(Cheon Sa's P.O.V.)
"Hohoho! Ano nanamang nangyare?" Tanong ko pagkapasok, nasa labas palang kasi ako, rinig ko na ang boses ni Kuya Yoongi hohoho!
"Puwede mo pa namang ulitin iyon, umayos ka nga!" Sagot ni Min Jae, napatingin tuloy ako sa kanila
"Manahimik ka dahil wala ka namang alam! Wala na akong kopya noon! Tiwala akong sa iyo ko lang isesend iyon!" Sagot naman ni Kuya Yoongi at bumalig ng titig kay Sanyel na mukhang takot na takot
"Saan napunta!?" Dagdag nya na ikinainis ko
"Kita mong nasa ganyang kalagayan ang kaibigan namin," sa isang iglap ay naipakita ko ang seryoso kong ugali
Ayokong natatakot ang mga importanteng tao sa buhay ko.
"Ano A-Ches? Porque sya ang boss mo at nakahanap ka ng bagong kaibigan, hindi mo na ipagtatanggol si Sanyel!? Ano? Kinalimutan mo na ang pagkakaibigan nyo!?" Sabi ni Min Jae, napangiti ako ng mapait
Ang galing nya naman...
"Hoy, iyang dila mo tatapyasin ko iyan!" Si Kuya Yoongi ang sumagot
"Subukan mo!" Iritadong sagot ni Min Jae
"Guys, manahimik kayo, lalong naguguluhan si Sanyel sa inyo eh!" sabi ni Shin Ah
"Bakit? Pinagtatanggol ko lang sya!" Sagot ni Min Jae
"Ang galing noh? Bumabawi ka ba ngayon sa pang-iiwan mo?" Seryoso kong sabi na ikinatahimik niya
Kung tumulong ka lang sana, hindi kami mawawalan ng magulang!
"Ms. Park, siguraduhin mong mahanap iyon," sabi ni Kuya Yoongi
"Manhid ka ba ha," inis kong sabi
Hindi ba talaga sya nakakahalata!!! Sira ulo pala ito eh, kita nya na ngang nasa ganyang kalagayan si Sanyel!
"Manahimik nalang muna kayo, lalo ka na, Min Jae," sabi ni Ate na hindi pa rin inaalis ang tingin kay Sanyel na inayos ang pagkakakumot sa sarili
Nang tinignan ko iyon ay nanlaki ang mga mata ko.
Hala! Bakit?
"Ooops, sorry," paumanhin ko kay Mr. Min, paano ay nakita ko ang ginagawa ni Sanyel
Nagsisinungaling sya...
Pinapaikot ikot nya ang tela sa kanyang daliri, ginagawa nya iyon tuwing may bagay syang itinatago sa amin.
"Sanyel, mag-usap tayo mamaya," seryosong sabi ni ate at lumabas, sumunod rin naman si Sir. Min sa kaniya
"Bwiset," bulong ni Min Jae kaya sinamaan ko sya ng tingin
"Sanyel, kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ko kay Sanyel na halata ang pangamba sa mukha
"Ok na ako," sagot nya at nahiga ng maayos, napabuntong hininga si Shin Ah
"Ano ba kasing nangyare?" Tanong nito pero pag-iling lang ang isinagot nya sa amin
(A-Ches's P.O.V.)
Lumabas nalang ako ng kuwarto ni Sanyel dahil hindi ko na nagugustuhan ang nangyayare doon.
Kasalanan ko bang mapahamak si Sanyel?
Marahil oo, dahil pinahintulutan ko syang sumama kay Sir. Park.
"A-Ches," tawag ni Sir. Min, sinundan nya pala ako hanggang dito sa labas ng hospital
"Bakit po? Pagagalitan nyo rin po ba ako?" Wala sa sarili kong tanong, napansin ko naman ang pagkunot ng noo nya
"Anong pinagsasasabi mo?" Inis nyang tanong

BINABASA MO ANG
A Stupid Contract With The C.E.O.
FanficKatangahan at Katalinuhan Bawat tao, taglay ang katangiang iyan. Kahit ang pinaka-matalino ay nagkakamali, at kahit naman ang walang alam ay nakakagawa pa rin ng tama. Ano bang maaaring maidudulot ng katangahan at katalinuhan sa buhay? Saan nito dad...