Chapter 26

22 5 1
                                    

emzypotss and xxxprnsyxxx salamat sa pag follow .. sana mabasa nyo ang names nyo sa chapter na to. GODBLESS po. Don't forget to vote. Salamat😆😆😆

CLEO'S POV

Simula ng pasukan ay hindi na ako tinigilan ng group of friends ni Keith ni wala man lang ata sa kanya ang pinagsamahan naming tatlo ni Tamara. Pati si Tamara ay dinadamay nya buti nalang at palaban si Tamara hindi katulad ko na wala namang ipag mamalaki kaya mas iniisip na lang na wag silang patulan.

Kahapon tinanong ako ni Justin kung may pasok ba ako ngayon sa sideline ko. Sabi ko wala, buong araw akong walang pasok dahil nga sa saturday tinapat na free day ko ngayon at walang pasok sa school.

Kaya naman niyaya nya ako ng date. Yup nabasa nyo ng tama niyaya nya ako ng date. Actually mula pa ng after a month ng pasukan nag dedate na kaming dalwa. Kahit na alam ng ibang tao na kami sa totoo lang wala pa kaming label.,Hanggang date lang.

Nakilala na din sya ni papa at boto sa kanya ganun dun si mama na akala mo eh si Justin ang anak dahil pag nabisita kami ni Justin sa bahay grabeng ang dami nyang niluluto akala mo laging may fiesta palibhasa walang anak na lalaki si mama kaya sobrang pag care nya kay Justin.

Minsan nga nabatukan nya pa ako ng kutsara ng natakam ako sa crabs na hinain nya. Yun pala para lang kay Justin yun. Pero si Justin tumawa lang saka nya hinati ang crabs para saming dalwa. Hindi kasi pwede sila ate at papa sa crabs kaya kaming dalwa lang ang nag-ubos.

So yun nga mag dedate kami mamaya and pinadalhan nya ako ng damit na susuotin. He prefered na puti lagi ang suotin ko o di kaya light color dahil bagay daw sa personality ko. Kaya naman wala akong magawa. Sobrang dami ko na ngang dress eh. Sabi ko sa kanya wag na nya akong padalhan ng kung anu ano dahil hindi ko naman kailangan ng mga yun at nakakhiya naman sa parents nya. Pero ang isang yun ay napaka tigas talaga ng ulo.

"Dyosa.. andyan na ang hari mo."sabi sakin ni ate ng pumasok sya sa kwarto.

"Sige te pababa na ako salamat." Sabi ko nang matapos kong talian ang buhok ko.

Bumaba na ako ng kwarto at nakita ko ang lalaking ubod ng gwapo.

Sa totoo lang kasi mahal ko naman na si Justin kaso hindi ko naman alam kung eto bang mga kabutihan at kasweetan nyang pinakikita eh totoo ba o kasali pa din sa usapan na pagkukunyari.
Naalala ko nanaman ang pagtawag sakin ni Mrs. Kim last day kung kamusta naman daw kami ng apo nya. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng detalye pwera lang sa nahuhulog na ako sa apo nya dahil sa nahihiya pa din ako. At hindi naman tamang umibig ako sa isang anak mayaman at pinagkakautangan namin ng loob ng pamilya ko.

"hey.." tawag sakin ni Justin . Hndi ko namalayan na nakalapit na pala sya sakin.

"Ah.. hi."sabi ko.

"Tara."yaya nya. Tumango ako bilang sagot.

Nagpaalam muna kami kay ate na aalis na kami . Niyaya pa namin syang sumabay samin dahil sa papasok na sya sa trabaho nya pero umayaw sya. Baka daw makaabala lang sya sa ka sweetan naming dalwa, baliw talaga.

"Saan naman tayo pupunta ngayon?" Tanong ko sa kanya.

" sa bahay. Mommy wants to meet you dahil last time na nag meet kayo nila dad eh hindi kayo gaanong nakapag usap." Masayang sabi nya

"Wa-what?! "Gulat na tanong ko.

"Oh bakit parang natatakot ka ?" Natatawamg tanong nya.

"Ok ka lang ?alam mo namang pinaki usapan lang ako ni Mrs. Kim nun na mag panggap ng girlfriend mo diba? So bakit kailangan ko pang ma meet sila ngayon?"tanong kong muli.

the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon