Cleo's POV
matapos naming magswimming at mapagod ay bumalik na kami sa cottage kung asan ang matatanda.
muling nagsipag kainan ang lahat at masayang nagkukwentuhan.
Ang sarap pag masdan ang mga ngiti nila sa labi at nagniningning nilang mga mata. parang walang banta saming mga buhay at pamilya na para bang walang nagmamatyag sa bawat galaw naming lahat.
ang sarap tingnan ang ngiti nyang matagal tagal ko nang hindi nakikita , ngiting malalaman mong totoo at hindi pakitang tao lang.
" baka naman matunaw ang bestfriend ko." simpleng bulong ni Patrick ng humarap sya sakin habang nakuha ng pakwan.
" wag kang maingay baka mailang." natatawang buyo ni Andrew.
" tigilan nyo ako." naka simangot kong sagot sa asar nila saka kumuha ng mangga at kaunting bagoong na nilagay ko sa dahon ng saging para gawing pamalit sa platito at inipit sa braso ko ang isang mineral water kung sakali na mauhaw ako.
narinig ko pang sinusungitan sila ni Tamara sa ginawa nilang pang aasar sakin.
" anak saan ang punta mo?!" sigaw ni Mama.
" magpapatunaw lang po ng kinain." sigaw ko pabalik at patalikod na kumaway sa kanila para magpaalam.
sarap na sarap ako sa mangga at bagoong na kinakain ko habang naglalakad at tumitingin sa mga coral reefs na makikita mo kahit na sa dalampasigan ka lang dahil sa linaw ng tubig.
Ni hindi ko naalintana na malayo layo na din pala ang nalakad ko sasobrang mangha at pag kaaliw sa tanawin, nung mapagod ako ay umupo ako paharap sa isang puting bato at patuloy na pinagmamasdan ang ganda ng mahinang paghampas ng alon at langhapin ang sariwa ngunit malamig na simoy ng hangin.
" bakit naglakad nang ganito kalayo?" alam ko kung kaninong boses yun.
boses na lagi kong kinasasabikang tawagin ang pangalan ko.
" trip ko lang, bakit andito ka?" tanong ko na hindi lumilingon sa kanya.
"pinasundan ka nila sakin at baka mapaano ka. hindi ka maaring makampanti kahit na sabihin pang nasa Private Resort ka." paliwanag nya
" ok." tanging sagot ko.
hindi ko na nais na marinig muli na magsalita sya at baka ano pa ang masabi at magawa ko, kung kanina ay masaya ako sa tanawin ngayon ay para bang gusto ko nalang isumpa ang lahat. yung palagiang ngiti ko pag nalalanghap ang sariwa at malamig na hangin ay bumaliktad na. para bang hindi ako makahinga at may nabara na sa aking lalamunan.
" kamusta ka." pagputol nya sa katahimikan.
" ayos naman ako, wala namang nagbago." payak na sagot ko.
" kayo ni Andrew kamusta?" tanong nya muli.
" kung anong nasa isip mo yun nalang ang sagot ko, sawa naman akong magkwento o magpaliwanag ng paulit ulit." sagot ko at pumikit para makahinga ng malalim.
hindi ko naman namalayan na naglakad na pala sya papunta sa harap ko.
" anong! anong ginagawa mo!" gulat na sabi ko kasabay ng pagusog ko.
" wala naman akong ginagawa." naka simangot nyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko.
bawat galaw ng mata nya na tumitingin sa dalawang mata ko ay sya ding sinusundan ko sa lapit nya.
" napaka ganda talaga ng mata mo kahit kailan Cleo, matang hindi kayang magpanggap."na lalo pang lumapit.
" ano ba lumayo ka nga!" tinulak ko sya saka bumaba sa bato pero maling desisyon ang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
the one
Teen FictionSimple naman ang buhay na gusto ko habang nag aaral ako.. Ang mag-aral tapos sideline sa coffee shop at umuwi ng bahay para matulog.. Pero dahil sa isang maling desisyon.. Nagulo ang tahimik na college life ko . "Every action deserves a consulation...