Chapter 41

227 10 2
                                    

(A-Ches's P.O.V.)

"Good morning Manager Jung!" Bati ko, ngumiti naman sya at kumaway

"Good morning din! Mabuti at nagkaayos na kayo," bati nya pabalik, ang bilis makasagap ng balita ah?

"Opo nga po," sabi ko at naupo na

Pero hindi ko pa rin talaga nasasabi ang mga bagay na gusto kong sabihin...

"Manager Jung," tawag ko

"Oh?" Tanong nya

"Puwede po bang kayo nalang magsabi na hindi ako makakapag OT mamaya?" Pakiusap ko

"Oh, bakit anong problema?" Tanong nya

"Wala, napagod lang po kasi talaga ako eh," palusot ko

"Saan?" Tanong nya

"Malalaman nyo rin, alam ko namang idadaldal po sa iyo ni Cheon Sa iyon eh," pang-aasar ko

"Hala! Hahaha, oh sige sige," sagot niya at nagsimula na kaming magtrabaho

May bago nanamang requests about sa antique interior designs, tinanong ko nga si Manager Jung kung maganda ba yung idea, sabi nya ok lang naman daw kaso may kulang.

Meron ding mga modern styles at ideas, maraming magandang project pero karamihan talaga common kaya narereject.

Sumapit ang oras ng breaktime pero hindi lang man ako nakalabas para kumain...

Naubos ang oras ko kakaisip nang dahil sa isang message...

Ano bang iniisip ko?

"A-Ches, galit ka pa rin ba sa akin?"

Napasandal nalang ako sa upuan habang binabasa iyon.

"Minjae," ano bang irereply ko?

Umiling nalang ako at inilapag ang cellphone. Sa isang iglap lang naalala ko lahat ng mga ala-ala namin dati.

"Ayos ka lang ba A-Ches?" Tanong ni Manager Jung at inabutan ako ng isang biscuit

"Ang lalim ng iniisip mo, ano ba talagang problema?" Tanong nya, napasinghap nalang ako sa tanong nya at saka ko sya tinignan ng malungkot

"Mayroon kasing ala-ala na bumabalik sa buhay ko," sagot ko

(Tae Hyung's P.O.V.)

"Uwian na!" Sigaw nila Joo Young habang nagtatawanan

"Makapagsaya kayo parang ang dami nyong nagawa eh!" Pangbabara ni Ih Dae

"Syempre, masipag kami eh," nagtawanan nalang kami sa sagot ni Yoseob

"Hiyang hiya ako sa kasipagan nyo, grabe!" Sagot ni Ih Dae habang umiiling

"Excuse me, nandito ba si Sanyel?" Lahat kami napalingom sa lalaking pumasok

Sino itong mokong na ito?

"Chimchim!" Masiglang bati ni Baby at niyakap sya

"Hoy!" Sita ko at hinila sila palabas

Lumingon ako para masigurong walang nakakarinig sa amin.

"Ay! Pasensya na po, kayo po ang Kuya nya, ako po pala si Park Jimin, magandang araw po," pagpapakilala nito at nakipagkamay pa sa akin, teka- taga KSJ ito ha?

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon