Chapter 55

26 2 0
                                    

   @ch3lle09/chelle semblante sorry po kasi di ko kayo mamention , hindi kasi masearch ng wattpad yung name nyo..  Salamat po sa pag add ng mga stories ko sa library nyo..  Godbless po

***********

Cleo's POV
Dumaan pa ang ilang buwan mula ng tuluyan naming paghihiwalay ni Justin.  Nagsimula na rin ang mga exams at projects na nag sabay sabay kaya naman halos naging busy ang lahat.  Nagtuloy tuloy na rin ang pag iwas namin ni Justin sa isa't isa habang si Andrew  naman ay nakausap ko na nang maayos.  hanggang ngayon  ay naghahanap   pa rin kami ng butas sa pamilya Alfonso.

"hayst! Natapos din!  Akala ko habang buhay na ako sa kwartong yun, asar naman kasi bakit kailangan pa ng history sa pag aaral natin eh hindi naman tatanungin ng magiging boss natin in the future ang history na pinag aaralan natin ngayon eh.  Nakakaasar! " inis na bungad samin ni Tamara nang makalabas sya sa room  na pinag examan namin.

Sya kasi ang huling natapos saming lahat dahil sya lang ang hirap na hirap sa subject na yun.  Paano ba naman ay lagi syang tulog sa oras nang klase na yun,  buti na lang nga at hindi sya dina drop ng prof.  Namin dahil sa kalokohan nya.  Kababaeng tao pa naman.

" ayos lang yan Tart,  next sem hindi Mo namam na sya magiging prof eh., "  pag aalo ni Patrick sa kasintahan nya na sya namang ikinailing namin ni Andrew.

Naglalakad na kami papunta sa garden para dun kumain  nang makita namin si Keith na binubully ng mga Senior na taga ibang department.

" ang kapal ng mukha mo!  Bakit kakasa ka na ba!   Ano ka ngayon!  Ipag mamayabang mo din ba samin ang yaman nyo tulad ng sinasabi mo sa mga ka department mo? " sigaw ng isang senior na halata mong may sinabi sa buhay kahit na maton ang pangangatawan.

" tss..  Feeling nya kasi prinsesa sya ng campus dahil sa pinaglapit sakanya dati si Justin,  to think na kahit kaibigan nya tinalo nya.  Masyado kang Inggetera girl!  Pwee. " Dagdag pa ng isa.

" oh ano ngayon?  Kayo rin ba naiinggit kaya kayo nasa harap ko ngayon?" pagtataray pa rin ni Keith dahilan para sipain sya ng isa pang babae na may kapayatan.

Lalapitan ko na sana ng hinarang ni Tamara ang kamay nya saka umiling.

" pero Tamara mabubugbog si Keith!" mahinang sabi ko.

"let's watch muna kung anong gagawin nya Cleo,  sa ngayon manahimik muna tayo dito. " nakangiti nyang sabi na hindi ko alam kung totoo dahil sa iba ang nakikita ko sa mga mata nya. 

Wala akong nagawa kundi ang tingnan at pakinggan ang usapan nila gaya ng ginagawa ng tatlo.

" You're so kapal to think na maiinggit kami sa isang katulad mong walang kaibigan kundi ang mga babaeng binibili mo lang sa pera mo,  not like us na totoong magkakaibigan. Sa bagay..  Bagay ka nga sa mga new circle of friends mo dahil pareho kayong mga plastic.  Hahaha" tawa ng isa .

" Oh ngayon?  Anong connect nun?  Para harangan nyo ako?  Pwede ba umalis nga kayo sa daan! " sigaw ni Keith saka sila hinawi para makadaan pero tinulak lang sya ng mga to.

" di mo pa ba gets?  Na ayaw namin sa isang katulad mo?!  Na dapat sa ganyang mukha eh pinapasabog!  pananakot ng malaki ang katawan na babae. 

" Don't you dare do that kung ayaw nyong mabaon ng buhay! " sigaw ni Keith kahit na halatado sa boses nya ang takot.

Nagtawanan ang mga babaeng kalaban nya at saka sya nilapitan at sinampal.

" Eto ang sasabihin ko sayo makinig ka!  Pag nasa teritoryo ka namin wag kang mayabang!  Look at this!  Don't you know how much this cost?  Hah! " duro nya sa suot nya na may bahid ng mantsa ng kape. 

the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon