Chapter 25

23 3 3
                                    

             NikkeyNiksFeliciano salamat sa pagvote mo sa story kong IWY . 
             edwardsmith603 thanks sa pag follow.

Sana ay mabasa nyo rin tong story ko na to soon. Salamat ng marami sa supporta Godbless.

CLEO'S POV

naguluhan ako sa pinag gagawa ni Justin ngayong araw paano ba naman kasi pumunta sya ng maaga sa bahay para lang sunduin ako pero nung walang nagbukas ng pinto sa kanya eh hinintay pa nya ako. paano kung wala na ako dun at maagang pumasok? hindi man lang nag text,tapos pinagluto nya ako na sobrang ikinatakam ko naman dahil sa gutom ko lalo na sa omelet na niluto nya simple pero malasa na sobrang ipinag pasalamat ko.

then nung nakarating kami sa campus kanina. bigla ba naman hinila ang tali ng buhok ko sabay sabing trip nya lang.

uso ba ang baliw ngayong araw? paano ba naman kahit si Tammy ay naka ngiting mag isa.
kaya ang nangyari tuloy ay pinatayo sya ng prof namin at tinanong about sa lesson. buti na lamang at nandun ako sa tabi nya kung hindi ay baka buong time ni Sir sya tatayo.

mabilis na umandar ang oras at vacant na namin  naisipan nilang kumain sa labas ayoko pa sana sumama dahil gastos yun pero makulit si Tamara na sya na daw ang bahala dahil sa tinulungan ko sya kanina kaya nakasama ako.

nagkakatuwaan silang dalwa ni Patrick nang biglang napasimangot si Tammy na nakatingin sa harap nya kaya naman pati kaming tatlo ay napalingon sa tinitingnan nya.

"So our campus cinderella is with her prince charming and with her fairy God bestfriend hah?"  nang uuyam na sabi ni Keith na kasama ang kanyang new found friends

tumayo si tammy na asar na asar.

"pwede ba Marie! umalis ka na nga kung lalapit ka lang para mang asar umalis ka nalang!" asar na sabi ni Tammy.

"wow. ako aalis?bakit ikaw ba ang may ari nito? isa pa bakit tinatamaan ka ba? hahaha" tawa nya na ikinatawa din ng mga kaibigan nya.

"hayaan mo na Tammy. kumain kana ng makaalis na tayo."sabi ni Patrick.

kaya naman umupo si Tammy  nang naka simangot. habang si Justin ay nag paabot ng carbonara kay Patrick. kumuha sya at nilagay ito sa isang platito sabay harap sakin.

"babe say ahh.."sabi nya at nang hindi ko magets ang ginagawa nya ay  sinipa nya ng mahina ang paa ko.

kaya naman napa ahh ako na dapat aaray ako. medyo tinamaan kasi ang daliri ko kaya medyo masakit.

pero ang loko sinubo agad sa bibig ko at pinunasan ang labi ko.

"ang sweet naman nila."comment  ng kasama ni Keith.
dahilan para irapan nya ito at hilain naman ng kasama nila ang buhok nito para matauhan.

"pwede ba umalis na kayo nakikita nyo namang nag dedate kami ng girlfriend ko diba? o baka gusto nyong ipakaladkad ko kayo sa guard para paalisin dahil sa paninira nyo ng moment namin ng babe ko." sabi ni Justin sabay lingon sa gawi nila.

kaya naman hinila si keith ng mga kaibigan nya palayo para hindi sila mapahiya.

"napaka sweet ng bestfriend ko sa babe nya no hon?" sabi ni patrick.

"oo nga eh,buti pa sya! ikaw hindi tsk. wala ka pang ibang ginawa kundi ang asarin ako. " asar na sagot ni Tamara.

"eto naman honey ko tara nga dito. "sabay yakap nya kay tamara at subo ng pasta dito dahilan para ngumiti ito.

"wala ba kayong gagawin after class?" tanong ni Justin.

"wala naman bakit?" sagot ng dalwa habang ako ay tumango dahil sa may pasok pa ako s a trabaho ko.

the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon