Chapter 63

5 1 0
                                    

Tamara's POV

   Nung umalis si Cleo ay agad naming sinabihan si Justin na sundan sya, sa totoo lang papa pa nga ni Cleo ang nagpumilit ee.

   Alam naming lahat kung gaano na nila ka miss ang isa't isa at kung gaano sila nahihirapan sa lahat nang nangyayari, saming lahat sila ang pinaka mas nasasaktan at nahihirapan dahil hindi nila nagagawang lumaban ng mag kasama.

" nakakaawang mga bata, wala silang kalaban laban sa  mga taong nakapaligid sa kanila at pilit silang pinaglalayo." Tito Cris said .

" ganun talaga ang buhay , if you can't fight for your love then don't love someone else. and focus on your own life. paano ka tatapang at magtatagumpay kung tatakbuhan mo lang ang bawat sibat na ibabato sayo." paliwanag ni Doña Clover.

" matatapos din naman po ang lahat ng to , nakikita po namin ang sakit na nararamdaman  nila pero nakikita din namin yung determinasyon nilang dalawa para sa pamilya." sagot  naman ni Tart.

"andito naman po kaming mga kaibigan nila na handang tumulong hanggang huli." Dagdag pa ni Keith.

lahat kami ay nakatingin sa daang tinahak ng dalawa kahit na hindi na namin sila natatanaw.

Mula umalis yung dalawa wala halos kaming napag usapang masaya , we always talk about what will happen in the next days and what we will do .

puros nalang problema ang kinakaharap ng bawat pamilya namin at iisa lang ang pamilyang kalaban.
hindi lang namin alam kung bakit pati ang Papa ni Justin ay umaanib sa kalaban gayung anak at Pamilya nya ang maapektuhan.

pag sapit ng dapit hapon ay nagsipag ayos ang mga lalaki para sa bonfire habang kami namang mga babae ay nagpeprepare  for the dinner.

" wala pa ata yung dalawa?" nag aalalang tanong ni Tita Claire.

" pabalik na din po yun tita, baka sinusulit lang ang moment together." sagot ko na nakangiti.

nakita kong napatingin sa malayo si Andrew.

" Alam mo Andrew kesa umasa ka kay Cleo. bakit hindi itong si Keith ang ligawan mo. magkaparehas naman kayo ng ugali kaya for sure mag kiclick kayo."puna ko sa kanya.

"excuse me Tamara, utang na loob, ibubuyo mo nalang ako sa isa pang electric fan? ayos ka lang?"nagtataray na kontra ng bestfriend ko.

"as if naman magugustuhan ko ang isang tulad mo na parang bangus sa haba lagi ng nguso. akala mo hinila ng pison palagi." sagot ni Andrew.

"wow ah! hah! just wow, ang kapal talaga ng mukha mo! lalaking elecrric fan na akala mo gwapo mukha namang kwago!" inis na sagot ni Keith.

natatawa naman lunapit sakin si Tart para lalo pang asarin yung dalawa

" Tart pag yang dalawa nagkatuluyan for sure wala nang mambubully sa Campus. makita palang silang dalawa talo pa may army na nakapaligid sa campus dahil sa sungit ng dalawang yan." tatawa tawa sya sa Imagination nya .

" as if naman " Keith rolled her eyes , sabay talikod at kuha ng hotdog and marshmallow na tutuhugin nya sabay tapat kay Andrew ng Stick na kinagulat nito.

" at for sure magiging Andrew the Takusa na ang Palayaw nya, hahaha" sabat ni ate Clarissa na nakabalik na pala mula sa pagkuha ng kanin sa resort.

" I can't imagine Andrew to be like that, but if that's  will  happen?... baka maglumpasay ako kakatawa." sagot ni doc. Aga.

" tigilan nyo na nga ako kakabuyo sa babaeng to. inaallergy ako guys." nangdidiri at nangangati kunyaring si Andrew.

" Buti naman anak at nakabalik na kayo, kala ko ay may nangyari ng masama sa inyo." nag aalalang bungad ni tita kay bessy.

" We're fine ma," simpleng tugon nya sabay tingin kay Justin.

" baka naman ma may Nangyari na." may diing asar ni  Ate Clarissa.

" Nurse ka nga ang dumi ng utak mo! ipa ct scan mo na yan at baka may sira na yan. " naiinis na sagit ni cleo.

" Di totoo yan ate Clarissa. kilala natin tong bessy ko. talo pa nito sa Maria Clara kaya for sure walang mangyayari." habang yakap ko si bessy.

di naman na sya sumagot  nginusuan at nilakahan lang ng mata ang ate nya.

after we ate our dinner bumalik na sila Doña sa resort pati na sila tito at tita dahil na din sa lamig ng hangin sa dalampasigan.

pumaikot kami sa bonfire at nagkwentuhan lang , mawawala pa ba ang konting inuman para naman masolve ang  problem getaway namin.

buong gabi kaming nag aasaran nag tatawanan at nagkukulitan isang bagay na matagal tagal pa bago namin magawa ulit at ang tanong eh kubg kami paba ulit ang magkakasama sa susunod?

next norning...

lahat kami ay maagang nagsipag gising para umalis at makabalik na sa mansion para kunin ang iba naming gamit at babalik na  nang Manila.

"where is Cleo?" tanong sakin ni Keith ng gisingin nya ako.

" I don't know," i said saka tumayo papunta sa banyo para maligo at magbihis.

after namin sa morning rituals namin ni keith ay bumaba na kami. Agad din naming hinanap si Cleo sa iba

" I saw her with Justin kaninang umaga, baka nagpaalamanan muna bago umalis si Justin at Doc. aga ." paliwanag ni Andrew.

" hayaan nyo nalang muna sya. kumain na tayo para makaalis na tayo, mamaya ay babalik na tayo sa tunay na mundo." suway ni Doña Clover.

wala nang nagsalita pa sa amin at kumain na.  saka bumalik sa kwarto  at niligpit ang mga gamit namin,

" san ka galing?" tanong ni Keith.

" ah, umupo lang sa buhanginan sa dalampasigan mamimiss ko nanaman ang makapunta sa dagat " sagot nya.

" so what are you planning to do pagbalik natin ng Manila? aning napag usapan nyo ni Justin?" tanong ko naman.

" nakiusap syang hintayin ko sya. pero ewan ko kung matutupad ko. about sa plano ganun pa din naman walang nagbago." plain na paliwanag nya habang nakuha ng mga damit nya saka dumiretso sa cr para maligo.

Nagkatinginan lang kami ni Keith at saka sya nagkibit balikat.

  Kami lang lima at ang driver ang magkasama sa isang van habang nakahiwalay samin at nasa isa pang sasakyan sila tito at tita pati na din si ate Issa, si Doña Clover ay naiwan sa mansion nya para mag asikaso sa iba nyang business at sila Doc. Aga at Justin naman ay nauna na kaninang madaling araw at nag chopper para  hindi sila mahalat at makabalik agad sa Manila.

  Habang nasa byahe ay tahimik ang lahat at nagpapakiramdaman ni walang naglakas ng loob para magsalita o mangulit man lang, kahit ang boyfriend ko na ubod ng kulit at ingay ay walang imik lang na nakayakap sa braso ko, para bang lahat kami ay  mga nakaiwan ng kaluluwa  sa resort na pinanggalingan namin, parang lahat kami ay naubusan ng lakas kahit magsalita man lang o huminga ay hirap na hirap kami.

  Kita ko sa front mirror ang nag iisang si Cleo sa likod na bahagi ng sasakyan na para bang hindi na ngangalay sa posisyon nya nakatingin lang sa labas.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon