(A-Ches's P.O.V.)
"Sino pala iyong lalaking iyon? Yung totoo ha," tanong ni Min Jae na nagpangiti sa akin
Sumaglit kami sa labas para bumili ng makakain, mabuti at may mga restaurant at fastfood chains malapit dito. Nagkaayos na rin kami matapos kaming bitinin ni Sir. Min sa pag-uusap.
"Hindi ko alam," sagot ko habang umiinom ng kape, nakita ko ang pagngiwi nya at tumingin sa ibang direksyon
"Seryoso A-Ches?" Dugtong nya, ngumiti nalang ulit ako at naupo sa malapit na upuan, tumabi naman sya sa akin
"Huy," pangungulit nya, tinignan ko sya ng seryoso
"Maniniwala ka ba?" Balik tanong ko, tumango naman sya, napangiti ako at nagsimulang magkuwento
"Si Sir. Min ay ang C.E.O. ng aming kompanya na MY Company, nagkakilala kami dahil sa katangahan ko, nakita nya ang presentation disk na bunga ng so called katalinuhan ko daw, tapos gumawa kami ng isang nakakatangang kontrata," kuwento ko, seryoso lang syang nakikinig
"Tapos?" Tanong nya, napailing nalang ako
"Iyon na iyon, pumupunta ako sa kanila para mag overtime dahil kasama sa kontrata iyon, tinutulungan ko syang bumuo ng ideas kasama si Sir. Kim Namjoon," pagpapatuloy ko
"Bakit pumayag ka sa ganoong klaseng kontrata? As in sa bahay pa nila ah," Tanong nya, natawa ako sa sarili ko nang maalala ang lahat
"Min Jae, crush na crush ko kasi dati yung kapatid nyang si Kim Seok Jin, C.E.O. ng KSJ, kasama sa kontrata na makikita ko to tuwing pupunta kami doon," sagot ko, kahit sya ay natawa sa paliwanag ko
"Iba ka talaga A-Ches, hanggang ngayon ba pumupunta ka pa rin doon? Ano naman yung tinutukoy niyang Last Love mo daw sya?" Tanong nya, bigla akong kinabahan sa mga tanong at napangiti ng tipid
"T-Teka A-Ches, mahal mo talaga yung taong iyon? Paano ako?" Tanong nya, inirapan ko lang sya kaya natawa sya
"Ok, wala rin naman akong matatago sa iyo, pumupunta pa rin naman ako, kaso n-nung may narealize ako these days hindi na masyado, nagagalit nga sya eh ahahaha, actually nag-away kami nito lang, nagkabati rin naman kami, d-doon ko narealize i-iyon," kinakabahan kong sagot
"Away? Narealize ang alin?" Tanong nya
"N-Na mahal ko sya, pumupunta lang naman ako sa kanila para sa trabaho na may kapalit na biyaya, iyon ang makita ang kapatid nya,"
"Trip na trip ko talaga yung picture ng kuya nya, ang gwapo kasi ng kuya nya dun, y-yun ding tao na iyon ang dahilan ng pag-aaway namin a-at iyon rin ang nagparealize sa akin na hindi naman talaga sya ang pakay kong puntahan doon kung hindi si Sir. Min," pagpapatuloy ko, nakangiti lang sya ng mapang-asar kaya hinampas ko sya
"Aray! Ok, tanggap ko nang hindi na ako ang mahal mo pero wag mo na akong saktan physically!" Biro nya at nagtawanan kami
"Hahaha b-bwiset ka Min Jae," sabi ko at bigla nalang ako napaiyak
"Hala bakit!?" Nag-aalala nyang tanong, nagpatuloy lang ako sa pag-iyak
"K-Kasi alam ko ang limitasyon ko Min Jae, h-hindi ko alam kung alam nya ba na gusto ko sya o ano, nagulat nga ako na n-nasabi nya yun kanina eh, ang sabi nya-a nililigtas nya lang daw ako sa iyo, p-pero nahihiya ako Min Jae, n-nakakahiya," sabi ko, hinagod nya naman ang likod ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko ng panyo
"Alam k-oo kasing matutulad nanaman ito sa nangyari s-sa atin, a-ayoko nang umasa na ganoon din ang n-nararamdaman nya, k-kaya hangga't maaga, medyo inilalayo ko na m-muna ang sarili ko, kasi baka lalong lumalim pag kasama ko sya, k-kanina kinausap ko nalang si TaeHyung para umalis na sya, nakakahiya kasi sya pa ang p-pumunta sa akin pero h-hindi nya naman alam ang dahilan eh," pagpapatuloy ko, lalo lang akong naiyak dahil sa huli kong sinabi, hindi nya naman talaga alam, at malaman nya man wala lang iyon para sa kanya
![](https://img.wattpad.com/cover/107943589-288-k925693.jpg)
BINABASA MO ANG
A Stupid Contract With The C.E.O.
FanfictionKatangahan at Katalinuhan Bawat tao, taglay ang katangiang iyan. Kahit ang pinaka-matalino ay nagkakamali, at kahit naman ang walang alam ay nakakagawa pa rin ng tama. Ano bang maaaring maidudulot ng katangahan at katalinuhan sa buhay? Saan nito dad...