Simple naman ang buhay na gusto ko habang nag aaral ako..
Ang mag-aral tapos sideline sa coffee shop at umuwi ng bahay para matulog..
Pero dahil sa isang maling desisyon..
Nagulo ang tahimik na college life ko .
"Every action deserves a consulation...
ngayon ko lang nalaman ang ginawa ni Keith kay Cleo last day dahil sa may isang estudyanteng nag sumbong sakin.
Nakakaasar dahil wala man lang sinabi sakin ang mag jowang sila Patrick. Para saan pa at pinakiusapan ko silang sabihin sakin lahat ng nangyayari kay Cleo kung hindi rin naman pala nila sasabihin?
Isa pa tong si Keith na ang sakit sa ulo, alam naman nya kung sino ang mahal ko at ginagawa ko lang tong pag sunod sunod sa kanya ayon sa usapan namin ni Daddy pero heto sya at umaasa. And in the first place dapat alam nya na kung saan ang lugar nya kung tutuosin mas bagay nga sila Ni Andrew eh parehas panggulo sa pag mamahalan namin ni Cleo!
Haist Sobrang miss ko na sya pero kahit gusto ko wala naman akong magawa para lapitan sya dahil sa may mga inutusan si dad sa school na to para man manan ako. And once na sumuway ako si Cleo ang kawawa. Nalaman ko na nga lang yun after that Clinic insident ni Cleo ng may makita akong sumusunod sakin na estudyante.
Ngayon andito ako sa rooftop dahil sa may hinihintay akong tao.
"Bakit mo ako pina punta rito?"tanong ng babaeng magaling. Nandito na pala sya.
Lumakad ako palapit sa kanya. "Di ba alam mo naman tong usapan namin na to ni dad dahil in the first place ikaw ang may pakana nitong lahat kaya bakit ganyan ka! Bakit pati si Cleo sinasaktan mo!"
Nakita ko ang takot sa mata nya. " b-bakit? Teka paano mong nalaman? Sinumbong ba sayo ni Tamara? Tss kahit kelan napaka daldal nya." Sagot ni Keith sakin na biglang nagbago ang expression ng mukha.
"Walang sinasabi sakin si tamara kung meron sana eh di nakaraan ko pa nalaman! I'm warning you Keith Marie, Isa pang pananakit na gawin mo kay Cleo sinasabi ko sayo kakalimutan kong babae ka! Nakuha mo." sigaw kong muli.
"Tss hindi mo ako matatakot sa paganyan ganyan mo Justin at isa pa tama lang naman yun sa kanya hindi ko naman sya pineklatan para magalit ka ng ganyan. Tss. " lakas loob pa nyang sagot sakin. Iba talaga ang tapang ni Keith sya na ang may mali pero sya pa ang matapang.
"Ano bang meron sa kanya ha! May pera ang pamilya namin malaki ang maitutulong namin sa negosyo nyo! Gusto ako ng dad mo! Gusto ka rin ng parents ko!! so bakit di ko ako magustuhan!? Bakit laging sya! Ano gusto mo ba ng ugali nya? Kaya ko namang magbago tulad ng kanya eh. Basta sakin ka lang! Hindi ka naman nun mahal diba? Iiwan ka lang din nya tulad ng ginawang pang iiwan sayo ni Bethany! So bakit hindi nalang ako amg mahaalin mo!bakit!" Iyak na sigaw ni Kieth sakin, then here she burst out.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"You're not Cleo and you will never be like her so stop this Keith! I just did this because of my father's request para sa scholarship ni Cleo kung hindi nya lang ako binlockmail di sana aabot sa ganito! Ayos na sana kami ng girlfriend ko eh kaso heto kayong mga villain sa story namin!." Hinawakan ko ang braso nya baka sakaling magising sya sa katotohanan.
"And one more thing don't do anything that will harm Cleo kung gusto mong hindi ka mapahiya sa mismong party mo. Dahil pag hindi ka pa tumigil wala kang Justin na makikita sa Party mo tandaan mo yan." Sabi ko sa kanya bago umalis ng rooftop.
I know napaka harsh ng.mga sinabi ko sakanya back there but this all I know para tumigil na sya kasi kahit sya nalang ang nag iisang babae sa mundo tanging si Cleo lang ang gugustuhin ko at wala ng iba.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nakababa na ako ng rooftop ng makita ko naman si Andrew na alam kong syang may pakana nang maling tawag sakin sa office. Alam ko dahil isa ito sa mga gawain nya sa mga estudyanteng pinag titripan nya dati sa school at hindi ko akalain na ganun pa din sya ka childish para gawin sakin yun para lang makausap si Cleo.
Kinausap ko sya pero tinawanan lang ako ng sira ulong lalaki . Sino ba naman daw ako para patigilin sya eh hindi naman na daw kami ni Cleo wala naman akong dapat ipag mayabang dahil ako tong nang iwan at may kasa kasama ng ibang babae .
He doesn't know my situation kung ako nga lang ang papipiliin si Cleo naman talaga ang gusto ko and sya lang naman ang mahal ko eh. Mas napatunayan ko yun these past few days na wala kami.
Para akong baliw na nag iisip kung anong ginagawa nya. Kung ayos ba sya o kung nakakain na ba sya.
Pumunta ako ng classroom namin dahil sa may kukunin ako at pupuntahan ko na rin ang magkasintahan to asked them something. Ang alam ko kasi nasa may org. Sila ngayon na napili nila at dun ko sila pupuntahan.
"Oy!!hi Bossing musta?" Bati sakin ni Patrick.
"Anong problema?bakit ang seryoso mo ata?" Tanong naman ni Tamara.
"Why you didn't tell me about what happened last day? That Keith hurt Cleo!" Asar na sigaw ko. Ang ayoko sa lahat ay yung nasasaktan ang babaeng mahal ko ng hindi ko alam. Tama ng nasaktan ko sya hindi ko na gugustuhing maulit yun.
" a-ano kasi.. sabi ni Cleo na kung pwedeng saming dalwa nalang yun. Actually kahit si Hon hindi alam yun." Takot na sagot ni Tamara sakin. Tiningnan ko si Patrick at mukhang wala nga rin syang alam.
"Haist.. please guys let me know kung may mga ganung nangyayari kay Cleo. Hanggang sa makabalik ako para protektahan ko sya. Na ako mismo ang makakapag bantay sa kanya. Please " pakiusap ko sa dalawa.
Tumango naman sila at ti-nap ni Patrick ang balikat ko sabay ngiti.
"I need to go may text mula sa dad ko. And hindi pwedeng malate. Pakiusap ko hah. Pasuyo nalang ." Sabi ko bago umalis sa harap nilang dalawa.
Konting hintay nalang mahal ko ilang araw nalang.. ako mismo ang magbabantay sayo at gagawin ko ang lahat wag ka lang masaktan muli.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.