Chapter 5

920 25 6
                                    

/A Flashback/

"Masaya ka na?" Tanong ni Sanyel nang pumasok kami sa kompanya

"Syempre naman, nalaman ko na ang buong pangalan ng Baby Jin ko," kinikilig kong sagot bago umupo

"Magtrabaho na nga tayo, may kailangan pa tayong tapusin para sa Scarlet Themes," sabat ni TaeHyung

"Kim Seok Jin eee!" Tumatalon talon pa akong tumayo at naupo ulit sa desk ko, tinawanan nalang nila ako

"Guys, good morning!" Bati ni Manager Jung na ilang minuto nalang male late na

"Good Morning Sir!" Bati naming pito

"May sikreto akong sasabihin!" Sabi niya at pumalakpak pa, baliw itong Manager namin... Pero mabait sya kaya kaibigan na ang naging turing naming mga employee niya sa kanya

"Dito kayo dali," sabi niya at pinagtipon kaming pitong employee niya

"Kaibigan ko ang CEO!" Bulong niya

"Duhhh!" Sabi ni Han Yeok

"Talaga?" Intriga ng iba

"Kilala ko na rin naman po sya Sir eh!" Sabi ko

"Oh? Ano ngang pangalan niya?" Tanong ni Manager Jung

"Kim Seok Jin!" Kinikilig kong sagot

"H-Huh?" Sabi niya, napahinto ako

"Bakit Sir?" Tanong ni TaeHyung kay Manager Jung

"Haha, ano ka ba Ms.Park, KSJ Company naman iyong si Kim Seok Jin eh, Min Yoongi ang pangalan ng CEO natin!" Pabulong na sagot ni Manager Jung

"K- KS- SJ!?" Habang iniintriga ng apat naming kasamahan si Manager Jung ay ako naman ang inasikaso nila Sanyel

"Makikibalita lang ako kay Manager Jung ha!" Sabi ni TaeHyung kaya binatukan sya ni Sanyel

"Bes ok ka lang?" Tanong ni Sanyel

"Huy A-Ches," tinapik tapik ako ni TaeHyung

"Bakit ka umiiyak!" Pasigaw at gulat nilang tanong

"K-KSJ!!!" Isang oras mahigit akong ngumawa sa opisina na pati mga kasamahan ko naintriga sa akin

/End Of Flashback/

Natauhan nalang ako nang magbukas ang elevator sa harapan ko

Pagkapasok ko doon, inisip ko kaagad na kung sakaling matanggal ako dito, makakapag apply na ako sa KSJ, pero kailan...

"Yes! Di ko na kailangang magdahilan kay TaeHyung ng kahit ano para matanggal sa kompanya na ito kung sila na ang kusang gagawa noon!" Wala sa sarili kong sigaw sa loob ng elevator dahil mag isa lang naman ako

Ngumiti ako ng bongga dahil sa positive side ng pagkatanggal ko at pinindot nalang ang button

"Ay tanga!" Asar! 4th floor napindot ko imbes na 2nd floor

"Haha ayoko na nga!" Sabi ko sa sarili at inisip kung paanong makikita ang mukha ni Baby Jin ko

(Yoongi's P.O.V.)

"May nangyari pa kanina, tinatamad na tuloy akong tumuloy," sabi ko

"Dude, kung gusto mo bubuhatin nalang kita," sabi niya na binilisan kaunti ang sasakyan

Bumaba na kami pagdating ng Parking Lot at tumingin ako sa kompanya

"Hindi ako makapaniwalang nakapagpatayo ka ng kompanya," pamamarangka niya

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon