AJJoeGarcia salamat sa pagfollow.. Godbless you.
Cleo's POV
Alam ko lahat sila nag aalala sakin pero nahihiya na ako sa lahat ng tulong nilang ginagawa para sa akin. Halos lahat ay nakaliban sa klase para lang samahan at tulungan ang pamilya ko sa pag ayos ng mga probleam ko.
"Bes they're already left. Umayos kana ng higa at baka bumuka pa ang tahi mo." Sabi ni Tamara na umalis sa tabi ko at umupo sa solo couch na nasa tabi lang ng kama.
Umayos ako ng higa at tiningnan sya. Kita ko kung paano nya pinag krus ang bisig nya ganun na rin ang pagdikwatro nya at pagtaas ng kilay nya.
"Care to explain? Alam kong may naiisip ka. And I want to know kung tama ba ang hinala ko."
"Alam kong hindi magagawa sakin ni Tamara ang bagay na iniisip nila ang hinala ko ay ang papa nya o di kaya ang mga taong noon pa ay may galit na sa pamilya namin." Paliwanag ko.
" akala ko ba kaya nyo nga iniwan ang marangyang buhay ng pamilya nyo ay dahil dyan? Kaya nga kayo namuhay ng simple hindi ba? Kaya paanong maiinggit pa rin sila sa inyo?" Takang tanong nya.
"Kahit naman na wala kami sa puder ni lola ay alam kong sa kanila pa rin humihingi ng tulong sila Mama. Kaya nga mabilis na nakabayad sila mama sa mga perang hiniram nila sa inyo hindi ba? " paliwanag ko.
"Nakalimutan ko na ang tungkol dyan, naghinala nga ako kung paanong nakakuha sila ng malaking pera ng ganun kabilis. Tinanong ko nun si tita at ang sabi nya ay binenta nila ang maliit na lupa nyo sa probinsya." Kwento nya.
" hindi ang lola mismo ang nagbigay sa kanila ng pera. Mayroon palang naka tokang secret agent malapit sa bahay ng mangyari ang insidenteng yun kaya naman agad na nagbigay si lola ng pera kinabukasan. Nauna lang nang konti ang inabot nyo at nila Justin."
" ah kaya pala, So anong balak mong gawin ngayon?"
"Simple lang.. ang kausapin si lola para panagutin ang tunay na may sala. Mula ngayon makikita nila ang Cleo na hindi pa nila nakikita. Tama na ilang beses na akong napapahamak ayoko nang may madamay pang muli dahil sa mga taong ganid sa pera at kapangyarihan."
"Wow ah but it makes me a little bit scared. But go what you want andito lang ako para sayo." Pagpapalakas loob nya sakin.
"Salamat Tammy., kailan ba ang labas ko?"
" bukas makalawa ay maari ka ng lumabas." Sagot nya.
Tumango nalang ako at muling humiga para makapag pahinga.
"Basta kung anong mga binabalak mo andito lang ako."paalala nya sakin.
Makalipas ang dalawang araw...
Maaga akong nag ayos para sa paglabas ko. Hindi ko na pinapunta pa ang mga lalaki at tanging si Tamara lang ang kasama ko sa paglabas dahil sa may pupuntahan pa kami.
"Sigurado ka na bang ngayon na tayo pupunta dun? Hindi na ba magbabago ang isip mo?" Tanong nya.
Tanging maliit na ngiti at iling lang ang ginawa ko.
"Ikaw ang bahala but ngayon pa lang kinakabahan na ako for you. As what you've said decade ago iba ang pamamalakad ng lola mo to think para lumayo ang parents mo sa kanya."
"The only way to catch the fish is to have a lot of worm to feed them. And I needed a big money to accomplish my mission, Don't worry too much bes. This time I will use this and not this." Turo ko sa sintido at puso ko.
BINABASA MO ANG
the one
Teen FictionSimple naman ang buhay na gusto ko habang nag aaral ako.. Ang mag-aral tapos sideline sa coffee shop at umuwi ng bahay para matulog.. Pero dahil sa isang maling desisyon.. Nagulo ang tahimik na college life ko . "Every action deserves a consulation...
