamili ng mga gagamitin at pupunta pa ako sa aapplyan kong bagong trabaho.
Nang makarating na kami sa tapat ng apartment ay nagbayad na ako kay kuya driver at nagpatulong na mag baba ng mga gamit para mapasok ko na sa loob.
Pag pasok ko sa loob ay laking gulat ko sa gulo ng bahay!!sobrang kalat!!
Pinicturan ko ang apartment kung gaano kagulo para ipakita mamaya kay mama.
Nag umpisa na akong maglinis ng bahay bago ko ayusin ang mga gamit ko sa kwartong pag iistay-an ko.
Inabot ata ako ng dalwang oras bago matapos. Kaya naman naisipan kong itext na muna si mama para hindi sya mag alala.
Naisipan ko na ring maglakad lakad at naawa naman ako sa matandang babae na nakaupo sa isang gilid na naiyak.
"Nanay heto po tinapay." Sabi ko kay nanay sabay tabi sa kanya.
"Salamat anak.. "sabi nya.
"Bakit ho kayo nandirito? Na saan ho ang mga kamag anak nyo?" Tanong ko.
" Nasa ibang bansa ang mga anak ko. Habang ang apo ko naman ay hindi ko alam kung na saan."kwento nya
"Hindi po ba sila nag aalala para hindi ka hanapin."tanong ko.
" nagalit kasi ang apo ko sa mga magulang nya ng pinag hiwalay sila ng kasintahan nya kaya nagrebelde. At sabi nya babalik lang sya sa amin pag naka hanap ako ng babaeng pwede nyang mapakita sa mga magulang nya para naman hindi na sya guluhin ng mga ito." Naiiyak nyang sabi. Kaya naman binigay ko sakanya ang panyo ko para magamit nya.
"Iha salamat at napaka buti mo."sabi nya.
"Hindi naman ho lola .. la bakit ho kailangan pang pag hiwalayin ng mga anak nyo ang apo nyo sa kasintahan nya?hindi po ba dapat hayaan nila kung saan magiging masaya ang apo nyo?" Tanong ko.
"Hindi kasi nila gusto ang babaeng iyon iha. Kahit ako man ay hindi gusto ang kasintahan nya, Dahil masama ang ugali nito. Kaya naman ayaw nila Kung sana lang ay makakahanap ako ng babaeng maipapakilala ko sa apo ko para may makilala syang bago at makalimutan ang babaeng yun na nanloko sa kanya. Magiging masaya na ang apo ko. At mamayapa akong masaya." Sabi ni lola na muling umiyak.
"Naku lola wag naman po kayong magsabi ng ganyan.. kinikilabutan po ako sa inyo eh. "Sabi ko.
"Totoo naman iyon anak. Ang isang matanda ng katulad ko .. ang tanging hiling lang ay mapasaya ang maiiwan kong mga pamilya. Pero mahirap atang mangyari yun. Kawawa naman ang apo ko."sabi ni lola sabay labas ng sira sira nyang wallet at pakita sa picture ng apo nya.
Ang problema lang ay blurd ang sa mukhang bahagi dahil siguro sa nabasa.
Pero ang katawan ay makikita mong maputi at matangkad.
Nakakapag taka lang at kailangan nya pang mag stay sa iisang tao lang.
"Apo.. pwede bang lubusin ko na ang kabutihan mo?"tanong ni lola.
"Ano po yun lola.?" Tanong ko.
"Hindi ko alam kung magtatagal pa ako. Pwede bang puntahan mo ang lugar na eto? Andito ang apo ko. Birthday nya na kasi sa darating na sabado at gusto ko sanang kasama ka sa birthday nya. Para hindi nya ako paalisin. Sobrang miss ko na kasi ang apo kong yun." Sabi nya.
"Sige lola.. pero paano ko ho kayo makikita muli?malapit lang po ba kayo dito?" Sabi ko sabay tingin sa paligid.
"Malayo iha. Itext mo nalang ako o tawagan sa number na to. Eto yung number ng mabait na nag aalaga sakin sa ngayon. Sabihan mo ako pag pupunta ka na. At ipapasundo kita sa kanila para naman may kasabay ako." Sabi nya
" sige ho lola." Sabi ko. Nagtataka ako kasi si lola ay medyo madungis pero ang kuko nya ay naka cutics pa. Tapos ipapasundo nya pa ako sa nag aalaga sakanya? Parang ang hirap intindihin.. di kaya scam to?
"Iha sa tingin mong yan alam kong nagdududa ka. Wag kang mag alala hindi kita ipapahamak. "Sabi pa nya.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman nag excuse muna ako kay lola at kinausap si mama. Tumalikod ako para hindi naman nakaka bastos sa paningin ng matanda.
May pumaradang sasakyan sa gilid ko kaya naman lumayo ako ng kaunti.pero nag paalam muna ako kay lola na kakausapin ko lang ang mama ko.
Nang matapos ko ng masagot ang tawag ay bumalik na ako sa pwesto ni nanay pero laking pagtataka ko ng wala na sya.
"Na saan na yun?" Tinignan ko ang papel na binigay ni lola at tinago sa bag ko.
Bumalik ako sa apartment para tingnan kung andun na si ate at mag paalam. Nang maka pag paalam ako ay umuwi na ako sa bahay para maka pag pahinga.
BINABASA MO ANG
the one
Teen FictionSimple naman ang buhay na gusto ko habang nag aaral ako.. Ang mag-aral tapos sideline sa coffee shop at umuwi ng bahay para matulog.. Pero dahil sa isang maling desisyon.. Nagulo ang tahimik na college life ko . "Every action deserves a consulation...
