Cleo's POV
late na kaming nagising sumunod na umaga dahil sa pagod namin kagabi.
"aah!"nagulat kong balikwas ng may nagpoke sa tagiliran ko.
"morning our Princess!" nakatawang bati ng dalawang bestfriend ko na nakayuko pa.
"morning besties" bati ko saka umupo sa kama.
umupo din sila sa kama ko na kapwesto paikot sa isa't isa."nakakatuwang isipin na parang panaginip lang ang lahat." saad ko.
" ganun din naman kami, buti nalang at ayos na ang lahat." sagot ni tamara.
"no, not yet Tammy nasa gitna palang tayo ng laban para sa pamilya natin. naaligid pa ang mga kaaway." nakasumangot na sabi ni Keith, na ikinatango namin ni Tamara.
"tss.. agaw trip ka talaga Marie kahit kailan!" pagsusungit naman ni Tammy .
knock..knock...
"mam Cleo?." tawag ng kasama namin sabahay sa pinto.
"pasok po"sagot ko.
"magandang umaga po sa inyong tatlo nahihintay na po sila Doña sa baba at sila sir Patrick." pagpapaalala nya.
"sige po baba na po kami magpapalit lang po kami salamat." sagot ko sabay tayo para pumunta ng banyo.
pagkatapos namin mag ayos ay bumaba na kami ng sabay sabay at halos madulas kami sa hagdan dahil sa sobrang clingy ni Tamara samin ni Keith.
pumunta kami kaagad sa Hapag kainan dahil sinabi sa aming doon na dumiretso, naabutan namin silang nagkakape at nainum ng gatas dahil hinahain pa ang ibang ulam pang almusal.
" Wow! namiss ko to!" tuwang tuwang upo ni Tamara dahil sa nakahaing pagkain sa lamesa.
"Syempre naman bebe Tammy alam naman ni Mama na Paborito mo ang Sinangag nya at ulam na niluluto nya kaya naman kahit pagod sa byahe ay nagluto na sya agad para sa inyo." boses ni ate na galing sa kusina.
agad akong tumayo at humalik kay Mama at yumakap kay ate.
"Morning ma,bakit hindi kayo nagpasabing uuwi kayo?" masayang bati ko.
" pinasundo lang kami ni Mama kaninang alas dos.buti na lang at walang pasok ang ate mo kaya nakasama sya." nguso nya kay ate.
" As if naman papaiwan ako sa toxic life ko sa Manila." pag ngisi nya saka umupo sa hilera nila Andrew.
"Tita wag ka nang umuwi sa Manila ah?! di baleng tumaba at maging balyena ako basta luto mo." sabi ni Tamara na takam na takam na pero hinihintay pa na magdasal para makakain na.
" Ma si papa po ba?" tanong ko.
" naku anak nag iikot na sa Hacienda at gustong makalanghap ng sariwang hangin, na miss nya na daw dito eh, nagkape nga lang yun at lumarga na." natatawang sagot ni mama saka unupo katabi ni Lola.
"Stop with the Chikahan let's pray para makakain na tayong lahat at makapa ligo kayo sa kalapit dagat." nakangiting sabi ni Lola, halatang miss nya rin sila mama.
"Yes!" we giggled in unison, saka nagumpisang magdasal at kumain.
tuwang tuwa silang lahat dahil ang sigla ng hapag kainan di lang sa pagkain kundi sa pagkakamustahan lalo na at ngayon ay nakasama na namin muli si Keith na nailang pa nung una pero tawa na din ng tawa sa huli at busog na busog ang lahat sa dami ng nakahain at mga prutas na iba't ibang uri.
pagkatapos kumain ay umupo kami sa veranda at saka nagpatunaw ng kinain bago bumalik sa kanya kanya naming kwarto at naghanda sa aming dadalhing pamalit pagpunta sa beach.
BINABASA MO ANG
the one
Teen FictionSimple naman ang buhay na gusto ko habang nag aaral ako.. Ang mag-aral tapos sideline sa coffee shop at umuwi ng bahay para matulog.. Pero dahil sa isang maling desisyon.. Nagulo ang tahimik na college life ko . "Every action deserves a consulation...